CHAPTER 22

1.8K 30 4
                                    

Chapter 22: Nica, King’s arrival & Caught

WHEN we got home ay sinabi ni Papa na darating ang isang anak ng kaibigan niya at may bibilhin lang daw na lupain namin. Hindi naman akalain na maaga pala sila darating tapos afternoon na rin. Nag-utos pa si Mama na pababain na ako kaya iyon naman ang ginawa ko. Same na damit pa rin ang isinuot ko. Iyong favorite outfit ni Azul.

Nasa living room na sila at nakuha ko agad ang atensyon ng magandang babae na may maikling buhok. Ang ganda pala niya. Natural na namumula ang pisngi niya.

“Hi,” I greeted the very beautiful girl. Katabi niya ang isang lalaki na kakilala ko. Si King Dwight Altaraza.

“Hello,” she greeted me back naman ay humalik pa ako sa cheek ni Mama saka ako nakipag-beso-beso sa babae at niyakap siya. “We have a visitor pala here, Mama. Oh, hi Mr. Dwight.” bati ko naman kay King Dwight at nag-handshake kami. “How’s Manila?” I asked him.

“Like the usual, Eljehanni,” sagot niya. Mukhang mabait din siya. Guwapo rin itong si King Dwight. Nasa 30’s na siya at single pa rin until now. Oh, I forgot na may kasama pala siyang magandang babae. Parang doll lang siya sa eyes ko. Ang ganda-ganda niya.

“She have a weird outfit, right? Nagbago 'yan nang makita niya ang Mr. Right niya,” sabat ni Mama at mabilis akong nag-react.

“Mom!” Tinawanan tuloy ako ni King Dwight saka ko sila hinarap ulit. “It’s Eljehanni Elites Ciesta is the name? What about your girlfriend’s name, Mr. Dwight?” I asked him. Wala pa akong nakilala na naging girlfriend niya sa totoo lang. Workaholic lang din siya, eh.

“Just a friend, Eljeh,” sagot niya na ikinabigla ko pa.

“Oh, friendzone...” I said and smirked. Nakita ko ang reaction nito na parang nahihiya siya. Bagay na bagay silang dalawa. Iyon nga lang ay parang mas bata itong si Gennica.

“I’m Gennica Dennise, by the way,” pakilala naman niya.

“Gennica Dennise...” Mr. Dwight uttered her name na parang nabibigla pa. “You didn’t tell me that Gennica Dennise is your full name, Nica...” naaaliw na sabi pa niya.

“You didn’t ask naman,” sabi naman ni Gennica and nagbago ang mukha ni King. Poker face.

“I asked that.”

“Ikaw rin naman... King Dwight pala ang full name mo,” she fired back. Pareho na lang kami ni Mama na nanonood sa kanila habang may sarili na silang mundo.

“King Dwight... Yeah, Dwight is my second name, Nica.”

“What? But what’s your surname? Akala ko King Dwight lang.” Napanguso ito at halos ngumisi na rin ang isa.

“It’s for you to find out, Nica... We’re just same...” makahulugang saad naman ni King.

“Can you feel the sparks, the ambiance my daughter?” tanong ni Mama nang hindi na siya nakatiis pa at nagsalita na. Tumango ako kasi iyon ang din ang nakikita ko at doon lang din sila natigilan sa pag-uusap. How cute.

Nagkahiyaan pa sila pero halatang natutuwa naman ang isa. Hinatid ko naman sila sa magiging room nila while nandito sila sa villa namin. Hapon na rin sila nakarating at kailangan nilang magpahinga. Bukas na lang daw sila mag-uusap kasi wala pa si Papa.

“Ayos na ba sa 'yo ang room na ito, Ms. Gennica?” I asked her nang dalhin ko na silang dalawa sa guest room namin. Pareho pa nilang tiningnan ang nasa loob nito. Kompleto naman ang mga gamit.

“Yes, thank you, and no need to be formal. Just call me Nica,” she told me.

“Okay, it’s Nica then call me na lang din na Eljeh. Katulad nang pagtawag sa akin ng boyfriend mo and future husband,” pabirong sabi ko at oo, ako mismo ang gumagawa para i-ship sila.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon