CHAPTER 6

7.5K 101 1
                                        

Chapter 6: Fall & Guilt

MABUTI na lamang din ay suot ko ang mamahalin kong wristwatch kaya alam ko kung ilang minuto na akong naghihintay sa labas—mahigit isang oras na rin kaya. Inaaliw ko na nga ang sarili ko sa pakikipag-usap ko kay Vip. Hindi naman sumasagot ang kabayo ko at inakusahan pa ako ng mga taong dumadaan na baliw. Pakialam ko naman sa kanila?

Bahala silang mag-isip sa akin ng kung ano-ano. Hindi ko sila pipigil kasi hindi ko naman sila kilala.

Nang makaramdam ako ng gutom ay umupo ako sa isang waiting area at tiningnan ko ang laman ng supot ko. Ngumuso at wala na akong choice pa kundi ang kumuha ng isang kakanin. Nakabubusog naman ito pero iba pa rin kapag masarap ang kinakain mo.

Ilang beses kong pinadyak ang binti ko kasi may tumutusok doon, eh. Huli na para malaman ko. Lamok na pala iyon. Ang dami ng pantal sa binti ko. Pants na ulit ang isusuot ko. Itinali ko na muna si Vip at bitbit ang supot ay muli kong pinuntahan si Azul.

Tumulis ulit ang labi ko nang makita ko siyang kumakain na kasama ang batang babae. Busog daw siya kanina pero ngayon ay kumakain na sila. Ang daya.

“Kuya, bumalik na naman po ang babae,” bulong ng bata na dinig ko naman. Napalingon sa akin si Azul at nagsalubong ang makapal niyang kilay.

“Hindi ka pa rin ba umuuwi sa inyo?” malamig niyang tanong.

“Hindi mo kasi ’to tinanggap. Dinala ko pa naman ito para sa ’yo,” sagot ko. Kinuha naman niya iyon at napangiti na ako pero...naghalo rin iyon agad.

“Ale, hindi po ba paborito ng anak niyo ang kakanin? Heto po sa inyo na.” Ang bilis naman niyang ibigay sa iba!

“Ay maraming salamat, hijo! Ang bait mo talagang bata, Azul!” masayang bulalas ng ale. ’Saktong kasama niya ang mga anak niya. Kainis siya.

“Tama bang ibigay iyon sa iba at sa harapan ko pa mismo, Azul? Bad iyon,” ani ko.

“Kinuha ko na para hindi ka na maghintay pa rito. Umuwi ka na lang sa inyo.”

“Hindi mo naman kinain iyon. Ibinigay mo pa sa iba,” nagtatampong saad ko at bagsak na agad ang balikat ko.

“Busog na ako. Nakikita mong kumakain na ako. Masasayang lang iyon kapag hindi pa kakainin. Kanina mo pa iyon dala-dala. Mas mabuti na ang ibigay ko para may makinabang.” Lumubo ang pisngi ko sa pagdadahilan niya.

“Hindi tayo bati,” wika ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Hindi naman tayo magkaibigan,” iritadong saad niya.

“Kaya nga nandito ako para makipagkaibigan sa ’yo,” makulit na saad ko pa rin.

“Hindi ko kailangan ng isang kaibigan na sakit sa ulo.”

“Ang pangit mo, Azulenzure!” asik ko sa kanya, inirapan ko siya at saka ko siya iniwan doon.

Masama ang loob ko na binalikan si Vip. Dahil sa sobrang inis ko ay mabilis kong pinatakbo ang kabayo ko. Natakot ang mga tao at ang iba ay nagkagulo na rin. May mga prutas pa ang gumulong at ilang mga mura nila ang natanggap ko. Sa sobrang galit kay Azul ay ipinakita ko pa sa kanila ang gitnang daliri ko. Hindi ko pinansin ang matandang bumagsak sa lupa.

Karma ang inabot ko sa pagiging brat ko. Sa mabilis na pagtakbo ni Vip at sa ilang beses kong pagpalo sa kanya ay hindi ko sinasadyang mapabitaw sa tali at kasabay ang pagsipa niya sa era ay nahulog ako mula rito.

Napaigik ako sa sakit nang tumama ang balakang ko sa lupa. Pasalamat ako at lupa pa lamang ang daan na tinatahak namin. Nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat.

His Ideal Girl (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon