Chapter 39: The truth
AZUL’S POV
NAGULAT si Eljehanni nang malaman niya na sampung taon matatapos ang kontrata ng partnership namin. Sinadya ko na tagalan iyon para hindi matapos agad kung hindi ko siya kayang mabawi ulit nang ganoon kabilis. Naalala ko kasi ang sinabi niya noon na hindi siya basta-bastang nagbibigay ng second chance. Iyon ang kinakatakutan kong mangyari.
Oo, inaamin kong nasaktan ako sa nalaman kong may anak na siya at ikinasal siya sa nobyo nito na nakilala ko sa Amerika. Pero sa nalaman ko rin tungkol sa iba na hindi ikinasal si Eljehanni ay naisipan kong ipaglaban ulit ang nararamdaman ko.
Nanatili pa nga siya sa villa nila at may napagtanungan din ako na sa loob ng tatlong taon na iyon ay subsob siya sa trabaho niya at maganda pa rin ang pamamalakad niya sa farm. Nasa dugo na nila iyon kaya kayang-kaya niyang hawakan ang negosyo nila.
Ngayon nga ay ibang-iba siya sa Eljehanni na nakilala ko four years ago. Ramdam na ramdam ko ang galit at pagkapoot niya. Ang makita nga lang ako ay masama na ang paningin niya. Isama mo pa ang anak niya na kanina pa ako binabantayan.
Bumibilis nga ang pintig ng puso ko dahil kanina pa siya nanonood. Kahit ang gumalaw ako ay hindi pa rin niya ako tinatantanan. Kung nakamamatay lang ang masamang tingin ay baka kanina pa ako nakabulagta.
Galit sa akin ang mommy niya at ayoko na pati siya ay magagalit din. Kung hindi ko pa kayang makuha ang loob ni Eljehanni ay dapat sa bata ang uunahin ko. Siya muna ang magiging alas ko. Siyempre hindi ko naman gagamitin si Wez.
Ngunit sa batang ito ay kinakabahan na ako. Paano pa kaya kung sa mommy na niya na malaki ang naging atraso ko rito?
“Gusto mo bang. . .magpalipad tayo ng saranggola?” tanong ko at bayolenteng napalunok pa ako dahil sa pagtaas ng kilay niya. God, bata lang ang nasa harapan ko sa mga oras na ito. Subalit kakaiba na ang aura at presensiya niya. Parang isa siyang matanda at hinuhusgahan na ako.
“Ano po ba ang hitsura ng sarang—oh! Alam ko na! Iyon pala ang madalas kong nakikita sa mga kaibigan ko!” masayang bulalas niya dahilan na napatingin sa gawi namin si Eljehanni. Tahimik lang din ang secretary nito. “But ang sabi ng mommy ko ay hassle iyon. So, no,” umiiling na saad niya at pinagtuunan na niya nang pansin ang laruan niyang eroplano na parang gusto kong sirain.
Tila pinakinggan ng nasa itaas ang hiling ko na masira ang laruan niya dahil hindi niya sinasadyang masagi ito kaya nahulog sa lupa ang eroplano.
“Mommy! My airplane!” sigaw nito at mabilis na umiyak. Itinuro pa nito ang kawawa niyang laruan.
I stood up at pinulot ko iyon. Naramdaman ko rin ang presensiya ni Eljehanni na lumapit sa amin. Lihim akong napangisi nang makita kong may nabali sa parteng iyon at alam kong hindi na ito kaya pang lumipad. I feel sorry for Wez pero natutuwa ako na nasira ito.
“Tahan na. Hindi na ito gagana pa. Sira na,” sabi ko at natigilan siya pero kalaunan ay umiyak pa rin siya. Pulang-pula ang ilong at mga mata niya.
“Wez, tahan ka na, hon,” pag-aalo ng kaniyang ina. Mariin kong naitikom ang bibig ko.
“K-Kabibili lang po iyan kahapon ni daddy, Mommy! Nasira na! Nasira na! Nasira na!” paulit-ulit na sigaw nito.
“Wez—püta.” Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang pagmumura niya at nasa labas ng kubo ang tingin niya. May dumating na dalawang sasakyan at alam kong isa rin iyon sa mga kliyente nila.
“Mommy!” Hinila-hila ni Wez ang damit ng mommy niya kaya bumababa ang neckline niyon. Mas lumalim ang gatla sa noo ko.
“Aayusin natin iyan later, anak. Don’t cry, please. May kailangan akong kausapin ngayon. Wez. . .”
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...
