One Ok Rock Live in Manila

317 23 4
                                    




               Just  wanna share my concert experience. Firs ever concert  na napanuod ko sa buhay ko..I'm glad it's with them. Masaya ako na sila ang unang napanuod ko. Sila ang unang rason kung bakit nakapasok ako sa MOA Arena.  Yung experience grabe. Kinikilabutan ako nung lumabas na sila sa stage. Noong marinig ko yung boses ni Taka na walang pinagkaiba sa kung ano naririnig at napapanuod ko sa Youtube videos niya. Si Toru na sobrang puti, linis at sobrang gwapo. Si Tomoya na sobrang hyper at cute parang bata. Si Ryota na sobrang kalog at energetic. Grabe! Thank you Lord!  At kahit bawal daw magvideo hindi ko naiwasan i-video mga favorite kong song like "Clock Strikes" "Heartache" at "Cry out". Sensya na po ang nasa isip ko kasi nun gusto kong ma-treasure yung moment in a way na sa gabi may mai-pe-play ako ng paulit-ulit. Yung tipong alam ko na ako mismo andun ako nakasaksi at ako nagvideo hindi yung nakikinuod lang ako sa video ng iba sa Youtube. Heheh!

           Tapos hindi ko rin malimutan nung nakatayo si Taka tas sumenyas siya na parang hinahawi niya yung crowd tapos wala namang nangyayari palaisipan sakin yun that time, akala ko nga pinapag wave hands niya kami tapos wala namang sumunod nanatili lang nakataas kamay ng mga fans. Nalaman ko na lang sa comment ng ibang fans pag-uwi na "Wall of Death" pala ibig sabihin nun. Ayun pala hinihintay ni Taka at pati na rin yung "Moshing". Waaa! Nakakahiya walang gumawa kaya pala inaabangan ko nga yung part na yun na nagaganap sa concert nila sa ibang bansa esp.sa Japan yung magtatakbuhan sila paikot. Di bale may next time pa. Sana hindi nadisappoint si Taka.


        Magkaganon man nakakatuwa pa rin. Kasi kahit ako nagulat yung tipong Japanese lyrics sabay-sabay kaming nakakanta. Sa tingin ko kaya natuwa sila lalo na si Taka. Kaya naman sa mga instagram posts niya damang-dama ko yung saya niya. :) ♥


        Nakakaiyak na part nung tapos na concert tapos sumigaw siya ng "See you next time.." ba yun. Tapos si Tomoya na boses bata.."Mahal kita!" Waah! <3 ♥  Tapos nagbabaan na sila. Yung puso ayaw pa umalis naiwan dun hanggang sa paalisin na kami ng mga guard. Waah hindi pa natapos lahat dyan nag-abang kami sa labas hanggang sa lumabas ang sasakyan nila tapos syempre ang usual na si Taka nakasilip sa bintana ng kotse at nagvivideo katabi si Tomoya na super cute. Doon ko mas nakita malapitan mga mukha nila lalo si Taka. Grabe cute na sobrang pogi. Di bale ng di ka matangkad yung boses mo naman mataas pa sa height mo. Waaa~! Namimiss ko na agad sila. Concertlag!  So this is heartache ang peg! Yung feeling na nakanuod ka na at lahat malungkot pa rin. Waa! Til next time ONE OK ROCK! :) GOD BLESS YOU! Team bahay don't be sad nangako siyang babalik. ♥ :) Tiwala lang!



#35xxxv #OOR #OORer #Taka #Toru #Ryota #Tomoya

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon