One Ok Rock - Chapter 46

150 8 32
                                    





Rock 45

"Tenten, behave ka lang dun ha? Hindi ka pwedeng umalis dahil marami akong gagawing trabaho baka hindi kita masyadong matutukan," paalala ko sa kapatid ko habang naglalakad kami papunta sa arena kung saan gaganapin ang concert nila.

Alam ko na nandun na sila ngayon dahil tinawagan ako ni Joy. Hindi pa rin ako makapaniwala na muli ko silang makikita. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na dapat maging professional ako. Mataas ang expectation sa'kin ni boss at sa trabaho kong ito nakasalalay ang promotion na kailangan ko para sa mas malaking sahod. Kailangan kong mag-ipon para sa pagpa pagamot ko kay Tenten.

"Oo ate wag mo akong alalahanin," hawak ko siya sa kamay habang naglalakad kami. Natatanaw ko na ang labas ng arena at ang maraming fans na nakapila na kaagad sa labas kahit bukas pa naman talaga yung concert. This just proves how  famous they are here. Hindi na rin nakakapagtaka na magkapasa ang petition ng fans club president nila para matuloy ang concert na 'to.

Huminga ako ng malalim pilit kong ikinakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya after almost five years mula ng huli kaming magkita.

"Kapag hindi mo ako nakita ng alas dose ng tanghali kainin mo na lang 'yang baon mo sa bag tapos wag mong kalimutang inumin ang mga gamot at vitamins mo, okay?" iginiya ko siya sa may parking lot para makaiwas kami sa sandamakmak na tao sa main entrance.

"Sige ate," masiglang tugon niya pa. Naglalakad na kami sa parking area ng building ng may biglang tumawag kay Tenten.

"Tenten?" tawag ng tinig babae.

Sabay naman kaming lumingon ni Tenten sa pinanggalingan ng tinig.

"Ate Shin!" nagtatakbo agad si Tenten palapit kay miss Shinreé.

Paanong..? Baka nga totoo yung kwento niya sa'kin dati na may nakilala siyang Shinreé, at si miss Shin nga na anak ng boss namin.

Naiwan akong tulala at nakamasid sa kanilang dalawa habang nagbabatian. Niyakap ni Tenten si miss Shin.

"How are you? Whoah! Hindi ko inakalang magkikita tayong muli," sabi ni miss Shin.

"Sabi ko naman sayo magkikita pa tayong muli eh. Halika ate Shin, kasama ko si ate ipapakilala kita." Inakay ni Tenten si miss Shin palapit sa kinatatayuan ko.

Nginitian niya ako ng ubod tamis. "Hi, I'm Shinreé nice to meet you ate ni Tenten," mas nagulat ako ng ini-extend niya ang kamay niya at nakipagkamay sa'kin. "You're beyond a beautiful woman ca be."

Hindi ko inasahan ang compliment na yun mula sa kanya.
"Thank you! Nice to meet you too, miss Shin. Ako po si Liza.. actually, I work at your dad's company," alanganing sabi ko. "I'm the main organizer for this concert."

Biglang rumehistro ang pagkagulat sa maganda niyang mukha. "Oh really? But how about that girl I met, I think she's.. uhmm.. J-joy, right?"

"Ahh yes miss Shin, kasama ko siya sa trabaho one of the organizers din siya. Ako dapat yung ka-meet mo nun kaya lang nagkasakit yung kapatid ko," sabay hawak ko sa ulo ni Tenten. "Kaya hindi na ako nakapunta."

"No that's okay.." muli siyang bumaling kay Tenten. "We have a lot of things to talk about Tenten. I'm so happy to see you again."

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon