CHAPTER 47

2.9K 48 2
                                    

Chapter 47: Meet the family

ELJEHANNI's POV

SA KALAGITNAAN nang mahimbing na pagtulog ko ay nakaramdam ako nang panlalamig at halos mag-fetus style na nga ako. Nanginginig ang katawan ko at wala man lang akong maramdaman na mainit na bagay.

Dinig na rinig ko pa rin ang malakas na pagpatak ng ulan mula sa bubong ng bahay.

"W-Wez. . . Honey. . ." tawag ko sa anak ko dahil gusto ko siyang yakapin. Naramdaman ko rin na may naglagay ng malambot na bagay sa noo ko at pagkatapos niyon ay minasahe pa ang talampakan ko. Mainit na kamay ang humawak niyon at alam ko rin na malamig ang mga paa ko.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na lamang ang mahigpit na pagyakap sa akin at doon lang naibsan ang panlalamig ng katawan ko. Idinikit ko pa sa mainit na bagay na iyon ang pisngi ko at higit akong sumiksik pero nang maramdaman ko na tila mayroong humalik sa sentido ko ay naalala ko kung sino ang kasama namin ng anak ko.

Mabilis ko siyang tinulak at nagmulat agad ako ng mga mata. Nasa tabi ko nga ang hudas! Babangon pa lamang ako pero nakaramdam ako nang pagkahilo.

"Táng-ina," malutong na pagmumura ko at napahawak ako sa sentido ko. Marahan kong hinilot ito.

"Huwag ka kasing gumalaw, tsk," sabi niya.

"A-Ano ba ang ginagawa mo? B-Bakit ikaw na ang nasa tabi ko? Nasaan na si Wez?" tanong ko at nagpalinga-linga sa paligid dahil hindi ko nakikita si Wez. "Wez. . ."

"Natutulog siya," sabi pa niya at muli akong niyakap kaya nagpupumiglas ako.

"Wez! Wez!" sigaw ko. Na parang gusto kong depensahan agad ako ng bata. Ayoko talagang mapalapit pa ako kay Azul. Naiinis pa rin ako.

"Ang ingay mo naman, Eljehanni. Natutulog ang anak natin," mahinang suway niya at nagawa pa niyang pisilin ang pisngi ko. Kaya malakas ang pagtabig ko roon.

"B-Bakit ba kasi nakayakap ka?! U-Umalis ka nga! Huwag kang masyadong dumikit!" sigaw ko at pinagpapalo ko na siya sa dibdib. Hinuhuli niya iyon para hindi ko siya masaktan.

"Aray!" daing niya nang tumama ang kamay ko sa ilong niya.

"Mommy, Papa? What's the matter?" narinig kong tanong ni Wez. Napa-English pa nga ang bubwit.

"Hayan, nagising na ang bata. Ang ingay-ingay mo," Azul uttered.

"Wez, come here, baby. P-Paalisin mo siya," aniko at itinuro ko pa si Azul.

Kahit nahihilo ako at medyo masakit ang sentido ko ay nakita ko pa rin ang hitsura niya. Magulo ang kaniyang buhok at mukhang inaantok pa rin. Kinusot-kusot pa niya ang mapupungay niyang mga mata.

"Si papa ko po iyan, Mommy. Bakit mo siya paaalisin?" tanong niya na may pagtataka sa timbre ng boses niya. Sumiksik pa siya sa gitna namin.

"I hate him. . . Ayokong nasa tabi ko siya, Wez. . . We're not bati naman! Ayoko sa presensiya ng papa mo! Naiinis pa rin ako sa kaniya!" reklamo ko at napasimangot siya.

"Why is that, mom? If ayaw mo sa papa ko ay bakit mayroon ako?" Natigilan tuloy ako sa tanong ng anak ko at nagulat sa tinuran niya.

Saan naman kaya niya nakuha ang ganoong salita na iyon? Seriously? Ang bata-bata pa niya para maintindihan iyon!

"Basta, Wez. . . P-Paalisin mo na siya," pakikiusap ko pa.

"Papa? Kahit love po kita ay ayaw ko naman pong magalit sa akin si mommy. So?" sabi pa nito at nahuli ko pa ang pagtaas ng mga labi ni Azul. Napakunot tuloy ang noo ko.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon