Chapter 40: Face off & stuck
ELJEHANNI's POV
"ANAK ko nga siya kung ganoon. Ako ang ama niya," mariin na sambit niya at diretso talaga siyang nakatitig sa mga mata ko. Parang gusto ko siyang sakalin sa sobrang galit ko sa kaniya. Tang-ina niya. Ang kapal ng face ng de pungal na ito.
Wala akong balak na sabihin kay Azul ang katotohanan na anak niya si Wez. Dahil ang gusto ko nga ay itago na lamang iyon habang-buhay dahil wala naman talaga akong balak na ipakilala siya kay Wez bilang ama nito.
Hindi uso sa akin ang pagbibigay ko ng second chance sa mga taong malaki ang naging atraso sa 'kin. Isang pasakit ang ibinigay noon ni Azul kaya hinding-hindi ko siya mapapatawad. Bigyan pa ng second chance ay napakaimposible na.
"I told you na wala kang karapatan-"
"Anak ko siya. May karapatan ako kay Wez," matigas ang boses na saad niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at kahit nasa kandungan pa niya ang anak ko ay nagawa ko siyang sampalin.
Sa sobrang lakas niyon ay pati ang palad ko ay humapdi. Nag-iwan pa nang bakas sa kaniyang pisngi at pulang-pula na ito.
"Pütang-ina mo! Wala kang anak sa akin! Kung may anak ka man ay hanapin mo sa babae mo!" sigaw ko at marahan na gumalaw si Wez. Tinakpan niya ang tainga nito at mas sinubsob ang mukha nito sa kaniyang dibdib para hindi tuluyang magising.
"Ikaw lang ang babae ko, Eljehanni," may diin na sambit na naman niya. Natawa na lamang ako sa kasinungalingan niya.
"Nagpapatawa ka ba? Ako lang ang babae mo? Gusto mong paniwalaan kita gayong nakita ko sa akto ang katarantaduhan na ginawa mo?! Kayong dalawa ni Snow ang sumira sa tiwala ko. So, gusto mong paniwalaan ko na ako lang ang babae mo? Na pinagbintangan mo akong may lalaki ako noon! Tang-ina mo! Ang kapal-kapal ng mukha mo!" Halos maputol ang ugat sa aking leeg dahil sa pagsigaw ko. Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay parang maiiyak pa ako.
"Mag-usap tayo na wala si Wez dito, Eljehanni," mahinahon na sambit niya. May kaba pa sa boses niya.
"Wala tayong pag-uusapan, Azul. Matagal na tayong tapos." May diin ang bawat salitang lumalabas mula sa aking bibig
"Ako. Hindi pa ako tapos sa 'yo," he said at muli akong natawa na may pang-aasar sa boses.
"Matagal na tayong tapos," sambit ko.
"Bago mo ako husgahan ay puwede bang pakinggan mo muna ang paliwanag ko?" nakikiusap na tanong niya. Nasampal ko lang ulit siya. Mariin pa siyang napapikit at bayolenteng napalunok.
"Noong ako ba ang nakiusap niyan ay hinayaan mo ba akong magpaliwanag? Ni hindi mo rin ako pinakinggang noon, 'di ba? Tapos ano na naman ang plano mo ngayon? Gusto mong paikutin mo ulit ako sa mga palad mo, ha?" Mas naging kalmado ako pero nasa boses pa rin ang malamig na pagtrato ko sa lalaking ito. Dapat lang na malaman niya na galit na galit ako.
"G-Gusto kong. . .bumawi sa 'yo, Eljehanni," sabi niya at huminga nang malalim.
"Hindi na kailangan. Para saan pa ang pagbawi mo gayong may nasira ka na, Azul? Hindi na ako uto-uto pa, hindi na rin easy to get. Na kapag manliligaw ka ulit ay sasagutin pa kita. Sinabi ko na sa iyo noon na wala sa vocabulary ko ang pagbibigay ng second chance sa mga taong nagkasala sa akin. Dapat tinatak mo iyan sa lintik mong kukote," walang emosyon na usal ko.
Sinubukan ko nang kunin si Wez. Umungot ang anak ko at kumapit lang lalo nang mahigpit sa damit niya.
"Saka mo na siya kunin kung gising na siya," mahinang wika niya. Umikot ang eyeballs ko.
"Hindi ako komportable na may ibang tao ang humahawak sa anak ko," supladang saad ko at nang hinawakan ko sa braso nito ay tinanggal lang ni Azul ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomansaGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...
