Kabanata 18

14.1K 165 1
                                    

Kabanata 18






Dinala ko na pababa ang whiteboard ko para hindi na tumakbo sa kung saan pa ang isip ko habang hawak ang cellphone ni Caden. Pagbaba ko nakaayos na ang sala at mayroon nang nakahandang pagkain doon. May fried rice, nuggets at bacon.

Naluto niya lahat 'yon? Ang bilis naman! Nakaramdam tuloy ako bigla ng gutom.

Tinignan ko siya habang pababa ako ng hagdan. Pinapagpagan niya ang mga throw pillow sa couch 'tsaka siya humarap sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya hindi ko maiwasang pamulahan.

Hindi ko alam kung anong isusuot ko kahit sa baba lang naman ako pupunta. Hindi naman ako ganito rati na namimili pa ng damit kapag aalis, pero kanina kahit na sa loob lang naman ako ng bahay nag effort pa akong maghanap ng matinong maisusuot!

Isang white spaghetti straps na lace dress ang sinuot ko na pinartneran ko lang ng silk pajamas para naman hindi masyadong revealing at hindi mukhang pinaghandaan ng husto. I also use my favorite perfume na hindi ko madalas gamitin. Dupe lang naman 'yon ng paboritong pabango ko dahil hindi ko naman afford ang original niyon. Saka na lang ako bibili ng original niyon kapag may trabaho na ako. Madalang ko lang din namang gamitin ang pabango dahil mahirap humanap ng kasing amoy nito.

Pero ginamit ko ngayon! Umirap ako sa kawalan at pinangaralan ang sarili. Umiling ako at tumikhim.

"You smell good." Puna ni Caden.

Nakaupo na siya ngayon sa isang couch habang nakatingin ng maigi sa akin. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin. Parang bigla kong nalimutan kung bakit pa ako nakatayo.

Ah! Ang whiteboard!

Mabilis kong inangat ang dalang whiteboard 'tsaka nagsulat doon.

'Thanks,' sulat ko at tumango 'tsaka ako dahan-dahang umupo.

"Ano'ng gusto mong panoorin?"

'Ikaw na lang bahala. Wala akong maisip, eh.'

Binuksan niya ang flat screen 'tsaka naghanap sa Porama kung anong p'wedeng panoorin. Wala naman akong maisip kung anong magandang panoorin dahil... taon na rin ang lumipas mula nang makanood ako. Wala na akong balita sa labas ng mundo. Parang mula nang mangyari ang insidenteng 'yon huminto na rin ang mundo ko at nawalan na ng pake. 

Nalungkot ako sa naisip pero hindi ko pinahalata 'yon kay Caden.

Dahil mukhang hindi rin naman mahilig manood si Caden, kung ano na lang ang magandang poster na movie, iyon na lang ang pinanood namin. Romance 'yon kaya napagtanto kong hindi talaga siya mahilig manood.

Halos lahat yata ng nakilala kong lalaki noon ayaw sa romance na mga palabas. Mas gusto nila ang action, sci-fic, thriller o mga war movies.

'Mahilig ka pala sa romance, ah?' natawa ako nang iharap ko 'yon kay Caden.

"Ayaw mo ba? Akala ko ito ang gusto mo. Pero sige, papalitan ko na lang." 

Inabot niya ang remote pero pinigilan ko siya habang patuloy na tumatawa.

Ang bilis asarin.

'Biro lang naman!'

"Wala lang talaga akong maisip na magandang panoorin. Hindi ko alam kung ano ang gusto... mo."

'Kahit ano naman. At saka, okay na 'to!'

"Sigurado ka? Baka mamaya ma-bored ka?"

'Okay lang, gusto ko 'to.'

Nagsimula akong kumain kasabay ng pagsisimula ng movie. Nasa iisang couch na kami ni Caden. Naka sandal siya sa sofa habang may throw pillow sa hita. Napatingin ako sa mauugat niyang braso at kamay. Napatigil tuloy ako sa pagkain dahil doon. Kung ano-ano ang pumasok sa isip ko kaya hindi ko namalayan na kinakausap na pala niya ako.

"May problema ba?"

Umiling agad ako.

Mabilis na natapos ang movie. Isang oras lang naman ang tinagal no'n at hindi ko rin napansin agad ang oras. Alas kwatro na at naririnig ko na ang tilaok ng mga manok sa labas.

Nang tignan ko si Caden, natulala ako saglit. Pinatay niya ang flat screen 'tsaka tumayo at niligpit ang mga pinagkainan. Mabilis niya iyong nasinop kaya nang bumalik siya para punasan ang lamesita, tumayo na ako 

"Ayos lang, Val. Ako na." Umiling ako at sinubukan na tumulong. "No, no, it's okay. Mabilis lang 'to... see?"

Tinignan ko ang mga plato na dahan-dahan niyang binalik sa lagayan pagtapos hugasan. Ngumuso ako at tinignan ulit ang kamay niya. Parang lumaki 'yon? 

Tumikhim ako. 

"Kumusta ang movie? Nag enjoy ka ba?"

Tapos na siyang maghugas ngayon. Nakaupo na lang kami sa Island counter. Siya ay humihigop sa kape niya habang ako naman ay hinihintay na lumamig ng kaunti ang sariling kape.

'Okay naman, medyo malungkot lang.' sulat ko sa white board.

Tumawa siya kaya tinignan ko siya.

"For me, the ending is good. If you've noticed, the movie does honor the story. They loved each other so much that the man was willing to sacrifice all for the one he loved. He is willing to stay with the woman until her last breath. Despite the woman's wishes, the man did not go on and entirely forget her. Do you know why?"

Umiling ako.

Para sa akin, selfish ang babae dahil hinayaan niyang umabot sa gano'n ang sitwasyon. Selfish siya kasi tinago niya sa kasintahan niya kahit pa handa naman siyang tanggapin at tulungan ng lalaki. Selfish siya na tinago niya ang nararamdaman niya at hindi niya inisip na masasaktan ang lalaki sa huli.

"They say that the broken will always be able to love harder than most, and you'll never be too much to someone who appreciates and loves the dark side of you that shines when no one's around." saad ni Caden.

Natulala ako. Hindi ko pumasok sa isip ko 'yon habang pinapanood ang movie. Ang alam ko lang, at para sa akin, naging selfish ang babae. Hindi ko kailanman na naisip na hindi siya naging sobra, na hindi siya naging selfish sa lalaking mahal niya.

Lumunok ako at saglit na napaisip. Tumawa naman si Caden kaya napatingin ako sakaniya.

"The main character in the movie was brutally broken, but she still had the courage to be gentle. Hindi siya naging makasarili, gusto niya pa rin na magpatuloy ang lalaki kahit masakit sakaniya, kahit mahirap sakaniya. You see, that kind of love is something na hindi mo mahahanap sa ibang tao. If they are broken, they seek revenge, and revenge is something you shouldn't do because it will make you feel worse."

'Hindi ba naging selfish ang babae dahil tinago niya ang nararamdaman sa lalaki?'

Ngumiti si Caden at ginulo ang buhok ko. "Hindi kailan man naging makasarili ang pagmamahal. Kapag... kaya mo na ulit magsalita, gusto ko malaman kung ano'ng pananaw mo sa mga bagay-bagay tulad nito. P'wede tayong manood ng marami pang movies at pag-usapan ang pananaw sa huli."

Binalik ko ang tingin ko kay Caden at nagulat sa sinabi niya. Hindi kailan man dinala sa akin ng mga kaibigan o maski ni Khalid ang tungkol doon dahil siguro iniisip nilang masasaktan ako o mahihirapan... pero si Caden...

"I want you to look forward to something so you can help yourself too. I know it's hard, and sometimes it seems hopeless, but just think that you have something to draw inspiration from, and that's you. I want you to strive for life because of you..." 

Hindi ko alam kung paanong tagos na tagos sa puso ko 'yon. Tears stung in my eyes, and all I could do was look away from him. I didn't know that words can hurt and, at the same time, make you happy.

"Oh? Ang aga niyo nagising?" si Khalid habang papungas-pungas pang pumasok sa kusina. "Good morning, Vallia!"

Binalik ko ang tingin kay Caden. Hindi ko alam kung kailan pero ngumiti ako. Ngumiti siya sa akin at pabalik at parang may mainit na haplos ang umakap sa nagwawalang puso ko.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon