Chapter 41: Argument
ELJEHANNI’s POV
SIMULA nang makauwi kami ay hindi na binitawan pa ng anak ko ang saranggola na ginawa sa kaniya ng lalaking iyon. Ang lapad-lapad pa ng ngiti niya at parang hindi na rin niya ako napapansin pa.
Nagmistulang invisible na ako sa paningin ni Wez. Naririnig ko pa nga ang mahinang halakhak niya. Kumikislap nga ang mga mata niya. He looks happy and contented.
“Ack! This is so amazing!” he chanted. Napanguso pa ako at naisipan ko na ang lapitan siya. Nakaupo kasi siya sa paanan ng kama at kanina pa niya itinataas ang kite.
Umupo ako sa tabi niya at hinintay ko talaga siya na pansinin na niya ako pero wala talaga kaya inagaw ko na iyon sa kaniya. Nagtatakang tumingin na siya sa akin. Pero kinuha naman niya ulit iyon.
“Hindi mo na ako pinansin pa simula nang umuwi tayo rito, hon,” sabi ko at nang tumulis ang labi ko ay mahinang natawa siya.
“You’re so pretty, Mommy,” he said at binitawan na nga niya ang nasa kamay niya. Kumandong siya sa ’kin nang paharap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “I love you, Eljehanni.” I rolled my eyes.
Táng-ina, kasalanan siguro ng lalaking iyon kung bakit madalas din akong tawagin ni Wez sa buo kong pangalan. Kulang na lang ay banggitin ang second name ko. Ampûta!
Pero dahil ako lang naman ang pinagmanahan ng anak ko ay ayos lang. Nevermind na lang sa face niya, basta nakikita ko ang mga mata ko sa kaniya, na namana pa namin kay papa.
“I love you too, hon. Stop calling my name,” I said at marahan kong kinagat ang pisngi niya na ikinabungisngis niya.
“But I love it everytime I call you that, Eljehanni,” he reasoned out.
“Shut up, little man,” I hissed him. Tumawa lang siya.
“Oh, I love you even more, Mom,” natatawang sambit pa niya sabay halik sa kamay ko. Naiiling na lamang ako sa kaniya. Makulit siya at bibo pero sobrang sweet din sa mommy niya.
Oh, yeah. Sa akin nga talaga nagmana ang baby Wez ko na ito. Love na love ko ito at kahit sa totoong ama niya ay ipagdadamot ko siya.
IN THE next day ay sabay-sabay na kaming nag-breakfast kasama ang parents ko. Busy si mama sa pag-aasikaso sa kaniyang apo.
Kasama rin namin si Sydney at in-invite naman ni papa si Zilla para saluhan kami sa breakfast. May pag-uusapan din yata sila. May itinuturo kasi ang papa ko kay Zilla.
Nasa gitna ako nina papa at Sydney. Sa tapat namin ay nakaupo naman sina mama, Wez at Zilla.
Ayos na ayos na nga si Zilla at parang may meeting siyang dadaluhan. Samantala, hindi pa nga kami nakaliligo ni Wez. Si Sydney naman ay fresh na ngang tingnan ang hudas na ito.
“Anyway, Eljeh. Bago ko makalimutan, anak. May survey tayong gagawin ngayon at sa susunod na araw ay saka natin i-p-present,” pagsisimula ni papa at napahinto ako saglit sa pagkain.
“Survey? Saan po tayo this time, ’Pa?” tanong ko. Palagi naman kaming nagkakaroon ng survey, every year ay limang beses naming ginanahan iyon, lalo na sa farm namin or sa working place ng farmer. Para na rin malaman ng lahat ang background nito. Advantage na rin iyon para mas gumanda ang reputation ng farm namin.
Dinadayo kasi kami ng mga agriculturist and from university pa ang iba. Professional din sila.
“Sa factory ng pamilyang Belgica,” mabilis na sagot ni papa at tiningnan ko agad si Zilla. Tama ba ang narinig ko? Sa place ng lalaking iyon?
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
Storie d'amoreGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...