One Ok Rock - Chapter 36

184 17 22
                                    






Rock 36


"Hopie, why are you so late?" Joy asked me.

"Sorry talaga Joy! Si Tenten kasi eh, walang magbabantay sa kanya kasi si Nanay umuwi sandali sa probinsya. Pasensya na talaga, babawi na lang ako sayo." hinawakan ko ang kamay niya at pinisil.

"Okay lang ano ka ba! Siya nga pala nagsisimula na silang mag-perform. Nadaanan mo na ba 'yung hotel nila? Okay na ba 'yung kakainin nila after this concert?" tanong niya sa'kin.

Nag-thumbs-up ako at nginitian ko siya. "Ayos na lahat. Kumusta naman dito? Maayos na ba lahat? Ano pa'ng kailangan gawin ako na lang gagawa." sabi ko sa kanya.

"Wala na okay na lahat. Magpahinga ka muna. Nasaan pala si Tenten? Diba bawal siya sa crowded at noisy place?" concern na tanong ni Joy.

"Oo nga, andun iniwan ko muna kay Otep. Wala naman akong choice kundi dalhin siya rito eh, wala akong mapapag-iwanan sa kanya sa bahay. Besides, mahirap na baka bigla siyang daanan ng sakit niya eh wala si Nanay dun kaya sinama ko na lang. Sabi ko kay Otep ilabas niya muna si Tenten eh," paliwanag ko kay Joy. Pagod na pagod ako maghapon kasi sobrang dami kong ginawa para sa preparations ng concert na ito.

"Hoy! Speaking of Otep, alam mo bang may malaking kapalpakan na namang ginawa ang batang 'yan." naupo kami pareho sa backstage habang naghihintay sa kakailanganin pa ng performers.

"Ano?" kinakabahang tanong ko. Ako kasi ang nagpasok kay Otep, dito sa trabaho niya. Anak siya ng kapit-bahay namin at masipag naman at mabait kaya tinulungan ko. Pandagdag niya rin sa baunin niya sa pag-aaral sa school.

"Kanina kasi dumating bigla 'yung anak ni boss. Diba nga ang tagal niyang nawala as in ang tagal niya na talagang hindi umaattend ng concert kahit pa palagi naman siyang pinapadalhan ng VIP tix. No one expect her to came kaya hindi na rin na-i-brief si Otep, tungkol sa kanya. Tapos naabutan ko na lang si miss Shinreé, na kausap ni Otep, kanina sa labas ng dressing room ng mga artists ayaw siyang papasukin ni Otep, haaay! Mabuti na lang talaga medyo good mood si miss Shinreé, kanina at hindi siya naghisterikal." kwento ni Joy.

Hindi ko pa talaga na-mi-meet ang tinutukoy nilang anak ng boss namin. I've heard a lot of things about her. Sabi nila masungit, maarte, mataray, as in bitch daw talaga. Palagi pang may mga kasamang bodyguards kaya mahirap i-approach.

I've been an assistant manager for a year now kaya hindi ko talaga siya na-e-encouter kasi sa loo ng mahigit dalawang taon ko sa trabaho never pa siyang pumunta sa office para dalawin si boss. Ewan ko pero parang ayon sa balita they are not in a good terms. Hindi na rin naman ako nag-ungkat pa kasi hindi rin naman ako ganoong interesado. Lately lang din ako na-assign sa field na ganito kadalasan kasi ibang mga trabaho ang pinapagawa ni boss. Ngayon, ako na ang main organizer every time may mga big concerts na gaganapin sa bansa.

"Oh tapos anong nangyari kay Otep?"

"Sabi ko mag-sorry siya kay miss Shinreé, mahirap na kasi sabi ko baka pinalampas lang pala siya tapos mamaya ipatanggal bigla sa trabaho eh kawawa naman siya bago pa lang naman. Nakita ko siyang lumuhod kay miss Shinreé, kawawa nga 'yung hitsura ni Otep eh pero mas nagulat ako ng itayo siya ni miss Shinreé, at sabihing okay lang daw lahat. Grabe! Mabuti na lang talaga mukhang good mood si miss Shinreé. I've heard na sa Japan siya namamalagi ngayon dahil nung business nila dun."

Just hearing the word Japan, makes my heart skip a beat.

"Hay! Mabuti naman pala kung ganon. Kawawa naman din kasi si Otep, kung matatanggal sa trabaho. Malaking tulong din sa kanya nag part-time job niya rito" sabi ko pa. Nagbukas ako ng bottled water at uminom.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon