CHAPTER 33

11.2K 129 8
                                        

Chapter 33: The break-up

“ANO’NG ginagawa mo rito?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Siya nga. . . Siya nga ang nakikita ko sa mga oras na ito. Napahawak ako nang mahigpit sa bestida ko at napatitig ako sa mukha niya.

Yumuko ako at pinunasan ko ang mga luha ko. Akala ko ay hindi ko na siya makikita pa. Nag-angat ulit ako nang tingin sa kaniya. Mula sa likuran niya ay ang tuluyan nang lumubog ang araw at kulay kahel na rin iyon.

“I just want to talk to you,” mahinang wika ko.

“May dapat pa ba tayong pag-usapan? Hindi ba malinaw na sa atin na wala na tayo?” malamig na tanong niya at humakbang siya palapit sa akin. Kung sabagay, ang mga katagang iyon ay pareho ko na ring binitawan. May pag-uusapan pa nga ba kami ni Azul? Malinaw na sa aming dalawa ang totoong nangyari.

Ngunit iyon lang? Iyon lang ang sasabihin niya at idadahilan na niya agad iyon? Iyon lang talaga?

“B-Bakit napakadali sa ’yo. . .na pakawalan na lang ako, Azul?” tanong ko na nabasag pa ang boses ko. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko.

Dapat galit ako. Dapat galit na galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya. Pero nang makita ko ulit siya ay lumambot lang ang puso ko. Parang gusto kong itapon ang sarili ko para yakapin niya nang mahigpit. Gusto kong magsumbong na nasasaktan ako. Pero para saan pa iyon kung wala na kami?

“Niloko mo ako, Eljehanni. . . Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para madali lang sa ’kin na pakawalan ka? Ikaw na rin ang nagsabi na hindi ka nagbibigay ng pangalawang pagkakataon,” mahabang pahayag pa niya at ramdam ko ang hinanakit sa timbre pa lang ng boses niya.

Bakit nga ba kailangan naming masaktan nang ganito? Kung puwede namang aysuin ang gulong ito? Pero paano rin kung tiwala namin sa isa’t isa ang nawala? Paano namin maayos iyon?

“G-Ganoon lang? I-Iyon lang at kaya mo na a-akong. . . Pero b-bakit mo n-nagawa iyon? B-Bakit si Snow pa?” sunod-sunod na tanong ko. Nag-iwas siya nang tingin.

Nakatayo lamang kaming dalawa sa tapat ng kanilang bahay at nagsisimula na ring dumilim ang paligid. Ang bestida kong sinasayaw na rin ng hangin. Ang buhok ko na wala na sa ayos nang pagkakatali nito.

“Ikaw? Bakit nagawa mo rin iyon sa ’kin?” he fired back.

“Tiwalang-tiwala ako sa ’yo, Azul. Malaki ang tiwala ko sa ’yo at ikaw lang ang minahal ko nang ganito. . . Pero ikaw. . .ni hindi mo ako pinagkatiwalaan at mas naniwala ka pa sa ibang tao kaysa sa akin,” may hinanakit na saad ko. Nag-uulap na ang paningin ko. Sunod-sunod ba naman ang pagpatak ng mga luha ko.

“Mas mabuting kalimutan mo na rin ako. Hindi na ako. . .babalik pa rito at oo nga pala. Gusto ko lang sabihin sa ’yo na hindi ako seryoso kay Isabella. Niligawan ko lang siya para sa lupain at kapag naging asawa ko siya. Maaaring mapasakamay ko ang lupa nila.” Nagulat naman ako sa biglaan niyang pag-amin tungkol doon. Parang ang hirap i-process sa utak ko.

Hindi siya seryoso at ginamit niya lang si Isabella para sa sarili niyang hangarin? Para sa lupa?

“W-What? What are you—”

“Katulad mo rin ako, Eljehanni. Marami akong pangarap bilang isang agrikultor at utos iyon ng aking abuelo. Magpapanggap ako na isa lang magsasaka pero may iba akong layunin,” saad pa niya na tuluyang tumigil ang pagpatak ng mga luha ko.

Natatakot ako sa susunod pa niyang sasabihin. Lalo na kapag kasama ako sa plano niya.

“Bakit mo sinasabi ito sa akin?” walang emosyon na tanong ko.

His Ideal Girl (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon