One Ok Rock - Chapter 56

126 6 33
                                    






Rock 56

"Voice, is my childhood friend," he explained to me. "We can trust him. I'll send you everything that I know."

Matapos ang pag-uusap at pag-pla-plano namin tungkol sa sindikato ay inihatid ko siya sa dorm nila.

Nasa tapat na kami ng building nila ng may makita akong kahina-hinalang itim na sasakyan sa kabilang bahagi ng daan sa mismong tapat din ng building nila. "Pamilyar ka ba sa sasakyan na yun?" sabay turo ko sa sasakyang itim.

Tinignan niya itong mabuti. "That's them," he typically answered. "Ever since the drug scandal they keep on spying me. They are like my walking CCTV. They're everywhere I go. It's okay though, they will never hurt me."

"Yes they can't but how about her?" sabay tingin ko sa babaeng nakatayo sa harap ng building nila. "Walang immunity ang babaeng yan. Sa tingin mo ba importante sa kanila ang buhay niya? They can kill whoever they want to kill."

Hindi ko alam kung bakit apektadong-apektado ako pagdating sa babaeng 'yon. Pababa na dapat si Taka ng kotse ng biglang may mga lalaking lumabas sa itim na sasakyan at mabilis na nakalapit sa babae. Agad nilang nahawakan sa braso ang payat na babae.

"Damn!" agad kong tinanggal ang seatbelt ng kotse. "Stay here. Hindi nila dapat malaman na nagkita tayo."

Agad akong nakalabas ng kotse at nakalapit sa dalawang malaking lalaki na ngayon ay pilit hinihila yung babae.

"Goons are evil," I said before I kick his ass. Bumulagta siya sa daan. Sa sobrang lakas ng pagsipa ko tingnan ko na lang kung dumami pa ang lahi niya.

Mabilis na nahawakan ng malaking lalaki ang braso ko. Agad niya akong tinapunan ng suntok subalit mabilis na naiwasan ko rin naman. Kasabay nun ay hinila ko yung babae na tulalang nakatayo sa gitna namin. Itinago ko siya sa likod ko bago ko sinipa ang lalaking nagtatangka na namang sapakin ako.

"Go tell your boss that I'll be killing him soon!" I shouted at them.

Hinila ko yung babae papunta sa kotse ko.

"She can't be here with you!" sigaw ko kay Taka pag pasok ng kotse. "Look they're willing to take her." Hindi ko maintindihan kung bakit nagsisilakbo ako sa galit.

"A-are you okay?" imbes na pansinin niya ako ay bumaling siya agad sa ex-girlfriend niya.

I look at the girl who's still trembling in fear. "So that last time I saw you collapsed it's because of this, right!?" angil ko sa babae. "Bakit mo hinahayaang i-torture ka nila? You should have told this jerk about this."

"What the hell? Pati ikaw sinusundan nila?" galit na tanong ni Taka.

"Damn! And you don't even know? What have you been doing all this time dragging this girl?!" I yelled at him.

"I'm trying to protect Shinreé! Hindi lang ikaw ang may karapatang mag-protekta sa kanya-"

"It sucks the way you protect someone you love. You're using innocent people you bastard! Ganyan ka ba kaduwag?! Hindi ko maintindihan kung ano bang nakita nila sayo para mahalin ka nila!"
galit na sigaw ko pa. "I'm taking her with me! You can't use her anymore!"

"O-okay lang ako. I'll stay with Taka," singit nung babae.

"Sa tingin mo ba hahayaan kita? Ayoko lang ng may mapahamak dahil sa kapabayaan na alam ko namang kaya kong pigilan. Siguradong babalik sila at mas marami pa sila. Hindi ka na pwedeng mag-isa dahil sa oras na makakuha sila ng pagkakataon desidido na silang patayin ka."

"Fvck!" malutong na mura ni Taka.
"I-i'm sorry Hope," he said. "I think you better go with him for now."

Namagitan ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon