CHAPTER 37

2.7K 40 0
                                    

Chapter 37: Baby horse

“WEZ, huwag ka nang babalik pa sa bahay na ito, okay?” pagpapaalala ko sa aking anak. Naririnig ko ang pagsinghot-singhot niya. Wala ng tali ang buhok niya pero hindi pa rin magulong tingnan iyon. Kagigising pa lamang niya, halata iyon sa namumungay niyang mata.

“Why po?” nagtatakang tanong niya.

“Hindi mo naman kilala ang mga taong iyan, Wez. Bakit mo ba sila kinakausap?” I asked him. Ayokong magalit sa kaniya dahil wala pa siyang nalalaman tungkol sa past namin ng kaniyang. . . Tsk.

“Mommy, bigay po ni Azul ang kabayo niya. Akin na raw po iyon. Tapos sabi ko Asul name niya,” magulong paliwanag pa nito. Kumunot ang noo ko. Asul?

“Ano’ng Asul ang pangalan niya? Bakit iyon ang pinili mong pangalan?” tanong ko pa. Sa dami-rami ng pangalan ay iyon pa talaga?

“Basta po,” sagot niya at napanguso pa.

“Honey, simula ngayon ay ako na ang magbabantay sa ’yo. Hindi ka na puwedeng umalis sa villa nang hindi kasama si mommy. Maliwanag ba, Wez?”

“Bakit po?” nalilitong tanong niya.

“Basta, huwag nang maraming tanong, Wez,” ani ko. Tumango na lamang siya. Masunurin naman siyang bata ngunit minsan lang naman iyon.

“But akin pa rin po ang horse ni Azul, mommy?” makulit na tanong pa niya.

“No, honey. Marami tayong kabayo sa villa. Hindi mo kailangang manghingi sa kanila ng kabayo,” giit ko pa. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim at kumibot-kibot ang labi niya. Parang may sasabihin pero hindi naman siya nagsalita. Isang tao tuloy ang naaalala kong madalas nitong gawin.

Pagdating namin sa villa ay kinarga ko siya. Iba ang amoy ngayon ni Wez. Dinala ko siya kuwadra at pinapili ko siya sa gusto niya.

“Mommy. . .” tawag niya at umiling siya.

“Pili ka na, anak. Sabi ko naman sa iyo ay hindi mo kailangang manghingi ng kabayo. Marami tayo niyan, honey.” Nang ituro ko sa kaniya ang puting kabayo na bihira lang ang ganitong kulay ay hindi man lang siya nagkaroon pa ng interes. Nag-iwas lang siya nang tingin. “Wez, baby.” Yumakap lang siya sa leeg ko at tinalikuran ang mga ito.

“Ayaw ko po niyan, mommy. Big na po sila,” narinig kong sabi niya.

“Eh, ’di mas mabuti kung malaki na sila kaysa naman sa maliit,” ani ko. Para magbago na rin ang isip niya at kalimutan na ang kabayong hindi naman niya puwedeng hingin. Para na rin huwag na siyang bumalik pa sa lugar na iyon.

“Ayaw ko po. Gusto ko po iyong maliit lang. Parang baby po, mommy. Maliit naman po ako,” he reasoned out.

“Wez, hindi naman puwedeng humingi ng kabayo kung mayroon na tayo,” saad ko pa. Naramdaman ko lang ang pagsipa-sipa ng mga paa niya. He rested his head on my shoulder. I sighed at hindi ko na siya pinilit pa.

Umalis na rin kami sa kuwadra at pumasok na sa villa para hanapin si Sydney.

“Oh, Azul. . .” Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang pagkanta niya at ang pangalan pa ng buwisit na iyon. “My Azul—”

“Shut up, Wezeinlure,” sita ko sa kaniya.

“Bakit ba, Eljehanni?!” sigaw niya at hinawakan pa niya ang pisngi ko para tingnan ko siya.

“I told you don’t talk to stranger, Wez,” mariin na saad ko.

“And why po?! Kilala ko na po siya! Siya si Azul!” sigaw niya rin pabalik at dumaing pa siya. Ibinaba ko siya at namaywang ako sa harapan niya.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon