CHAPTER 45

2.4K 36 2
                                    

Chapter 45: Madness

MASKI ako ay nagulat sa itinawag ng anak ko kay Azul. Walang nag-utos sa kaniya na tawagin niya itong papa o ewan ko kung may sinabi rin ang lalaking ito sa bata pero base pa lamang sa reaksyon niya ay mukhang wala rin siyang inuutos kay Wez.

Talagang matutuwa ka kapag tinawag kang ganoon ng anak mo. Kahit baby pa lang noon si Wez ay kakaibang saya na ang bumabalot sa aking puso. Baby pa lang siya at wala pang kamuwang-muwang ay parang isa na siyang achievement para sa akin. I can’t blame him though.

“A-Ano u-ulit ang tawag mo sa ’kin, Wez?” nauutal na tanong ni Azul. Nababasa na rin siya ng ulan kaya ako na ang humawak sa payong. Feeling ko ay matutumba na rin ang kolokoy na ito. Hinang-hina na ang katawan niya. Apektado sa narinig.

“Azul?” inosenteng sagot nito at bahagya pang tumaas ang kilay niya. I shook my head. Nang-t-trip lang talaga siya.

“Ano ba iyang trip mo, hon? Tara na sa loob,” sabi ko at hinawakan ko na siya sa kamay.

“Pero ’My! Sama po ako kay papa! Aalis po siya kahit umuulan! Sasamahan ko po ang papa ko, Mommy!” sigaw nito na sinasabayan pa nang pag-iling. Hayon na nga. Kusa nang lumabas mula sa bibig niya nang hindi na siya inuutusan pa.

Pinayungan ko na siya kasi nababasa na rin talaga siya. Baka magkasakit ang bubwit na ito. Nagulat naman ako nang maramdaman kong nasa loob na rin ako ng raincoat ni Azul. Malaki ito at nagkasya ako habang suot pa rin niya ito.

Kung sabagay bukas naman ang zipper. Naibsan pa nang kaunti ang lamig dahil sa mainit niyang katawan at sa raincoat. Kinarga na niya si Wez at kumapit agad ito sa leeg niya.

“Ano ulit ang tawag mo sa akin, Wez?” pangungulit na tanong pa rin ni Azul sa bata.

“Papa. Papa ko?” sagot nito at hinawakan pa siya sa panga. “Kayo ng mommy ko is mag-syota, ’di ba?” Kunot-noong tiningnan ko si Wez. Hayan na naman siya sa mag-syota.

“Wez, alam mo ba ang ex? Mag-ex na kami, FYI,” paliwanag ko at inikutan ko pa siya ng mga mata.

“Ah, ex? X, y—eh, ’My! Hindi po iyon FYI! X, y, z, kaya iyon!” pagtatama nito kaya pinisil ko ang labi na may panggigigil pa. Napahagikhik lamang siya.

Parang mga baliw lang kung titingnan kaming tatlo, kasi nasa kalagitnaan talaga kami ng ulan. Iginiya na kami ni Azul sa loob at nang sinubukan niyang ibaba si Wez ay ipinulupot lamang nito ang mga paa nito sa binti niya at umaktong iiyak pa.

“Muntanga lang, Wez,” komento ko at pinagkrus ko pa ang magkabilang braso ko. Nang binuhat na ulit siya nito ay ngumisi na naman siya nakikita na naman ang bungi niya. “At ikaw? Saan ka naman pupunta? Na parang gusto mo pang sundan ka ng anak mo, ha?” malamig na tanong ko at pinagtaasan ko pa siya ng kilay.

“Pupunta sana ako sa factory para ako na ang gagawa ng survey. Pero bigla na lang lumabas si Wez at sinundan niya ako hanggang sa labas,” paliwanag niya at pinanlisikan ko siya ng mga mata.

“Naulanan na naman si Wez?” Nag-iwas siya nang tingin. Marahas na binalingan ko ang anak ko. Katulad nang ginawa ng magaling niyang ama ay tumingin din siya sa ibang direksyon. Napansin ko ang kamay niya na nilalaro ang sumbrero ng raincoat nito gamit ang mga daliri niya.

Hindi na nga nakaalis pa si Azul. Hindi ko rin siya hahayaan. Ako dapat ang gumawa ng sarili kong survey. Sa may azotea kami ng mansion niya tumambay. Pinapanood lang namin ang malakas na pagpatak ng ulan.

Naglalaro sa tabi ko si Wez at may hawak pa siyang feeding bottle. Gumagalaw ang mga paa niya na may suot na pulang medyas. Nakapulang pajama rin siya at itim na jacket.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon