CHAPTER 32

10.1K 97 4
                                        

Chapter 32: He’s Gone

“ELJEH. . . Tumahan ka na. Magpapaliwanag ako sa fiancé mo,” sabi ni Sydney at pilit niya akong pinapatahan.

“Huwag mo akong kausapin!” sigaw ko pa sa kaniya. Paano kasi iyak nang iyak ako. Parang baliw kanina na napapatingin sa ’kin ang mga tao. Noong paalis na ako sa hotel ay nakasunod na pala agad siya at siya mismo ang nag-uwi sa akin pabalik sa condo ko.

Dumiretso agad ako sa kama at umiyak nang nakadap. Binaon ko pa nga ang mukha ko sa unan ko. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Naghalo-halo pa at nahihirapan lamang akong huminga.

Hindi ko alam kung bakit kami umabot sa puntong ito. Nang hindi naman ako aware ay pinagdududahan na pala ako ni Azul. Ni hindi man lang siya nagtanong sa ’kin.

Paano kaya sila nagkakilala ni Snow? Bakit ngayon lang sumulpot ang babaeng iyon?

“Eljeh. . . Nakalimutan kong sabihin sa ’yo na gusto ni Snow na magbakasyon sa villa ninyo.” Hinampas ko siya sa dibdib niya nang sinusubukan niya akong yakapin.

“Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na sabihan ako na cheater, eh siya itong cheater! Pûtàng-ina niya! Màmatay na siya! Màmatay na sila ni Snow!” galit na galit na saad ko at napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit nito. Sumisikip ang dibdib ko at ang hirap. . . Ang hirap huminga.

“Eljeh. . .”

“A-Ang sakit niyang mahalin. . . S-Sobrang sakit, Sydney. . . P-Parang pinapatay ako ng sakit. . . A-Ang unfair niya. Iba na pala ang iniisip niya sa ’kin pero hindi man lang siya nagsabi. . . T-Tapos ikaw. . .” sumbong ko at sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Kinabig niya lang ang ulo ko at dinala sa dibdib niya.

“Everything is gonna be alright, Eljeh. Maaayos pa naman siguro ang relasyon ninyo. Mahal mo nga talaga ang lalaking iyon kaya ka nasasaktan ngayon.”

“Oo mahal ko siya! Mahal ko ang tàng-inang iyon pero hindi na! Hindi na ako makikipagbalikan pa sa kaniya! Baka sa mga oras na ito ay nag-s-sèx na sila! Nakadidiri sila ni Snow!” umiiyak na sigaw ko. Ang isipin ko pa lang na may kasiping na ibang babae si Azul ay parang hindi ko na kaya. Sobrang sakit. . .

Ang mga bagay na ginagawa niya ay iyon din ang pinaparamdam niya sa babaeng malandi na iyon! Sa pûta na iyon!

“H-Hindi naman siguro magagawa niyan ng fiancé mo kung talagang mahal ka niya, Eljeh.” Pinagtatanggol pa niya ang hudas na iyon! Ang sarap ipalasap sa leon!

“Magagawa niya, Sydney! Magagawa niya iyon dahil inakala niya na niloloko ko rin siya kaya gusto niyang gumanti! Tàng-ina niya! Gumaganti pa ang hudas na ’yon!” umiiyak na sambit ko pa.

Iniyak ko lang ang sakit ng nararamdaman ko. Isang araw ko lang ginawa iyon at kung ano-ano na ang ginagawa ni Sydney para lang patahanin ako. Wala rin naman siyang nagagawa pa kundi ang panoorin akong humahagulgol.

One week akong nag-stay roon at sa mga nakalipas na araw ay parang lutang na lutang ako. Tila naging robot ako at walang gana pa sa lahat ng bagay.

Nang sinabi ko kay Sydney na uuwi na ako sa Philippines ay sumama siya. Siya pa ang bumili ng plane ticket ko. Hinayaan ko na lamang siya. Mas mabuti na siguro ang may kasama ako. Wala pa rin ako sa sarili ko.

Halos hindi ko na nga rin namalayan pa ang paligid. Nakatulog naman ako sa eroplano at ginising ako ni Sydney. Hanggang sa makauwi kami sa Sta Rosa. Si mama ang sumalubong sa akin. Yumakap agad ako at umiyak sa dibdib niya. Tila isa akong bata na nakahanap na ng kakampi at ang sarili kong ina.

“Darling. . .” Pumiyok pa ang boses ni mama. It seems may alam na rin sila sa nangyayari kahit wala pa akong sinasabi.

“M-Mama. . . A-Ang sakit po. . . Ang sakit po ng p-puso ko. B-Bakit ganito kasakit, ’Ma?” tanong ko na may kasama pang paghikbi. Umuulap na nga ang paningin ko. Hinalikan lang ng aking ina ang noo ko at naramdaman ko ang pag-uga ng balikat niya.

His Ideal Girl (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon