One Ok Rock - Chapter 42

208 7 23
                                    






Rock 42



"Boss chief napatawag kayo?" Lumabas ako saglit sa condorm at naglakad papunta sa rooftop para mas makausap ko ng maayos si Chief.

"Napatawag? Ako ba Constantine, ay talagang ginagago mo na ha? Aba hinayupak ka alam mo ba kung anong petsa na?"

Napakamot ako sa ulo ko at inisip kung ano nga bang date na. "April na dito boss Chief, bakit? Iba ba yung date niyo dyan ngayon sa Pinas? Patay tayo dyan baka napapag-iiwanan na talaga kayo ng Japan, hindi lang sa teknolohiya maging sa date naiwanan na kayo--"

Narinig ko ang malakas na hampas ng kamay ni boss Chief. "Putragis kang babae ka talaga! Matagal na akong gago kaya wag mo na akong gaguhin. Alam mo ba kung sino ang magiging bisita ko mamaya ha?"

Napaismid ako. "Ano ba 'to boss Chief question and answer talaga? Napatawag ka ba para lang mag tanong sakin ng mga bagay na alam mo namang hindi ko masasagot?"

"Hayup ka talaga eh 'nu? Kung ikaw lang kaharap ko baka nabaril na kita sa mukha eh! Constantine, gusto ko lang malaman mo ilang buwan ka na dyan sa pendehong assignment mo hanggang ngayon puro jejemon ang mga report na nakukuha ko sayo. Ano sa tingin mo ang sasabihin ko sa kliyente natin mamaya kapag nagtanong sakin? Sa tingin mo ba maipapabasa ko itong mga katarantaduhan mong reports? Ano ng nangyayari, Constantine?!" sigaw ng galit na galit na si boss Chief.

Naiimagine ko na yung mga ugat niya at litid na halos mapatid na naman sa galit.

Inilalayo ko na lang yung phone sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw niya kahit nakalayo sa tenga ko naririnig ko pa rin siya.

"Eh boss Chief kung tintanggal mo na kasi ako sa kabobohang assignment na ito at ibinabalik mo na sa orihinal kong misyon eh di sana naipapamalas ko ang galing ko. Sa tingin mo ba may maganda akong masasabi? Banda ang kasama ko. Rakista ang mga kasalamuha ko. Celebrity sila lahat kaya araw-araw puro trabaho, rehearsals, recording, shooting, guestings, gigs at concerts lang ang inaatupag nila. Kung nabasa mo yung latest kong report, mas malaki ang chance na maging baldado na ako sa mga taong ito.. matapos ang debut nila sa America, mas naging busy sila at agad silang sumikat sa iba't-ibang State sa U.S.A. Sige nga boss Chief, nasan ang hustisya?! Nasaan na ang thrill at action?! Hindi ba dapat ako ang naglalabas ng sama ng loob ngayon kasi tama ka one month na akong alalay. Kung hinahayaan mo na lang kasi akong mag imbestiga sa kaugnayan nung lalaking nakita ko dati sa Tagaytay sa mga taong 'to baka sakali mas madami akong naiireport sayo. Kung hinahayaan mo lang sana akong mag halungkat ng tungkol sa buhay ng mga ito, sana marami na rin akong nalalaman."

"Putragis ano 'to?! Ako pa sesermunan mo?! Tandaan mo kapatid ng presidente ang kliyente natin.. kaya niyang bilhin ang hanging sinisinghot mo pati na rin ang kumpanya ko na pinagtra-trabahuhan mo.. kaya umayos ka. Nagdududa na ako sayo eh, hindi ka naman ganyan kabagal dati.. tapatin mo nga ako, baka naman nagiging malambot ka na Constantine, babae ka na ba ha? Siguro nag kakagusto ka na sa isa sa mga yan ano? Umamin ka Constantine, bilisan mo at baka hindi kita matantya!"

"Wow! Boss chief, ako?! Ako pa talaga?! Kelan mo ako nakitang nagkaroon ng interes sa lalaki, hindi pumapasok ang ganyan sa isip ko. Tss.. payagan mo na kasi akong mag imbestiga boss Chief!"

Sinungaling ka talaga Miaka Lei Kayza, dapat sayo sinusunog. Arrrgh!

Narinig ko ang katahimikan sa kabilang linya. Pansamantalang huminto ang marahas niyang pag hinga at pagmumura. "Siguraduhin mong tama ang mga ginagawa mo dyan Constantine. Malaki ang tiwala ko sayo, alam kong hindi ka papalpak sa simpleng misyon na tulad niyan. Tandaan mo na ang tunay na top agent nagtitiis. Hindi puro aksyon lang.. marunong ka dapat tumanggap ng kahit na anong trabahong iaatang sayo. Marunong ka dapat maghintay sa mga tamang pagkakataon," paliwanag ni boss Chief sa napakaseryosong tinig.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon