Kabanata 39

58 2 0
                                    

Kabanata 39






Trigger Warning: This chapter may contain element of abuse, crime, drugs, sex, violence, or triggers which may be harmful or traumatizing to some. Reader discretion is advised.







Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi naman ako nakatulog ng maayos dahil ang daming tumatakbo sa isip ko. Kahit antok na ang mga mata ko, kapag ipipikit ko na, kusang nawawala ang pagod ko.

Dahil may extrang damit naman na ibinigay sa akin si Hilda, ayon na ang isinuot ko. May common bathroom sa loob. Maliit lang 'yon at tama lang para makapaglinis sa sarili.

Nang makapag asikaso na ako, naupo ako sa kama at hinintay na bumukas ang pinto. Ang sabi ni Hilda, alas otso pupuntahan na niya ako rito. Walang orasan dito sa loob pero mabuti na lang at tama at eksakto ang oras na nakalagay sa binigay na cellphone ni Hilda.

Wala pang alas otso nang bumukas ang pinto. Nakita ko agad ang bulto ng katawan ni Hilda. Nagulat ako nang una kong mapansin ang gupit niya. Naka pixie cut na siya ngayon! Mas nadepina ang hulma ng mukha niya. Sakto lang din ang gupit sakaniya dahil pa-oval naman ang face structure niya. Matangos at maliit din ang ilong niya kaya kung maganda siya sa mahaba at straight niyang buhok, mas gumanda siya sa pixie cut niya ngayon.

Hinihipan ni Hilda ang tumakas na kaunting buhok sa noo niya. Tumingin siya sa akin at pinasadahan ako ng tingin.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"May ipinatawag na meeting si Yuri. Uupo ka lang doon at makikinig. Wala kang ibang sasabihin at wala kang ibang gagawin. Got it?"

Tumango ako.

Tinalikuran ako ni Hilda at dumiretso sa pinto. Tahimik akong sumunod sakaniya habang pinagmamasdan ang malapad niyang likod.

Hindi ko alam kung isang buwan o isang buwan at kalahati na ba simula nang umalis ako sa Alma Mina. Nawala na ako sa pagbibilang. Hindi ko rin alam kung ipinapahanap ba ako nila Nomari o Monday. Hindi ko rin alam kung umaaligid pa ba ang sinasabing tauhan ni papa sa bahay nila Nomari. Alin man sa mga 'yon ay wala na akong balita.

Muling nag swipe ng card si Hilda at pumasok kami sa mas pribadong kwarto. Tingin ko'y opisina ito kung saan sila nag me-meeting. Maraming bantay sa labas niyon at hindi basta-basta makakapasok dahil isa-isa nilang chine-check ang mga pumapasok.

As I step into the dimly lit meeting room, the heavy scent of cigar smoke fills my nostrils. Sa madilim na parte ng lugar, may mga nakaupo roon na wari ko'y matatanda na. Hindi mo masyadong makikita ang mga mukha nila pero base sa ayos nila, alam mong nakamasid at nakikinig sila.

Tanging tunog ng sapatos ang naririnig sa loob. May mangilan-ngilang nag-uusap pero hindi naman masyadong dinig. The room is adorned with plush, velvet curtains drawn tightly over the windows, casting shadows across the squared table at the center. Ang mga upuan na nakapalibot sa lamesa ay nakaayos pa. Hudyat na hindi pa nagsisimula ang sinasabing meeting ni Hilda.

Naupo kami sa pinakadulong bahagi na banda sa kanan at malapit lang sa pinto. Sa gitna, doon nakaupo si Yuri habang madilim at seryosong nakatanaw sa amin ni Hilda. O kay Hilda lang? Kumunot tuloy ang noo ko. Panay ang tingin niya kay Hilda kahit pa 'di naman siya pinapansin nito.

Tumikhim ako at nilibot ng tingin ang paligid.

The silence is palpable, broken only by the occasional clink of ice against crystal as a glass of whiskey is poured. Puro kalalakihan pa lang ang nakikita ko rito mula nang dumating kami ni Hilda kaya nagulat ako nang sunod-sunod na pumasok ang limang babae at umupo malapit sa tabi ni Yuri. As they take their seats, the tension in the room thickens. Nakita ko kung paano nila sinuyod ng tingin ang buong kwarto at nahinto saglit sa katabi kong si Hilda.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon