One Ok Rock - Chapter 31

314 16 21
                                    






Rock 31

Kakatapos ko lang makipag-usap sa general manager ng company namin sa Philippines. He mentioned na umalis daw si mommy para sa business trip on different countries at matatagalan ito bago makabalik. After kong umalis that day hindi na kami nagkausap pa ulit. We have a silent war between us.

I am planning to bring the boys to the Philippines for a concert and also para sa bagong session ng photo shoots nila. I will also be releasing R.mw in our main branch in Manila.

Tinawagan ko iyong secretary ko at inutusan na mag set ng appointment sa CEO ng agency ng One Ok Rock.

"Ma'am Shin, okay na raw po ang lahat sabi ni Sir Jacob." inform ni Oscar.

"Cool! Tara na!" tapos inabot ko sa kanya iyong paperworks ko na kelangan kong dalhin.


~~~

Pagdating namin sa agency binati kami ng guard. Kilala na nila ako dahil ilang beses na akong pumunta dito para bisitahin sina Takahiro tsaka para kausapin ang manager nila.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin. Bago ako pumasok sa office ay inutusan ko ang mga buds ko na sa labas na lang sila maghintay. "Dito na lang kayo, tingnan niyo kung darating sina Takahiro." tapos tumigin ako kay Jacob. "Senyasan mo ako agad sa loob pag parating sila ha?"

"Oo na, makautos ka naman akala mo naman may dapat ilihim. May binabalak ka bang masama?"

"Oh high-blood ka na naman Jacob. Kalma lang baka mabawasan ka-gwapuhan mo."

After namin mag-usap ng CEO ng agency eh lumabas na rin ako agad. I'm glad na magaling naman pala itong mag-english kaya madali kaming nagkaintindihan. Sinabi ko iyong plans ko about sa pag-re-release ng R.mw sa Manila. Nabanggit naman niya sakin na may company mga raw sa Philippines, na nakipag-coordinate sa kanila para magkaroon ng concert doon ang One Ok Rock. Nagulat naman ako at the same time natuwa at sinabi kong ako na lang ang bahalang makipag-usap sa coordinator basta ibigay lang niya iyong contact number ko doon sa coorniator para magkita kami pag-uwi ko sa Philippines. Nag-volunteer kasi akong maging concert producer slash sponsor nila. Magandang opportunity na rin ito para ma-endorse ang brand name ko sa Manila. Knowing that they're fans will attend the concerts.

Naglakad kami papunta sa practice room pero wala sila. I saw some guys practicing so I asked them about One Ok Rock, and they said they were in the recording room. I asked them the directions kasi never pa akong nakapunta sa recording room ng agency. Kapag pumupunta ako before sa practice room ko lang sila lagi nakikita.

Pagdating namin sa harap ng recording
room eh itinaboy ko na sila.

"Ako na lang papasok sa loob. Magliwaliw muna kayo dito or kung ayaw niyo dun kayo maghintay sa labas. It's better kung maghahanap kayo ng girlfriend para naman hindi lang ako ang may love life. Mamaya sisihin niyo pa ako pag tumanda kayong binata." susog ko sa kanila.

"Sus. Hindi na kelangan," maktol ni Jacob.

"Kelangan iyon tsaka sayang naman ang ka-gwapuhan mo kung hindi mapapakinabangan ng mga babae.." sabay tulak ko sa kanilang tatlo.

"Sige na nga Ma'am Shin, mukhang madami ngang chickabebes dito eh." sabi ni Bruno na nagnining-ning ang mga mata.

"Korek. Go ahead. Lalo ka na Jacob, sige na. Hindi naman ako aalis. Promise dito lang ako sa loob. Tsaka hello? Aalis pa ba ako eh nandito na sa loob iyong mundo ko." kinikilig ko pang sambit.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon