One Ok Rock - Chapter 10

298 19 11
                                    





Rock 10


"Waaaaaaaahhhh!" hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa sigaw niya kaya agad ko siyang nilingon. Nakita ko na lang na nahuhulog na siya kaya walang pakundangan na tumalon din ako para sundan siya.

Hindi ko alintana kahit sobrang lamig ng tubig. Tipong mas malamig pa siya sa tubig na may yelo. Naninigas at namamanhid na agad ang buo kong katawan. But, it all doesn't matter to me kasi kusang gumalaw ang katawan ko palangoy sa kanya. Hinawakan ko 'yung kamay niya ng sobrang higpit. Napakalalim na namin hindi ko alam na ganito pala kalalim 'tong dagat na ito.

Tiningnan ko siya pero nakapikit lang siya. Mukhang kinakapos na siya sa paghinga. Tumingin ako sa itaas at nakita kong napakalalim pa rin namin. Hindi na siya talaga makakahinga bago ko pa siya maiangat. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Hinila ko siya ng mas mabilis at hinawakan sa bewang, parang halos binubuhat ko siya sa ilalim ng nagyeyelong tubig.

"Hmmmmm!" I tried to talk to her kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig.

Hinaplos ko ng marahan ang mukha niya upang gisingin siya at tanggalin ang kaba niya. Bumubuga na siya sa ilalim ng tubig at alam kong hindi na talaga niya kaya.

"Whatever.."

Walang pagdadalawang isip na inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Mabilis kong inilapat ang labi ko sa labi niya. Then she suddenly open her eyes. Napanga-nga siya... and our eyes met. Patuloy lang akong nagbigay ng hangin sa kanya gamit ang sarili kong bibig. I give her all the oxygen inside of me na kaya kong ibuga. Habang ginagawa ko 'yun ay inilalangoy ko siya pataas hanggang sa naramdaman kong nasa ibabaw na kami ng dagat.

Malaya na naming nakikita ang mukha ng isa't-isa. I know we should not stay in this position.. pero bakit imbes na bitawan ko siya sa kabila ng lamig na nararamdaman ko ay bigla akong nakaramdam ng init. Ngayon ko unti-unting nalasahan ang labi niya. Hell! Wala naman sigurong flavor 'yung lipstick niya diba? But why is it that her lips taste so sweet.

Naramdaman kong humawak siya sa balikat ko.. and then she close her eyes. What the eff? Hindi ba dapat nagagalit na siya kasi hinalikan ko siya ng walang paalam? Hindi ba dapat tinutulak na niya ako palayo? Bakit nanatili lang siya sa position namin? Magkalapat lang ang labi namin pareho at walang gumagalaw. Unti-unti akong tinangay ng kakaibang ligayang dulot ng labi niya at parang wala sa sariling napapikit na lang din ako habang pilit kong ikinakampay ang paa ko sa ilalim ng tubig.

Then suddenly...

"SHIN?!" sigaw nung lalaking palaging nakabuntot sa kanya. "W-what are you d-doing..?" he asked.

Agad kong inilayo ang labi sa kanya.
"Shin, are you okay?" tawag nito. "Come here take my hand," then yumukod ito mula sa pwesto nito at inilahad ang kamay kay kid.

Tahimik na inabot naman ni kid ang kamay ng lalaki.

"Damn! I'm the one who saved her.." sigaw ng isip ko.

Biglang nagdatingan sina Toru at siyang tumulong sakin para makaakyat muli sa bridge.

"What happened dude?!" Toru asked.

"ARE YOU FAYLN?" Ryota asked. Yeap, sometimes  his pronunciation is a bit lacking.

"Waaa! Sheeeet! Our brother is cold.. here take this!" sabay abot ni Tomo ng towel. May baon siyang towel nung tumambay kami kanina sa beach balak sana kasi naming mag swimming muna kaso nga lang nabadtrip ako bigla nung makita ko sila..

"Bro, let's swim!" aya ni Tomo.

"Yesss! Yesss!" excited na sabi ni Ryota. "Kanina ko pa talaga gustong mag swimmimg pagdating pa lang natin, kaya lang hindi ako pinayagan ng mga staffs natin."

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon