CHAPTER 21

1.9K 27 0
                                    

Chapter 21: Bitin

PAGDATING namin sa palengke ay agad kaming nagtungo sa puwesto nila, kung saan ang tindahan nila. Wala masyadong customer si Lola Molai. Nakaupo lamang siya pero sa kabila ay ang dami namang bumibili. Nandoon din ang batang si Asthasia. Ang kapatid o pinsan ba iyon ni Azul? Nakalimutan ko na, hala.

“Oh, Azul! Kasama mo pala ang anak ni Señor Eldino.” Kumaway lang ako sa mga taong nakatingin sa amin na parang anak ako ng isang tumatakbo sa politika.

Oh, well. Marami na nga ang nag-imbita kay Papa na puro politicians. Dati ay gusto nilang maging mayor ito at governor. Pero ayaw ng papa ko sa magulong buhay at puwede pa raw ikapahamak ng family namin.

Kahit si Mama at ayaw niya rin sa ganoong trabaho ng aking ama. Hindi raw siya panatag at kontento naman daw siya sa kung ano man ang mayroon ngayon sa amin.

“May benta na po kayo, ’La?” magalang na tanong ni Azul sa kanyang lola at nakasimangot na naman sa akin ang bata. I stick my tongue out to annoy the kid. Mas lalo siyang naging suplada at inirapan ako. Ang init-init ng dugo nito sa akin. Eh, wala naman akong ginagawang masama sa kanya, ’di ba?

Nakita iyon ni Azul. Sa halip na pagalitan ako dahil pumapatol ako bata ay umiling lamang siya.

“Magandang umaga po, Lola Molai! Nagluto po kami ng lunch niyo!” masayang saad ko sa matanda. Ngumiti siya at nailipat iyon kay Azul. Siya ang nagdala ng bayong at inilapag niya iyon sa mesa.

“Kumain na ba kayo bago kayo nagpunta rito?” tanong nito.

“Opo, ’La. Kumain na muna kayo ni Asthasia. Ako na muna ang bahala rito.” Super bait naman pala talaga nitong bebe ko! Hehehe.

Nang umupo na si Azul ay agad akong tumabi at kumunot pa ang noo niya. May upuan at maliit na mesa sila sa likuran namin. Kung saan ay nandoon na nakapuwesto ang Lola at kapatid niya.

“What? Ano’ng klaseng tingin naman ’yan, aber?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

“Doon ka sa likuran.”

“Ayaw ko nga. Same chair naman ito,” sabi ko at bumuntong-hininga siya.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang dalawang kababata ko na sina Kallix at Hunter. Hinintay ko ang makalapit sila sa gawi namin hanggang sa tinawag ko na sila kaya lumapit na rin silang dalawa.

“Aba naman, Jejeh. Kailan ka pa naging tindera sa palengke?” nang-aasar na tanong ni Kallix sa akin at hawak niya ang magkabilang baywang niya.

“Matagal na, ngayon mo lang nalaman kasi ngayon ka lang napadpad dito. Halika, bumili ka ng isda namin at saka gulay!” pag-aaya ko at agad akong kumuha ng plastic bag. Walang imik si Azul pero nakasunod ang tingin niya sa akin.

“Bibili ako ng isda at gulay?” nagtatakang tanong niya at tumango-tango ako. Alam ko kasi na galing din sa mayamang pamilya si Kallix. Mayroon din silang sariling negosyo.

“Pumili ka na ng isda mo. Kunin mo iyong mas malaki. Alam kong paborito mo itong mungbean sprout lalo na kapag iluluto ito kasama ang harina,” sabi ko pa at tig-apat ang kinuha ko. “Sasamahan ko na rin ng garlic, onion, tomato and salt, ha?”

Salubong ang kilay niya nang kinuha niya iyon at kakamot-kamot pa siya sa batok niya. Natawa tuloy si Hunter.

“Eljeh, hindi naman ako pumunta rito para mamalengke at saka ang dami nito sa bahay,” katwiran niya.

“Bayaran mo na ’yan kay Azul at saka iyang dalawang malaking tilapia na iyan.” Itinuro ko ang lahat ng pamili niya at humugot ng pera sa wallet niya.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon