Kabanata 3
Naging mabilis ang pangyayari. Tinulungan niya nga ako gaya ng sabi niya. Hindi na kumalat pa ang kung anong video ni TJ. Kung mayroon man ay siguro patago na iyong sine-send sa kung kani-kanino.
Na-expelled sa school si Khalid at natanggal naman si TJ sa pagiging cheer captain niya. Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon. Nakausap naman ako ng guidance patungkol lang sa social account ko at na-icheck naman na ang activity ko kung kailan ang huling gamit ko niyon, bukod doon ay wala ng iba pang pinag-usapan.
Ang bilis lumipas ng mga araw.
Matapos ang pangyayaring iyon ay wala na akong nabalitaan pa sakanilang dalawa. Pumapasok pa rin naman si TJ, pero hindi ko na siya madalas makita. Hindi tulad noon na palagi siyang tumatambay sa court kasama ang mga kaibigan niya o kahit sa cafeteria. Maski kay Khalid ay wala na akong balita. Naka-deactivate na ang socials niya at hindi ko na rin siya nakikita sa bilyaran kung saan sila madalas tumambay.
Sa mga nagdaang araw, mas lalo kaming nagiging close ni Caden. Nalaman ko rin na sa kabilang subdivision lang pala sila nakatira at gaya ko, nag ba-bike rin siya pag papasok sa school.
Simula noon, lagi na kami sabay pumasok dahil pang hapon din naman ang pasok niya. Maaga siyang pupunta sa labas ng subdivision namin at ite-text ako na nandoon na siya. Kapag uwian naman inaantay ko siya sa gate dahil minsan may meeting sila o 'di kaya naman ay kailangan kausapin ng mga teachers.
"Gusto mo ba?" tinuro niya ang kwek-kwek na nadaanan namin.
Hininto ko ang bike at saglit na tinignan 'yon. Napalunok ako.
Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Tara, libre ko." sinamangutan niya ako pero alam kong pabiro lang 'yon.
"Manong, tig dalawang kwek-kwek po. 'Yong tig sampo." sabi nito at nilingon ako. "Gusto mo ba ng palamig?"
Umiling lang ako at dinala ang bike ko sa gilid. Kinuha ko ang cellphone ko at pasimpleng pinicture-ran si CK habang bumibili ng kwek-kwek.
Natawa ako sa sarili ko.
Nalimutan ko na kakagaling ko lang sa matindi at dramatic na break-up. Ilang buwan na rin naman na ang nakakalipas nang mangyari iyon. Hindi na ako umiiyak kapag gabi, hindi ko na rin nai-isipan pang...
Umiling ako sa sarili.
Napapansin ko na parang wala na lang sa'kin 'yong nangyari.
O dahil may iba pang dahilan?
"Ano na naman ang iniisip mo?" lumapit sa akin si CK at inabot ang kwek-kwek.
"Kailangan ba may iniisip ako ngayon?"
"Oo. Tulala ka, e."
"Hindi ba p'wedeng pagod lang?"
"At pagod ka dahil?"
Tumawa ako. "Kailangan talaga lahat may rason?"
"Oo naman. Hindi naman p'wedeng stress ka dahil wala lang. At hindi naman p'wedeng tulala ka rin dahil wala lang din? Lahat may reason. Scientific o—"
"Wala nga!" tumawa ako dahil lumalayo na naman kami sa topic.
Simula noong nangyari ang issue na 'yon hindi ko alam na 'yon na rin pala ang magiging dahilan ng pagiging close namin ni CK. Pangit man 'yong naging simula namin pero tinanggap ko na rin kalaunan.
Kapag papasok ako lagi niya ako hinahatid sa classroom dahil alam niyang pinag-uusapan pa rin ako ng mga batchmate ko tungkol sa nangyari. Kasama niya rin minsan maghatid ang ibang kasama niya sa organization nila kaya laging tahimik ang mga kaklase ko. Takot lang nilang makunan ng I.D!
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Fiksi UmumStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime