Kabanata 23
Kunot noo akong lumabas ng school. Sa malayong gilid, nakita ko roon si Caden na nakasandal sa motor ng boyfriend ni Nomari. Magkasalubong din ang kilay nito at nakatingin sa malayo.
Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero... tandang-tanda ko ang naniningkit na mga matang 'yon. Kung siya talaga 'yon, ano namang ginagawa niya rito?
Tinignan ko si Caden.
"Kanina ka pa?"
Nagulat si Caden sa presensya ko. Saglit itong tumitig sa akin at agad na umiling.
Mukhang malalim ang inisiip niya.
"Kakarating ko lang. Tapos na klase mo?"
"Oo."
"May balak ka pa bang puntahan?" tinignan niya ang relo niya.
Maaga pa naman. Alas kwatro pa lang. Walang masyadong ginawa sa huling subject namin dahil gawaan na ng grades para sa nalalapit na graduation.
Tinignan ko ang malawak na karagatan na natatabunan ng mga puno ng niyog. Kulay kahel na ang langit at malamig na rin ang hampas ng hangin.
"Maaga pa naman. P'wede tayo pumunta sa Sea Eall." Sabi ko.
"Ah, 'yon ba 'yung nadaanan natin kanina?" tanong niya. Tumango naman ako roon. "Palagi ka ba roon?"
"Hindi naman. Kahapon ko lang naisipang tumambay doon at gusto ko sana ulit puntahan. Presko kasi ang hangin at amoy na amoy ang maalat na dagat. Kitang-kita rin doon ang paglubog ng araw... " bigla akong pinamulahan. Titig na titig sa akin si Caden kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Masyado akong madaldal!
Tahimik na inabot sa akin ni Caden ang isang helmet. Pagkaabot ko noon, dumaan ang isang motor sa harap namin at dahan-dahang huminto.
Napatingin ako roon.
"Val? Pauwi ka na?" Si Keith!
Tamad siyang bumaba ng motor niya habang nakasabit sa isang braso ang isa pang helmet. Ang suot naman niya ay hindi niya tinanggal. Tinaas niya lang ang visor no'n at ngumiti sa akin.
"Oo. Ikaw ba? Nadadalas ka rito, ah? 'Di ba sa Gasan ka pa?"
Saglit niyang tinignan si CK sa tabi ko. Nagtaas siya ng kilay at may multo ng ngiti sa mga labi nang harapin ako.
"Susunduin ko lang ang pinsan ko."
"Ah, oo nga pala. Ano'ng grade na nga ng pinsan mo?"
"Grade 9."
Tumango ako.
"Si CK nga pala," tinuro ko si CK sa likod ko. Seryoso ito nang tumayo para lumapit sa amin ni Keith.
Ang kaninang ngiti sa labi ni Keith ay naging ngisi. Saglit niya akong sinulyapan bago naglahad ng kamay kay CK na seryosong nakatingin sakaniya.
"Keith, pare."
Ramdam ko ang pagtangis ng bagang ni CK pero agad din naman niyang tinanggap ang kamay ng lalaki at mabilis na binitawan 'yon.
Problema nito?
"Caden Keith." Matigas na pakilala ni CK.
Nanlaki ang mga mata ko! Halata ang pagiging suplado niya base sa pananalita at kilos na hindi naman niya ginagawa noon.
Nang tignan ko si Keith para sana magpaumanhin sa kilos ni Caden ay humalakhak ito at sinulyapan ako. Tuwang-tuwa siya sa nangyayari habang ako ay naguguluhan.
"Kaya pala. Sige, sunduin ko na ang pinsan ko. Ingat ka pauwi, Val." Aniya pa at muling sinulyapan ang lalaki sa tabi ko sabay iling.
"Uh... " tinignan ko si Caden na tikom ang bibig at magkasalubong ang mga kilay. "Sige, ano... Keith, ingat."
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Ficción GeneralStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime