Chapter 18: Ang katotohanan
NAG-DRIVE thru lang kami ni Azul at siya ang bumili ng baon namin pauwi. Yeah, baon namin. Ako na sana ang magbabayad nang pinigilan niya ako. Inunahan niya ako na maglabas ng pera, eh. Take note, ang pera niya ay naka-wallet pa. Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan ko na siya sa gusto niya.
Ibinigay niya rin iyon sa akin. Napangiti ako nang maamoy ko ang masarap na pagkain. Ayie. Fried chicken, na isang box ang binili niya na kasyang-kasya ang limang tao pero madamot ako. Ayokong mag-share nito lalo pa na mula sa crush ako. May burger, fries, spaghetti and rice rin. May softdrinks and bottled water.
Kumuha ako ng isang fried chicken at inilapit ko iyon kay Azul para pakainin din siya nito kasi busy na ulit siya sa pagmamaniobra ng sasakyan namin.
“Ayaw mo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Pakipot, eh.
“Mamaya na ako kakain. Kapag malayo na tayo sa city at saka nagmamaneho pa ako,” sagot niya at tinanggihan pa niya talaga agad ang pagkain. Sinimangutan ko siya.
“Pakipot ampüta,” bulong-bulong ko na hindi nakatakas sa pandinig niya. Napadaing naman ako nang nanakit ang putok sa labi ko. “Pünyeta ka talaga, Azul! Tang-ina mong hudas ka! Ang sakit ng labi ko!” nanggigigil na saad ko at sinuntok ko ang hita niya dahilan na gumewang ang kotse kasi nakabig niya ang manibela.
Pero hindi man lang ako natakot kahit na muntik na itong sumidsid sa malaking truck. Nasa side ko pa nga.
“Eljehanni!” Bumungisngis lang ako sa naging reaction niya. Hindi ko na rin siya pinansin pa at inubos ko na ang fried chicken na ketchup ang pinili ko para isawsaw ito.
“Nakasahod ka na ba kay Papa, Azul? Kaya ikaw ang nagbayad nito?” I asked him.
“Sa susunod na buwan pa ang sahod namin sa bukid,” sagot niya na naging kalmado na rin ang boses niya.
“Wow. Ako dapat ang magbabayad kasi may pera naman ako—”
“May pera rin naman ako. Ano naman kung ako mismo ang magbabayad nito?” iritadong tanong niya. Kung sabagay parang naapakan na rin ang ego ng mga lalaki kapag ang mga babae mismo ang magbabayad ng mga pagkain nila.
“Kasi po ang mga magsasaka ay alam kong nagtitipid. Tama ako, ’di ba?” katwiran ko at sinulyapan ko pa siya na salubong na ang makapal niyang kilay.
“Hindi ako nagtitipid. May sapat akong pera para may laman ang sikmura mo.” Sa pagkagat ko ng chicken ay pati dila ko. Dahil iyon sa sinabi niya kasi nagulat ako. ”Ayos ka lang?” Hindi ko sinagot ang tanong niya.
May sapat na pera raw siya para may laman ang sikmura ko? Ha? Gágo! Kinikilig ang bulate ko!
“Ano naman ang ibig mong sabihin diyan, aber?” supladang tanong ko pa rin at naniningkit pa ang mga mata ko. “Shock naman ako riyan, oy,” dugtong ko pa. Nang pinabilis niya ang pagmamaneho ay napahawak ako sa plastic bag na parang pinoprotektahan ko ito. Pakiramdam ko ay mahuhulog sila. Sayang naman ang mga ito. “Azulenzure! Dahan-dahan naman!” Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kong nag-t-take over na siya sa mga kotseng mas nauuna kaysa sa amin. “Púta! Kaskasero ka pala, eh!” bulalas ko.
Parang ma-h-heart attack ako sa takot. Bumagal lang iyon nang makaalis na rin kami sa city at patungo na nga kami sa probinsya namin. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at pinakalma ko ang tibok ng puso ko na sobrang bilis ng heartbeat nito. Natataranta ako.
“Bakit ba ang hilig mong bigkasin ng buo ang pangalan ko?” kunot-noong tanong niya.
“Wala. Trip ko lang. Pake mo?” pambabara ko sa kanya. Pinisil niya ang tungki ng ilong niya at umiling lang din sa huli.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...