Chapter 50: Officially in a relationship
HUMIGA pa si Wez sa kama at inaaya niya kami ng papa niya para tabihan siya pero umiling ako. His eyes are puffy. Kawawa naman ang baby boy ko but in the end masaya naman siya.
“Ang mabuti pa ay maligo na lang kayong dalawa. Mayamaya niyan ay tatawag si mama o Nanay Lore para kumain na ng dinner,” aniko at itinuro ko ang pinto ng banyo ni Wez. Nasa dulo iyon.
“Yes, yes. Maligo po tayo, Papa,” pag-aaya pa niya at naglahad ng kamay para buhatin na naman siya nito. Iyon na nga ang ginawa ng kaniyang ama.
Tumayo na ako at naunang naglakad sa banyo at binuksan ko ito. Kompleto naman ang mga gamit dito. Sinenyasan ko si Azul na pumasok na sila sa loob.
“Ilagay mo na lang ang marumi niyong damit sa basket, Azul. Bukas ko na lang iyan asikasuhin,” sabi ko at medyo nabigla pa siya.
“Ikaw ba ang naglalaba ng mga damit ni Wez?” tanong niya na nasa boses ang pagtataka. Tumango ako.
“Ako lang ang naglalagay ng mga damit namin sa washing machine. Kapag marumi talaga ay sila naman ang gumagawa niyon. Bakit?” curious kong tanong.
“Wala naman. Akala ko ay mag-isa mo lang ginagawa ’yon,” aniya.
“Puwede naman,” nakangiting sabi ko. “May toothbrush ka na ba?”
“May dala ako.” I nodded again bago ko sila iniwan sa banyo.
Nagtungo ako sa closet ng anak ko para kumuha ng pamalit niyang pambahay. Asul na jacket at pajama ang pinili ko. Napatingin naman ako sa duffle bag ni Azul na nakapatong sa carpeted floor. Dinala ko sa kama ang damit ni Wez at binuhat ko ang gamit ng papa niya.
Binuksan ko ito at tiningnan ko ang laman. Dalawang itim na coat ang nasa loob at tatlong puting t-shirt. Dalawa lang ang pantalon niya at dalawang pajama. Maayos din nakalagay sa maliit nitong bag ang underwear niya kasama na ang boxer.
Napanguso ako. Dinala ko sa cabinet ni Wez ang mga damit niya. Baka matupi ang coat niya kaya isa-isa kong itinabi iyon sa damit ng anak namin. Kumuha na rin ako ng susuotin niya at nandoon na kasama iyong kay Wez.
Lumabas na ako pagtapos kong ayusin ang mga iyon. Bababa rin naman sila. I went straight to the kitchen. Sina Mama at Nanay Lore lang ang nandoon.
“Darling,” sambit ng aking ina nang makita niya ang pagpasok ko.
“Kakain na tayo mayamaya, Señorita,” sabi naman ni Nanay Lore. Nginitian ko silang dalawa.
“Nasaan na ang mag-ama mo, anak?” tanong ni mama.
“Naliligo pa ho, ’Ma. Pero patapos na rin po sila siguro,” sagot ko at umupo ako sa highchair saka ko pinapanood ang paghahanda nila ng dinner namin mamaya.
Umupo naman sa tapat ko si Mama at ipinatong ang magkabilang siko niya sa kitchen island.
“Look at yourself, darling. Ang blooming mo na. Ang aliwalas na ng mukha mo at nagagawa mo nang ngumiti kapag nandiyan na si Azul,” saad ni mama.
“It’s been three days since nagkabati po kami, ’Ma. Ewan ko lang po kung bakit nagawa ko ulit na maging komportable sa presensiya niya at wala na akong doubt pa sa tuwing kasama ko siya,” pag-amin ko sa katotohanang iyon.
Napansin ko kasi na iyon agad ang naramdaman ko noong naging maayos ulit ang relasyon namin ni Azul. Sa pagbibigay ko sa kaniya ng second chance ay wala akong regrets.
Na tila ba bumalik lang kami sa nakaraan at ganito pa rin ang trato namin sa isa’t isa.
“Dahil siguro natabunan lang iyon ng galit mo, anak. Kaya ganyan pa rin ang nararamdaman mo. Na kumbaga ay natural lang iyan,” ani pa ng mama ko at napangiti na lamang ako.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomantikGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...