CHAPTER 49

10.9K 96 3
                                        

Chapter 49: Second chance

“MARAMI na ang nagsasabi na bigyan na kita ng second chance para na rin sa ikabubuti ko at lalo na sa anak natin. Pero paanong nangyari na para sa ikabubuti ko kung palagi kitang nakikita ay naaalala ko lang ang nangyari four years ago? Nandito pa rin naman ang sakit sa dibdib ko, Azul. . . Nagtiwala ako sa ’yo, kaya natatakot na akong mag-risk. Kaya nasa vocabulary ko na hindi ako magbibigay ng pangalawang pagkakataon dahil kapag inulit mo iyon. . . Ako pa rin ang masasaktan sa huli,” hinaing ko at sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Higit na sumikip ang dibdib ko.

“T-Tutulungan kita. . . Tutulungan kitang maging maayos. Wala man akong kakayahan na ibalik ang mga panahon na iyon upang hindi ko na magawa pa ang pagkakamali ko ay hayaan mo akong patunayan ko sa ’yo ang pagmamahal ko, Eljehanni. . . Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon. Kahit hinay-hinay lang, kahit hindi ko pa makukuha ang tiwala mo ay ayos lang. Gusto kong. . . paghirapan din iyon na makuha. Hayaan mo lamang ako, babe. . . Pakiusap. . .” pagmamakaawa pa niya at malakas pa yata ang paghagulgol niya kaysa sa ’kin.

“K-Kung hindi ko pagbibigyan ang gusto ni Wez ay matatawag na rin akong makasariling ina,” mariin na saad ko pa. Ganoon ang kinalabasan sa pagiging matigas ko pero maiintindihan nila ako kapag naranasan nila ang sakit na idinulot nito sa akin.

“Hindi. . . Hindi ka ganoon. Hindi ka makasariling ina. Dahil hinahayaan mo pa rin akong makalapit sa anak natin, Eljehanni. . .” Ngayon ay titig na titig na siya sa mga mata ko nang matiim. Punong-puno ng mga luha ang pisngi niya at namumula ang kaniyang mata. Nakikita ko pa rin naman ang pagkislap niyon at alam kong sincere siya pero natatakot talaga ako.

Ang buhok niya ay sinasayaw ng hangin kaya mas nakikita ko nang malinaw ang mukha niya. May namumuong pawis sa noo pababa sa kaniyang leeg. Katulad ko ay nasasaktan din siya at kahit ilang taon ang lumipas ay wala ni isa sa amin ang nakalimot sa masamang alaala na iyon. Walang naka-move on. Pareho kaming nakakulong sa sakit na iyon.

Maaari kayang sabay naming ayusin ang aming mga sarili at ibalik sa dati ang lahat? Na sabay maghihilom ang sakit na dinulot ng isang pagkakamali sa nakaraan? Puwede kayang mangyari ’yon?

Bumuntong-hininga ako at pinunasan ko ang mga luha ko. Inabot ko ang panga niya. Nagulat siya sa ginawa niya kaya hinawakan niya iyon at dinampian niya ng halik ang palad ko.

“Ang nakaiinis lang. . . Sa kabila nang ginawa mo ay hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa ’yo. . . Masyado ba akong tanga para mahalin ka pa kahit sinaktan mo na ako?” mapait na tanong ko. Umuga lang ang balikat niya. “Sabi mo, handa kang maghintay. Inaamin kong wala pa talaga akong tiwala sa ’yo. Pero kay Wez na rin. . . Handa akong. . .bigyan ka ng second chance.” Sa pagbitaw ng mga katagang iyon ay alam kong isa na iyon sa malaking desisyon na nabuo ko pero wala akong nararamdaman na kahit na ano.

Na walang pagsisisi, dahil sa halip ay nakaramdam pa ako nang kapayapaan sa puso ko.

Kinabig niya ako at mahigpit na niyakap. Sumiksik siya sa leeg ko at wala na siyang tigil sa pag-iyak. Paulit-ulit na nagpasalamat.

“Mahal na mahal kita. . . Eljehanni. Mahal na mahal. . .” punong-punong emosyon na sabi niya. Pumikit lamang ako at dinama ang mainit niyang yakap.

Ewan ko kung ilang oras kaming nagdramahan. Basta parehong namumugto ang mga mata namin at lalo na yata ako na mapula na rin ang ilong ko.

“Hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataon ko, babe. Maraming salamat.” Kumibot-kibot ang labi ko. Natuto na talaga siya sa endearment ko sa kaniya dati.

Sinapo niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Sumulpot naman bigla si Wez at nabigla pa kami nang sumisinghot siya.

“Hon,” tawag ko sa kaniya. Mabilis siyang binuhat ng papa niya at pinaupo sa lap nito. Idinantay pa niya ang maliliit niyang binti sa paa ko kaya hinawakan ko iyon.

His Ideal Girl (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon