CHAPTER 29

2.4K 24 0
                                    

Chapter 29: Marriage proposal

WALANG cellphone si Azul. Kaya hindi na ako nakapagpaalam pa. Kailangan na rin namin kasi na umalis agad bago pa man siya makarating sa villa.

Natatakot kasi ako na baka magkita sila ni Sydney. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na may ex-boyfriend ako at ang worst pa ay nandito sa villa namin. Bago pa lang ang relasyon namin at ayokong masira agad iyon.

“I guess, hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo? May boyfriend kang on and off ang relationship?” Binalingan ko si Sydney nang magsalita siya.

Lulan na kami ng sasakyan niya at kasalukuyan na ring bumibiyahe. Nasa likuran namin ang sasakyan ni papa. Doon na rin ako sasakay pauwi.

“Sumama rin ako sa ’yo para magkaroon na tayo ng closure at tuldukan kung ano man ang mayroon sa atin, Sydney. Mahal ko ang boyfriend ko. Hindi ko pa nasabi sa kaniya ang tungkol sa ’yo dahil natatakot ako na baka pag-awayin namin,” mahinahon na saad ko. Halos hindi ako makatulog nang nasa villa pa siya. Kabado ako masyado.

“Sa ginagawa mo ay baka magalit siya dahil pinaglilihiman mo na siya, Eljeh. Alam mo naman pagdating sa relasyon, ang mas mahalaga ay ang tiwala at wala kayong sekreto sa isa’t isa. Ang mga bagay na kailangan niyang malaman ay sana mas maaga pa lang ay masabi mo na,” sabi pa niya.

“Well, labas ka na roon,” mahina kong usal. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim.

“Naging parte ka ng buhay ko, Eljeh. Concern lang naman ako sa ’yo,” aniya. I just shrugged my shoulders.

Nanahimik na rin kami after that hanggang sa makarating na kami sa Manila. May sarili siyang condominium at dito siya nag-stay. Nasa Cebu ang family niya pero dahil sa ’kin ay pumunta pa siya rito para bisitahin lang ako.

Bumaba na rin kami pareho pagkatapos kong pasadahan nang tingin ang condominium na tinutuluyan niya.

“So. . . Hanggang dito na lang tayo?”

“Yeah. You know what, Eljeh?” Napataas naman ang kilay ko. Namulsa siya at matiim niya akong tinitigan. “Kung binago ko ba ang sarili ko noon ay may posibilidad ba tatanggapin mo ulit ako sa buhay mo?”

“Ano naman ang ibig mong sabihin?” tanong ko na may kuryusidad sa timbre ng aking boses. “Don’t tell me mahal mo na ako? Sydney, alam mo naman kung ano tayo at ikaw ang pumili sa relasyon natin. Hindi ako,” walang emosyon na sabi ko. Tumango lang siya saka siya dahan-dahan na lumapit.

Ikinulong niya ako sa mga bisig niya. “Hindi naman kita pipilitin, Eljeh. Lilipas din ang nararamdaman ko. Sige na. Mag-ingat kayo sa biyahe ninyo,” wika niya at hinalikan pa niya ako sa noo.

“Take care din,” ani ko at ngumiti lang din siya. Hindi naman siya mukhang malungkot.

“I’m happy for you, Eljeh.” Binuksan niya ang pintuan sa backseat saka niya ako inilalayan na makasakay.

Magiging maayos naman ang lalaking iyon. Alam ko na strong ang tengene na iyon.

Kahit kagagaling pa namin sa biyahe ay tumuloy pa rin ako. Binilhan ko na lang ng makakain ang family driver namin. Pero hindi ko naman aakalain na makatutulog pala ako. Siguro dahil maaga akong gumising kanina.

Naalimpungatan lang ako nang may may mainit na kamay ang humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong napadilat at nakita ko ang mukha ng guwapo kong boyfriend. Ngumiti siya at saka niya ako binuhat. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami tapos nasa kotse pa rin ako.

Pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya at sumandal ako sa matigas niyang dibdib.

“Hindi mo sinabi sa ’kin na maaga kang aalis papunta sa Manila para ihatid ang bisita ninyo.” Sa tono ng boses niya ay mukhang wala naman siyang galit kahit na umalis ako nang hindi ako nagpaalam sa kanya.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon