CHAPTER 2

3.6K 50 0
                                    

Chapter 2: Hardinero

“YOU’RE so maarte naman, dude,” puna ko sa kaniya and I heard him hissed. Of course hindi ko siya sinunod pero bahagya niyang binaklas ang mga braso ko para hindi ako makakapit sa kaniya nang mahigpit.

I snorted again and ang dulo na lang ng shirt niya ang hinawakan ko. Muntik pa akong mahulog dahil pinabilis niya ang pagpapatakbo. Namilog pa ang mga mata ko dahil narinig ko ang pagkapunit ng fabric nito. Awtomatikong pinahinto na naman niya ang pagpapatakbo.

Binitawan ko iyon. Nakita kong napunit ko nga! Hala, hindi ko naman sinasadya!

“Ikaw na nga ang nakikisakay ay pupunitin mo pa ang damit ko?” walang emosyon na tanong niya. Nagpakawala ako nang hangin sa bibig.

“I am sorry. Babayaran ko na lamang—”

“Hindi ko kailangan ng pera mo. Tsk.” Ang sungit niya masyado. I can’t tell if gentleman siya.

“Bakit kasi ang arte mo? Mas better na ang mapunit iyang shirt mo. Kaysa naman ang mahulog ako, ano?”

“Ang daldal mo.” Sumimangot ako. Hinawakan niya ulit ang pulso ko at inikot niya iyon sa baywang niya. “Kumapit ka nang mahigpit.”

Sinupil ko na lang ang ngiti ko at sinunod ang gusto niya. Inayos ko ang beanie ko sa ulo nang makarating na kami sa bayan. Gusto ko sanang bumaba na lang hanggang dito pero parang ayaw na rin ng katawan ko na gumalaw. Komportable na kasi akong nakaupo rito. Ewan ko rin kung bakit mas nagustuhan ko na kayakap ang estranghero na ito.

Sa kalagitnaan nga ay may mga tao ang humarang sa harapan namin. Mabagal na ang pagpapatakbo niya kasi marami ngang mga paninda ang mga ito na halos wala na ring daan. As usual ay makulay pa rin ang paligid.

“Azul! Hala, may dinala kang babae mula sa Manila?!”

“Nagtanan kayong dalawa? Kaya naman pala nakita kitang nagmamadali kanina at ang bilis mong magpatakbo ng kabayo mo.”

Mabilis kong inilipat ang mukha ko sa right side kasi tiningnan nila ang mukha ko. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nila. Ano raw? Nagtanan kaming dalawa? Uso pa ba ang ganoon?

Grabe sikat pala siya rito at marami siyang kakilala.

“Mukha namang maganda ang mapapangasawa mo, Azul. Aba, ang kinis ng kutis niya at mukhang. . . mahihirapan kang buhayin siya. Laki yata sa layaw.” Nalukot ang ilong ko sa narinig kong sinabi nito.

“Hindi ko makita ang mukha.” Itinukod ko na lang ang noo ko sa matigas niyang likod. Kasi lumipat sila roon, eh. Inayos ko pa ang buhok ko para takpan ang magkabilang cheek ko.

“Hindi ho. Isa lang siyang dayo. Ihahatid ko siya roon sa Villa Ciesta,” magalang at mahinahon na saad niya. Hindi siya affected. Samantalang ako ay binundol na ako nang kaba sa dibdib. It seems may butterfly rin sa tummy ko.

Never kong naisip na sumama sa isang lalaki para lang makipagtanan. Like ew, wala iyon sa isip ko.

“Isang dayo?”

“Villa Ciesta? Hindi naman sila tumatanggap ng mga bisita kung walang okasyon ang pamilyang Ciesta. Maliban na lang siguro kung siya ang señorita nina Señor Eldino at Señora Certiza.” Pangalan iyon ng beloved parents ko. OMG, dapat surprise lang ang pagdating ko. Baka maunahan nila ako kapag may nakaalam about my arrival.

“Please, let’s go,” I whispered and pinching his back a little bit.

“Aalis na po kami.”

“Nagmamadali kayo?”

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon