Rock 5"I need to go," paalam ko sa kanila. "See you on the shoot tomorrow. Don't be late." Tapos naglakad na ako palabas ng restaurant na kinainan namin.
Grabe! Hindi ko alam kung bakit affected ako sa nalaman ko. What intrigue me more is the pain I saw in his eyes. The way he glared at Tomoya and Ryota. I want to ask them more pero alam ko naman na wala akong karapatan. Hanggang ngayon wala pa rin akong karapatan kasi isa lang akong negosyanteng nag-alok ng trabaho sa kanila. Lalo namang wala akong karapatan sa mga personal nilang buhay. Mas masakit na ni hindi manlang nila narecognize ang mukha ko.
"Miss Shinreé saan po tayo?" Jacob asked.
"Drive me home," tipid kong tugon.
Mukha akong tanga na nasasaktan para sa kanya. Haaaay! Akala ko pa naman basta makuha ko sila at makatrabaho magiging okay na lahat.
"Jacob," tawag ko sa driver slash bodyguard slash best friend slash kababata ko na rin.
Tumingin siya sakin through my car's mirror. "Why miss Shinreé?"
I frowned. "Stop calling me Miss dalawa lang naman tayo dito," saway ko kay Jacob. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya maintindihan sa trip niya sa buhay eh. Mayaman naman kasi sina Jacob. As I told you magkababata kami. He is a family friend at may-ari ang pamilya nila ng isang malaking security agency. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagtratrabaho siya sakin bilang personal bodyguard ko. Haaayy! Pabayae na nga lang. Ganyan talaga siguro sa mundo maraming bagay na kay hirap unawain.
Nginitian naman niya ako. "What's with your mood?"
"I have a question.." I said.
"Go ahead. I will listen. I will try to give you an answer as much as I can."
Nagdalawang isip ako kung itatanong ko pa ba sa kanya. Masyado kasing personal eh at kahit naman magkaibigan kami nahihiya pa rin ako sa kanya. Minsan lang ako mahiya sa kanya at ngayon yun. "Have you ever been in love?"
Nabanaag ko ang gulat sa mukha niya. Nagmamaneho pa rin siya pero sumusulyap sulyap sakin. "Ano ba namang klaseng tanong 'yan Shin?" ayan friend mode na siya kasi tinawag na niya ako sa nickname ko.
"Seryoso ako," malungkot kong tanong. "Minsan ba naramdaman mo ng masaktan dahil lang hindi ka mapansin ng taong mahal mo? Iyong tipong dati pinapangarap mo lang siya.. tapos ngayon na halos abot-kamay mo na.. nasa tabi mo na lang nakakausap at natititigan pero bakit pakiramdam mo mas malayo pa rin siya sayo. Yung feeling na andyan na nga siya pero ang hirap niya pa ring hawakan at abutin."
I heard him sigh. "A-are you already in love?" ibinalik niya sakin yung tanong ko.
"What the hell? Ginagago mo ba ako Jacob? Don't dare throw all my questions back to me!"
Namagitan muna ang ilang segundong katahimikan bago siya sumagot. "I effin' do." It was so low as if he just wants to whisper it but still I heard it. "That feeling when you really want to hold her. When you want to be with that person over and over until forever. When you want to protect her from every pain this world can give. When you want to show her how much you care. When you want to shout how much you love her but you just can't.."
Nagulat ako kasi ngayon ko lang siya narinig na nagsabi ng ganyan. Nagulat na halos parehong-pareho kami ng nararamdaman. Nakakagulat na may ganyan pala siyang side sa pagkatao niya. Noong magtrabaho na kasi siya bilang personal bodyguard ko hindi na kami masyado nakakapag-usap ng about sa mga personal na buhay namin unlike before nung schoolmate kami na kapag may occasion sa bahay nakakakwentuhan ko siya kahit papano about personal things. Pero bakit ganon? Halos pareho kami ng sitwasyon. So hindi pala ako mag-isa na nakakaranas ng ganitong sakit at lungkot.
BINABASA MO ANG
ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed)
Fanfiction"At the BEGINNING, the CLOCK STRIKES then I met you. After that I became a DREAMER because I only dream of you. As day goes by, my feeling gets DEEPER and DEEPER. I keep on DREAMING ALONE. Little did I know that you became my world. So I made a DECI...