Chapter 34: Meeting his son
PAG-UWI namin sa villa ay nakaabang na agad sina mama at Nanay Lore. Halatang kami ang hinihintay nila. Sa greenhouse namin ay nandoon din si papa at Tatay Jerome. Naglalaro na naman yata sila ng chess board, madalas na nilang gawing panlibangan ’yan. Simula nang i-turn over ni papa sa akin ang posisyon niya na mag-manage ng farm namin ay hindi ko na siya pinagtrabaho pa.
Madalas na siyang nasa villa o kaya naman ay pumupunta sa Manila to unwind, of course kasama niya si mama at nagbabakasyon din sila sa ibang bansa. Matanda na ang parents ko kaya mas mabuti na ang nag-r-relax na lamang sila sa villa namin at mag-enjoy. Sila ang madalas na kasama ng apo nilang si Wez habang wala naman ako.
Si Wez ay kilala naman ng mga tao kung sino siya at kung sino ang kaniyang ina pero dahil na rin sa malaki ang respeto nila sa aking papa ay hindi iyon naging tsismis dahil alam din nila kung sino ang naging boyfriend ko four years ago.
Buhat-buhat ko ang anak ko at tinatakot ko na siya sa lola niya.
“Haya. . . Haya,” sambit niya nang namaywang na rin si mama. I chuckled.
“'Ma! May bitbit pong maliit na kabayo ang apo ninyo!” pasigaw na sumbong ko kay mama at mabilis na tinakpan ng aking anak ang bibig ko gamit ang maliit niyang palad.
“Eljehanni! ’Wag ako sumbong kay mama!” halos maiyak na sabi pa nito.
“See, mama? Tinatawag po niya ako sa pangalan ko!” reklamo ko at naramdaman ko na lang ang pagbaon ng mukha niya sa leeg ko na tila ba gusto niyang magtago at huwag na siyang makita pa ng lola niya. Hinagod ko ang likuran niya.
“Wez, she’s your mom. How dare you call her by her name?” sermon ng aking ina pero hindi naman tunog na nagagalit.
“Oh, ’ma. Paluin niyo sa puwet niya. Dali po.” Pabiro ko pang iginiya ang maliit na katawan ni Wez at tinakpan na nga niya ang hips niya.
“'Wag po, mama ko! Yab ka ni Wez!”
“You should call her mommy, Wez. Lola ang tawag mo sa amin ni Nanay Lore,” ang mahinahon na sabi ni mama at hinalikan niya ito sa balikat.
“Amoy araw ang sutil na batang ito, ’ma. Kaya paliguan ko po muna sa itaas. Nanay Lore,” paalam ko sa kanila.
“Oh siya.”
“Batiin mo sila, hon,” sabi ko kay Wez at itinuro ko ang nasa greenhouse namin.
“Hi, Papa and Yoyo Rom!” bati niya kina papa at Tatay Jerome. Kumaway pa siya kaya ngumiti ito sa amin.
Dinala ko na sa room namin si Wez para makaligo na rin siya. Nagtagal lang kami sa bathtub kasi super kulit niya nga. Binihisan ko rin agad siya at tinali ko ang long hair niya. Puwede talagang maging girl ang anak ko pero siyempre mas gusto ko pa rin ang real gender niya.
“My first baby boy,” I uttered and smiled at him. Ngumuso siya para senyales na gusto niya ng kiss kaya iyon ang ginawa ko. Bumaba rin kami para magtimpla ng gatas niya.
Pagbaba nga namin ay agad siyang kinuha ni mama. Madalas siya talaga ang nag-aalaga o kaya naman si Nanay Lore. Busy rin kasi ako masyado sa farm at hindi ko naman puwedeng isama roon ang anak ko kasi alam kong mababagot lamang siya roon sa kahihintay na matapos ako at hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko. Dapat palagi akong nakabantay.
In the next day ay bumiyahe ako sa Manila dahil may meeting akong dadaluhan. Isa sa partnership ng farm namin. Isang factory kaya dapat present ako. Hindi naman umiiyak si Wez kapag umaalis ako. Basta nagpapaalam ako sa kaniya. Kaya niyang maghintay sa pagbabalik ko, basta rin na palagi siyang updated sa nangyayari sa ’kin. Ayaw niya kasi iyong wala akong paramdam. Nalulungkot siya.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomansaGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...