CHAPTER 14

2.3K 41 0
                                    

Chapter 14: Pilosopo

GUMINHAWA na rin ang pakiramdam ko at bumalik ulit ang sigla ko na kanina ay hinang-hina ako dahil tinawag ako ng kalikasan.

Naghugas ako ng kamay sa sink nila. Ang ganda rin ng banyo nila kahit maliit lang. Tapos malinis at mabango. Paglabas ko ay hinanap ko si Azul.

“Azul?” tawag ko sa kanya.

May maliit na sala rin sila. Hindi halatang hardinero ang may-ari nito at ang lola niya ay nagtitinda pa sa palengke. Maaliwalas ang buong bahay nila, kulay tsokolate, puti at dilaw ang furniture.

Umupo ako sa sofa na gawa sa kawayan. Masakit kasi matigas, eh. Pero may maliit na pillow. Niyakap ko ito at napatingin sa mga litratong nakadikit sa pader. May TV din sila. Ewan ko kung nag-provide rin ng mga ganito ang Papa ko.

“Hindi ganyan.”

“Ha?” gulat na tugon ko nang marinig ko ang boses ni Azul.

Naglalakad na siya patungo sa direksyon ko. Wala siyang sapin sa paa. May dala siyang isang itim na tela. Na mukhang shirt iyon.

Nang makalapit siya sa akin ay hinila niya ang siko ko kaya napatayo rin ako. Inagaw niya sa akin ang pillow at inilapag iyon sa sofa saka niya ako pinaupo ulit.

“Magpalit ka muna.” Sabay bigay ng damit. Inabot ko ito at tumaas ang sulok ng mga labi ko. Damit niya kasi ito at amoy na amoy ko pa ang downy.
Tinanggal ko ang unan na inilagay niya at nagsalubong pa ang kanyang kilay. “Sasakit ang puwit mo riyan.” That’s made me chuckle.

“It’s okay. Sanay naman ako sa matigas,” malisyosang sambit ko at umirap siya.

“Kukuha lang ako ng tubig.” Tumalikod na siya.

“Para saan ang t-shirt na ito, Azul?” I asked him.

“Basa ka na ng pawis,” sagot niya. Napanguso na lamang ako.

Ano ba ang kinain ng lalaking iyon at ang bait-bait niya ngayon? Hindi na siya nagsusungit pa at pinapansin na niya ako.

Hinubad ko na rin ang shirt ko. “Teka lang, Azul!” sigaw ko at nilingon niya ako pero nang makita niya ang ayos ko ay mabilis siyang tumalikod. Natatawa ako, samantalang napahilot na lamang siya sa sentido niya. Mabilis ko rin itong sinuot.

“Ano?” masungit na tanong niya.

“Ang ganda ng bahay niyo,” I answered.

“Iyon lang ang sasabihin mo?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Bakit? Ano ba ang inaasahan mong sasabihin ko?” I stood up and walked towards him. “Gusto kong makita ang kitchen niyo,” ani ko at inunahan ko pa siyang nagtungo roon.

Wala silang dining room dahil kumakain sila sa kusina na. Umupo ako sa silya at pinagsiklop ko ang palad ko.

May ref din sila na ’sakto lang ang laki. Naglabas siya ng isang pitcher ng tubig at kumuha ng baso. Umupo siya sa tapat ko at nagsalin ng tubig. Ibinigay niya iyon sa akin at kinuha ko naman.

“Azul, nagtataka lang ako sa ’yo,” ani ko at sumimsim ng tubig.

“Saan?” nakataas ang kilay na tanong ko.

“Sa mga kinikilos mo,” sagot ko. Nilaro-laro ng hinliliit kong daliri sa malamig na tubig at saka ko ito isusubo.

Nalukot ang matangos niyang ilong at umaalon na naman ang adams apple niya.

“Tigilan mo ’yan, Eljehanni,” sita niya but I shrugged.

“Ano na? Nasaan si Isabella at bakit hindi siya ang kasama mo ngayon?” untag na tanong ko. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanilang dalawa. Ngayon na siya sasagutin ni Isabella. O baka naman magkikita sila mamayang gabi?

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon