Rock 27"What will you do in that kind of industry? Hindi matutustusan niyan ang luho mo ng pang habang panahon. I am telling you ngayon pa lang Shinreé na itigil mo na ang kahibangang iyan. I can tolerate all that you have been doing up until now. " Masasakit na salita na narinig ko mula sa bibig ng taong nagluwal sakin sa mundo.
"But mom this is my dream. Masaya ako sa ginagawa ko. Hindi ko naman hihingin ang tulong mo eh, kaya kong magsikap para maging sikat na singer someday. Sabi ni daddy I have a talent and potential with what I am doing.."
"Shut up! Hanggang kelan ba mabibilog ng daddy mo ang ulo mo?! Stop hoping na susuportahan ka niya. Masasaktan ka lang Shinreé, at ayokong maramdaman mo ang sakit ng mapaasa at mabigo." seryosong sabi ni mom.
"No mom! Nangako si daddy sakin..I believe in him. I trust him. Just let me do what I want."
"I said no and that's final! Wag mong hintayin na mapuno ako sa kahibangan mo na 'yan!" tapos tinalikuran niya na ako.
~~~
"Dad, ngayon na iyong audition ko..akala ko ba sasamahan mo ako? Asan ka na?"
"Sorry princess..may emergency lang na kelangan unahin si daddy pero dibale alam ko na kaya mo 'yan. I am still cheering for you." sabi ni dad sa kabilang linya.
"Pero dad? Saglit lang naman to eh! Ikaw na lang ang lakas ko. Ikaw na lang naniniwala sakin..daan ka lang dito kahit after kong mag perform pwede ka ng umalis. Magpakita ka lang please para hindi ako kabahan.."
"I-i'm sorry princess..dad needs to go..babawi ako promise!" then he ended the call.
Halos maiyak ako sa takot, lungkot, galit at hinanakit. Ipinaglaban ko ang pangarap kong pag-awit at pagsayaw dahil sabi niya siya raw ang bahala..susuportahan niya ako. Ngayon na nandito na ang big break para sakin wala na naman siya?
"Next performer!" sabi ng staff .
Pinilit kong tumayo pero nanghihina talaga ako. Nawalan na ako ng gana at lahat ng lakas ng loob naglaho na rin sakin. I can't even stand and carry my own weight. Pakiramdam ko umiikot ang paligid...
"Number thirty-five?! Wala na ba?! Last call na ito! Madami pang naka-line-up for audition..hindi na pwedeng mag-perform ang mga natawag na at hindi naka-attend agad." parang wala na lang akong narinig.
"Okay! Next..number thiry-six!" agad na tumayo ang babae sa hindi kalayuan sa pwesto ko.
Kitang-kita ko kung paano tinangay ang pangarap ko palayo sakin..ang bagay na pinaglaban ko. Ang bagay na mahal ko. Ang bagay na nagpapasaya sakin. Wala na ang pangarap ko..dahil lang sa isang rejection at broken promise naglaho na lahat..
~~~
"Sinabi ko naman sayo Shinreé! Anong napala mo?! Mula ngayon hindi ka na pupunta sa studio mo! Mula ngayon hindi ka na pwedeng magpatuloy sa kabaliwan mong iyan. Bukas na bukas din i-eenroll kita sa ibang course and school. Naintindihan mo ba?"
Parang walang narinig na nilampasan ko lang si mommy. Naglakad ako palabas ng bahay hanggang sa makarating ako sa malaking puno sa gilid ng bahay sa may tapat namin.
Naupo ako at pumikit..pilit kong pinipigilan ang sarili ko upang wag maiyak. Naramdaman ko na may naupo sa tabi ko. Kinabig niya ang ulo ko at sinandal sa balikat niya. "You can lean on me, sige lang iyak mo lang iyan."
Hindi ako nagmulat ng mata at buong pusong tinanggap ang balikat niya. Nanatili akong nakasandig sa kanya habang unti-unting tumutulo ang mainit na likido mula sa mata ko. Patuloy ito sa paglabas na para bang napakahabang panahon kong itinago.
Hanggang sa magkaroon na ng sound ang kanina ay luha lang. Sobrang sakit ng lalamunan ko..ng katawan ko at lalong-lalo na ang puso ko.
BINABASA MO ANG
ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed)
Fanfiction"At the BEGINNING, the CLOCK STRIKES then I met you. After that I became a DREAMER because I only dream of you. As day goes by, my feeling gets DEEPER and DEEPER. I keep on DREAMING ALONE. Little did I know that you became my world. So I made a DECI...