Kabanata 33
How could something so wrong feels so right all along....
I knew I’m in trouble when I felt a foreign feeling when our lips collide. I’ve never felt it before dahil wala pa naman akong karanasan doon, but when Caden kissed me… parang may nabuhay na kung ano sa kaloob-looban ko.
As if… it’s waiting for his master. As if it’s already there all along…
“You sure you’re okay?”
Nilingon ko si Aoki. Ngumiti ako sakaniya at tumango. Sinamahan niya ako rito ngayon sa school para sa graduation practice kahit pa wala naman siyang gagawin dito. Sabi niya bored na rin naman na siya at tapos na rin naman siya sa grades ng mga estudyante niya.
“I don’t buy that. I know you. If something is troubling you, you always tried to hide it.” Ngumisi siya sa’kin.
Natigilan ako roon at pansamantalang nawala ang isip sa nangyari kahapon.
Sobrang hiya ko kay Caden kaya buong gabi ako hindi lumabas ng kwarto at kahit kinatok niya ako para kumain, hindi ako sumagot.
Pakiramdam ko kung bababa ako at maulit ang nangyari sa kusina baka gumusto pa ako ng higit doon!“Wala lang talaga ‘to.”
“Yeah, right.” Umiling siya sa’kin. “Anyway, what are your plans after graduation? Bakasyon niyo ng dalawang buwan, ‘di ba? Saan ka mag co-college?”
Oo nga pala! Nawala sa isip ko ‘yon.
After graduation mayroon kaming dalawang buwan na bakasyon dahil August pa naman ang pasukan para sa mga college.
“Nawala na nga sa isip ko ‘yan, e. Hindi ko pa alam pero siguro dito na lang din. Bukod sa hindi na ako mapapalayo, hindi na rin mapagastos pa si Nomari .”
“Nomari?”
“Kaibigan ko. Sakaniya ako naninirahan.” Tinikom ko na agad ang bibig ko at hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin.
Those memories… I don’t want to remember any of it.
Napansin ‘yon ni Aoki. Alam kong magaling siyang mag obserba at alam kong alam niya na sa mga minutong ‘to ay ayaw ko nang dugtungan pa ang sinabi ko.
“So, sa college dito ka pa rin? You’re not planning to go in Manila?”
Umiling ako.
“Aw. Sayang! Maganda rin naman dito pero mas maganda rin kung sa Manila ka. Maraming opportunities at isa pa, p’wede ka maghanap ng trabaho roon while studying. Hindi ba't nabanggit mo na gusto mong mag part time?.”
Napa-isip ako roon.
Tama nga naman siya. Sa Maynila marami talagang mga oportunidad tulad ng trabaho hindi tulad dito sa probinsya na limitado lang.
Huminga akong malalim.
Hindi lang naman ‘to dahil sa pera. May iba pang dahilan kaya hindi ako bumabalik sa Maynila…
Tinignan ko si Aoki. Hindi siya naka suot ng uniporme na madalas niyang suotin. Nakasuot lang siya ngayon ng isang simpleng jeans at medyo hapit na puting t-shirt. Kahit ganoon ka-simple ang suot niya, angat pa rin talaga ang ganda niya.
“Titignan ko… kung… babalik si Nomari sa trabaho niya, sigurado akong mag s-stay siya ulit sa Maynila. Titignan ko kung papayag siya na roon din ako.”
“Hmm. How ‘bout I lend you some money? Papayag ka ba na lumipat?”
Nagulat ako sa offer ni Aoki. Alam kong may kakayahan nga siyang gawin ‘yon dahil nabanggit niya naman sa akin na talagang may kaya sila at sinasabi sa buhay pero…
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Fiksi UmumStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime