Chapter 44: Snawie & Shonie
“BAKIT walang signal dito sa inyo?” walang emosyon kong tanong kay Azul. Abala pa rin siya kay Wez na umiinom ng gatas.
Ang dami na nga itong nakain na pancake pero subo pa rin nang subo. Hangga’t kaya pa niya talaga ay sige lang siya nang sige sa pagkain. He knows his limit naman.
“Uhm. Nasira iyong ano,” magulong sagot niya at tinitigan ko pa siya. Iniiwas niya ang mga mata ko na tila may itinatago siya. Ano’ng masira?
“Kailan naman hihinto itong ulan? Kahapon pa ito. Kailangan ko nang ma-survey iyong factory ninyo. Hindi kami puwedeng magtagal dito ni Wez. May mga naiwan pa akong trabaho sa farm,” sambit ko pa.
Hindi muna siya sumagot at tinitigan pa niya si Wez. Nang hindi niya ito nasusubuan ng pancake ay kinukulbit siya o kaya naman ay hinihila pababa ang damit niya.
“Hindi mo pala napanood ang TV news? May typhoon, tatlong araw o baka abutin ng isang linggo ang ulan bago ito titila. Kahit titila pa ang ulan ay masama pa rin ang panahon,” paliwanag niya at napahilot ako sa sentido ko.
“Nananadya yata ang ulan, eh. Wrong timing, tsk,” reklamo ko.
“Puwede naman kayong manatili rito ni Wez pansamantala,” sabi niya at masungit na binalingan ko siya. Nag-iwas na naman siya nang tingin.
“Pabor ito sa iyo, eh. Tang—” Hindi ko na natapos ang pagmumura ko dahil sa inosenteng pagsulyap sa akin ni Wez. Baka gagayahin na naman ako ng batang ito. Nagtaas-baba pa ang kilay niya. Alam kasi niya na magmumura na naman ako.
Nagsisimula na naman akong mainis. Gustong-gusto ko nang umuwi. Ayokong mag-stay sa bahay niya at ayokong magtagal pa kami rito ni Wez. I remained silent na lang.
“Hindi man araw-araw na nakangiti
Ilang beses na rin tayong humihindi.
’Di na mabilang ang ating mga tampuhan, away-bati natin ’di na namamalayan, heto tayo.” I glanced at my son, kumanta na naman siya kahit hindi nahihirapan siyang bigkasin ang mga katagang iyon.“Ano na naman ang trip mo, Wez? Nananadya ka bang bata ka?” tanong ko at tinaasan ko pa siya ng kilay.
“'My, ano po ang kasalanan ko? Kumakanta lang naman po ako,” salubong ang kilay na sambit niya.
Nahuli ko pa ang pagtaas ng sulok ng mga labi ni Azul. Gusto ko tuloy kurutin ang pisngi niya o kaya naman kalmutin. “Ngunit sa huli, palagi babalik pa rin sa yakap mo. Hanggang sa huli, palagi pipiliin kong maging sa ’yo. Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong iyo ako palagi.”Gusto kong takpan ang tainga ko. Nakaiinis. Naiinis ako sa sarili ko dahil parang ako pa rin ang galit kahit mukhang nakaaawa na ang others diyan. Nakaiinis na talaga, psh.
Naalala ko na hindi pa ako nakaligo simula pa kahapon. Nahihiya akong magtanong kung may extra pa ba siyang damit. Pero mas nakahihiya kapag wala pa rin akong ligo.
Kaya noong nag-aya si Wez na maglaro ay roon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-explore sa room niya. Malaki siya at napaka-manly nito. May walk-in closet pa ang hudas.
Pünyeta talaga. Akala ko pa naman ay isa lang siyang ordinaryong hardinero sa villa namin. Tapos nagbebenta pa siya ng gulay at isda sa palengke. Tapos buhay senyorito pala ang gágo. May sariling kuwarto at may walk-in closet pa.
Pinasadahan ko ito nang tingin. Ang dami niyang damit dito at may mga coat pa. Hindi halata na mahirap lang siya. Kaya naman pala kakaiba ang kutis niya. Nagsalubong ang kilay ko. May damit pambabae siya? Ha?
Kumuha ako ng isang dress, manipis siya pero hindi cheap ang tela. I checked the size. May babae yata ang lalaking iyon at coincidence na magkasing size rin kami? Napailing na lamang ako at naghanap ako ng maisusuot ko. Akala ko ay puro dress lang pero may mga pambahay rin pala.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...