Dedication @FallenMaiden Salamat sa pag dedicate mo sakin ng "Heartache". Appreciate that! Kaya heto ang pambawi ko. God bless you~ :)#BelatedHappyBirthdayTomoya #KeepBeingBullied Hahahahaha! ~♥~
Rock 2
"Mommy!" palakat ko pag pasok ng bahay. "Pupunta ako sa Japan."
"At bakit?" nag-uusisang tanong ni Mommy.
"Manunuod ako ng concert ng One Ok Rock. Let me go. Huh?"
"That band again?" napa-facepalm pa si Mommy. "Gosh Shinreé, ilang buwan na ba ang lumipas? Hanggang ngayon hindi mo na ako tinantanan dyan sa kalokohan mo."
"Mommy? Hindi kalokohan ang mag-spazz sa OOR specially kay Takahiro." Yumakap ako sa kanya para maglambing. "Sige na Mom, payagan mo na ako. Chance ko na 'to para mapanuod ulit sila ng live. Sige na Mommy. Please?"
"Bitiwan mo nga ako. Hindi mo na ako makukuha sa payakap-yakap mo na 'yan ha!" sikmat ni Mommy.
"Sige ka, pag hindi mo ako pinayagan si tito Ben ang kukulitin ko.." Nanggigigil na hinampas ako ni Mommy sa braso.
"Bakit hindi mo na lang asikasuhin ang business natin? Imbes na kung anu-anong walang kwentang bagay ang inuuna mo. Ilang taon na rin kitang kinukunsinti at dyan sa weirdong banda na 'yan."
"Mom, pwede ba? Enough with the sermon. Papayag ka rin naman ang dami mo pang sinasabi eh. Basta! Maghahanda na ako ng gamit. Don't worry nakapagpa-book na rin ako ng ticket." Nagtatakbo ako paakyat sa room.
"Wait!" mom yelled. I stopped just to look at her. "What is it again?" iritang tanong ko.
"Makaaalis ka lang kung may kasama kang bodyguard."
"What?!" I yelled back at her. "Is this a joke? Mommy, concert lang ang pupuntahan ko. Besides, sa hotel naman ako mag-i-stay kaya wala kang dapat ipag-alala."
Umiling-iling pa si Mommy. "No. It's either you go with your bodyguard to Japan or you stay here and start doing business."
Napapadyak ako sa sobrang inis. "Okay! Fine!"
~~~
"Waaaaaaaaaa!!" Shet! Ito rin ang una niyang kinanta dati ng una ko silang mapanuod. "Takahiro!!" sigaw ko. "Mahal na 'ata talaga kita!" Wala akong pakialam kahit pa hindi niya naiintindihan ang pagtatagalog ko. Kahit pa hindi niya naman 'ata ako naririnig samantalang nasa pinakaunahang bahagi ako, sa harap mismo ng stage. Syempre pa, kinailangan ko pang paganahin ang connections ko para marating ang pwesto ko ngayon. Alang-alang sa pinakaiibig kong banda, specially my one and only Takahiro.
"Believe the time is always forever. And I'll always be here. Believe 'til the end. I won't go away and won't say never. It doesn't have to be friend. You can keep it 'til the end.."
Tunggalang boses iyan. Ano bang sikreto niya? Gayuma ang bawat salita niya. Kaya naman hindi na ako nagulat kung mahigit sa sixty-thousand persons ang umattend ngayon ng concert nila. Nagtatalon ako at nakipagsabayan sa sigawan ng mga fans. Itinaas ko rin ang kamay ko sa ere. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Alam ko lahat ng kilos at galaw niya.
"Sana lumapit ka naman dito!" sigaw ko sa kabila ng sigawan ng mga fans. Parang huminto ang oras ng bigla siyang huminto sa paglalakad sa ibabaw ng stage.
Unti-unting nagtama ang aming mga mata. Nahigit ko ang aking hininga.
OMG! Oh my gosh! He's coming.. naglalakad siya palapit sakin. Tanggala! Am I dead? Is this heaven?
Naupo siya sa stage sa harap ko. Nandito na siya sa tapat ko. Dahan-dahan niyang ini-extend ang kamay niya palapit sa'kin.. sa mukha ko? Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Isama pa nga'ng sa'min nakatuon ang mata ng lahat ng taong nandoon. Dinampot niya ang towel na nakasampay sa balikat ko. Sobrang dami kasing tao kaya may dala akong towel. Sa harap ko mismo ay ginamit ni Takahiro ang towel. Ipinunas niya ito sa buong mukha niya.
"C-can I have it back again?" pahabol kong tanong habang tumatayo si Takahiro. Ayon sa pagkakaalam ko nakakaunawa naman siya ng english.
"Sure," he answered and extended his arm to give the towel.
"Thanks! This towel will really be cherish," sambit ko pa.
Nag-salute siya sa harap ko, naming lahat na mga fans. Nagsigawan ang mga tao. Nagkokomosyon naman yung mga malapit sakin. I understand them, this towel was used by Takahiro. It will cost thousands if I'll sell this to them. Pero hindi ko gagawin iyon dahil itatago ko ang towel na ito. Hinigpitan ko ang hawak sa towel. Hindi ito pwedeng mawala at maagaw.
"I like him. Gosh! Am I falling in love?" bulong ko pa sa sarili.
~~~
"Miss Shinreé, kelangan na nating umalis. Nakakailang tawag na po si madame Shaine." Tukoy ng aking buds kay mommy.
"But I want to stay here. I want to see him again. To talk to him. Watch him sing again. I just love that effin' voice of him." Mahabang litanya ko sa aking buds.
Umiling si Jacob. "No. miss Shinreé, I got your Mom's permission. By hook or by crook I need to take you home." Tapos inakay niya ako papasok sa airport. Nanggagalaiting nagpatianod na lang ako.
Nakasakay na kami sa eroplano pero ang puso at isip ko lumilipad pa rin sa Japan. Umalis nga ako, naiwan naman ang puso ko.. Takahiro. I promise we'll meet again.
One thing I don't know is the word give-up. I will never give you up. By hook or by crook, makikilala natin ang isa't-isa. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, hindi ako papayag na palampasin na lang ito basta. I know where I am heading, and it's towards you. Just wait for me.

BINABASA MO ANG
ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed)
Fanfiction"At the BEGINNING, the CLOCK STRIKES then I met you. After that I became a DREAMER because I only dream of you. As day goes by, my feeling gets DEEPER and DEEPER. I keep on DREAMING ALONE. Little did I know that you became my world. So I made a DECI...