One Ok Rock - Chapter 8

263 21 7
                                    





Rock 8



"Miss Shinreé, is it okay if we stay together?" Ryota asked innocently.

"Yeah, sorry boys because we only have two cottages here in our resort. The smallest cottage that you saw earlier that's for our staffs here," nag-aayos ako ng gamit ko sa maliit na living room ng cottage. Sa lahat ng mga properties namin itong resort sa Maldives ang favorite ko, simply because it's literally a paradise. Everytime I'm here naikakalma ko iyong sarili ko. Pinakapaborito ko rin itong puntahan dahil nitong cottage na ito. Nakatayo kasi 'tong cottage sa gitna ng karagatan. Sobrang comfortable talaga dito!

(Note: Tingnan niyo na lang ang image sa taas ayan iyong tinutukoy ko dito para mas maimagine niyo lang.. )

Special persons lang ang nakakapunta dito at unang-una lang sila sa naimbitahan ko. Sobrang protective ako pagdating sa lugar na ito.

"How about your personal bodyguard?" Toru asked.

Akalain mong chismoso rin pala ito minsan. "He'll stay here with us," sabi ko. Alangan namang doon sa kabila si Jacob eh kahit naman bodyguard ko iyon kaibigan ko pa rin. And besides, knowing him.. hindi iyon papayag na mag-isa lang ako dito kasama ng mga lalaking mukhang malapit ng mag addict. Excuse me for the term, ganyan kasi sila i-adress ni Mommy.

Maliit lang itong cottage pero sobrang cute at cozy. Kung nakaka-in-love man ang isang bagay I admit love na love ko talaga itong cottage na 'to!
"Boys, you can go at that room and rest." Tukoy ko sa nag-iisang room sa loob ng cottage.

Syempre pa sama-sama kami dun sa loob ng room na iyon pero hindi pa rin okay kasi hindi ko pa rin mapipikot si Takahiro. Wahaha! There are two bedrooms inside that room. I will occupy the first bed and the second bed will be for them.

"How about you miss Shinreé?" Tomoya asked.

"No, I'm okay," then I smiled. "By the way boys just call me Shin. Alright? That's what my friends call me."

"I'm glad you mentioned it," sambit ni Ryota. "Nahihirapan na kasi ako sa miss Shinreé.. hehe!"

Nag-high five ako sa kanya. Ang cool talaga nitong si Ryota buti pa siya. Ang cute pa tsaka ang kulit. Magkasundo na nga agad kami eh sa eroplano nga naghahamagan na kami eh.

"You should rest boys before sunset mag start na ang shoot niyo." Utos ko sa kanila.

"Thanks Shin!" Tomoya said na medyo nahihiya pa.

"By the way have you seen Taka?" nanunuksong tanong naman ni Ryota.

"Yeah! Don't worry hindi ko siya sinaktan boys baka andyan lang siya sa paligid-ligid ako na ang bahalang maghanap sa kanya mamaya kapag hindi pa rin siya dumating," kinikilig kong sambit.

Nagbungisngisan naman ang dalawang makulit. Si Toru nauna ng pumasok sa room. Naiwan ako sa living room at nagsimulang magbasa-basa ng mga reports and updates na sinend sa'kin ng secretary ko sa Japan through e-mail.



~~~


Masyado akong naging busy sa pagbabasa ng mga updates at hindi ko namalayan ang oras, pag tingin ko sa wristwatch ko three-thirty na pala ng hapon. "SHUCKS!" napatayo ako at nagtatakbo sa may terrace ng cottage kung saan may makikita kang tambayan. Mayroong maliit na sofa at mga throw pillows na nakalagay.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon