One Ok Rock - Chapter 38

230 14 31
                                    






Rock 38


"Hindi ka superhero, wala kang super power kaya 'wag kang mag panggap na kaya mo lahat," sabi ni Toru, sa'kin.

"Excuse me? Hindi porke't alam ko na ang masasakit na parte ng pagkatao mo eh close na tayo. Okay?" Pagsusungit ko sa kanya. Pilit niya kasing inaagaw sa'kin 'yung mga bag na dala ko paglalakad papunta sa condo nila. Kakabalik lang namin dito sa Japan, pero sa condo pa rin nila ako nakatira. Kinuha kasi nila ako bilang alalay. Diba bongga? Wala sanay naman na ako sa trabaho ko na all around. Minsan nga nalilito na rin ako kung ano ba talagang trabaho ko.

"Miss bossy, are you sure you don't like to use our room?" tanong ni Tomoya pagkapasok namin sa loob ng condo nila.

"Can you please stop calling me names like that? I have a name so I preferred to be call by it."

Napapakamot sa ulo na ngumiti siya. "Eh kasi naman ang haba naman ng name mo eh besides marunong akong mag tagalog at english pero hindi naman sa'min naituro before ang different kinds of names so it's hard for me to pronounce it."

"Aba, nagrereklamo ka ba sa name ko?"

Umiling siya. "Don't get me wrong. Sige na tatawagin na nga kita sa name mo pero pwede bang Lei na lang? Mas madali kasing i-pronounce."

Inambahan ko siya ng kutos.

"Okay fine! M-miyaka.. Uhmm.. Lei.. K-kayaza--"

"Wanna die?" inis na angal ko.

"It's Miaka Lei Kayza Constantine," pagtutuwid ko sa kanya.

"Eeh! Kasi naman ang hard talaga bakit ba kelangan complete name pa?" tanong niya pa.

"Syempre, pangalan na nga lang ang maganda sa'kin eh kaya gusto ko na tinatawag ako sa complete name ko. I really hate it when someone disregard my name," seryosong complain ko.

"Maganda ka kasing ganda ng pangalan mo Miaka Lei Kayza," sabi ni Ryota.

Heto na naman sa mga pambobola. Grabehan, hayup kasi sila. Hindi lang pala sila weirdo dakilang flirt at bolero rin. Lalong-lalo na 'tong si Ryota!

"Jusko! Tantanan mo nga ako Ryota, 'wag kang mag-alala malinaw pa rin ang mata ko. Matagal ko ng natanggap kung ano talaga ako."

"Why can't you believe that you are beautiful? Right, Toru?"

Hindi ko alam pero bakit biglang na-excite ako sa isasagot ng epaloid na 'to.
I waited for his response. We all waited for his comment but, I failed. Imbes na sumagot siya tumalikod lang siya at naglakad papunta sa room nila.

Ano pa bang aasahan ko? Tss, of course ayaw niya lang sabihin ang bagay na obvious kasi syempre redundant na pag ganon.

"Hey, Toru!" sigaw nung dalawang ugok at sumunod na sa kanya.

Naiwan akong nasasaktan..

Taenes! Ano ba Miaka Lei Kayza, tanga lang?! Pota, hindi ka pumunta ng Japan para mag pabebe! Hanep! Gumising ka nga! Hindi ka pwedeng mag kagusto sa kanya. Magising ka nga sa katotohanan. Masasaktan ka lang buti sana kung pisikal lang eh kaso hindi! Masasaktan ka emotionally, at hindi mo na kayang dagdagan pa ang sugat sa puso mo.
Tama siya, hindi ako superhero.. hindi ko na talaga kaya.




My phone rang. "Yes, Chief!" tahimik akong nakinig sa sasabihin ni Chief. Masyado pa rin daw mainit ang mata sa'kin ng mga gangsters kahit na raw hindi na ako hina-hunting pinapabantayan pa rin ako maigi in a way na mas nagdagdag sila ng mga taong para mag matyag ng mas maigi sa transactions nila. "Okay po Chief!" sinabi niya lang na ipagpatuloy ko muna 'tong mission ko ngayon.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon