One Ok Rock - Chapter 41

207 13 29
                                    


Special chapter made for Shinreé Sy Aquino.. wala itong proofread sorry. Importante yung last part na author's note. Mayroong flashback na kaek-ekan na naganap dun kaya make sure mabasa niyo. Thank you mga wilabs! Let's rock on this chapter!



Rock 41



"Hiro, come in!" sinalubong ko agad siya at hinila papasok ng suite. "I thought you're not coming."

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papunta sa living room. "I can't do that to you, Shin. Are you sure okay lang kay niichan, na andito ako? Paano mo siya napapayag na pumunta ako?"

Binigyan ko siya ng malupit kong eye smile. "Tss... leave it all to me."

"H-hiro?!" sabay na napatayo si Tomoya at Ryota ng makita kung sino ang kaakbay ko.

Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa'min at kay Takahiro na tahimik lang na nakaupo habang pumipili ng kanta sa songbook. I asked them to sing for me as a birthday gift.

Nagmamadaling lumapit si Ryota at Tomoya sa'min.

"Why are you here?" Ryota asked.

Hinila naman siya ni Tomoya. "Let's go Hiro, ihahatid na lang kita pauwi. It's Shin's birthday I don't want to ruin the night."

Sinapak ko agad si Tomoya sa noo. "Ouch! What was that for Shin?"

Nag-cross arms ako sa kanila. "Don't be rude to Hiro. It's my birthday and I invited him here."

"But what about Mori-chan? He'll be mad?" Ryota butted.

Imbes na pakinggan sila ay hinila ko si Hiro at pinaupo sa couch. "We've discussed this already. Okay lang kay Takahiro, na ininvite ko si Hiro. Diba Heart?" then I sit beside him.

Nag-angat siya ng mukha at sinulyapan lang ako tsaka si Hiro. "I-it's fine."

"Whoaaah?!" Hindi makapaniwalang bigkas ni Ryota.

Nagtatakbo naman si Tomoya palapit kay Takahiro tapos sinalat yung noo niya. "Are you fucking sick?"

Tinabig lang ni Takahiro yung kamay ni Tomoya. "I'm fucking hot that's normal."

"Yeah, you're insane." Tomoya uttered. "Toru, am I dreaming? Is this real? Both Mori-chan's are in one place?"

"Just sit back Tomoya, you're too noisy!" Toru exclaimed.

"I can't believe this! This is just.. damn!" iiling-iling na naupo si Ryota sa couch.

"Happy birthday Viral Queen! Here's my gift for you! I hope you like it!" tapos may inabot si Hiro sakin na paper bag.

Tatayo sana ako para lumapit kay Hiro at ng makuha ko yung regalo pero pinigilan ni Takahiro, yung braso ko sanhi para mapaupo ulit ako pabalik. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Just sit beside me," he said seriously.

Padabog na isinara niya yung song book at siyang tumayo tapos kumuha ng paper bag kay Hiro.

Parang nag slow motion yung mundo ng nasa harap na siya ni Hiro. Nakatitig kaming lahat sa kanilang dalawa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. They are breathtakingly awesome. They really resemble each other.

"H-hi.. niichan! Good to see you again," halatang kinakabahan si Hiro sa sinabi niya.

"Pch!" yun lang ang lumabas sa bibig ni Takahiro tapos hinablot yung paper bag at tinalikuran si Hiro. Naglakad siya pabalik sa tabi ko at inabot sakin yung gift ni Hiro.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon