Chapter 31: Cheating
HINDI na ako nagpahatid pa kay Azul sa Manila dahil baka magbago pa ang isip ko at hindi ako matuloy sa States.
Nangako rin naman siya na gagawa siya nang paraan kung paano niya ako matatawagan. Simula nang naging kami ni Azul ay hindi kami gumagamit ng smart phone. Madalas naman kasi kaming nagkikita kaya ganoon.
Pagdating ko nga sa States. Paglabas ko pa lang na bitbit ang maliit kong maleta at ’saktong pagbukas ko ng phone ko ay may tumawag na sa ’kin na unregistered number.
“Hello?” Boses iyon ng fiancé ko!
“Babe! Na-miss ko agad ang boses mo!” sigaw ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
“Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone mo. Pero nakapatay,” sabi niya.
“Kalalapag pa lang ng sinasakyan naming eroplano, babe. Tapos ngayon ko lang nabuksan ang phone ko. Kaninong cellphone pala itong gamit mo?” tanong ko naman.
“Basta. Ngayon ay makahihinga na ako nang maayos. Dahil ligtas ka namang nakarating diyan. Tatawagan na lamang kita mamaya kapag nakauwi ka na sa condo mo, okay?” I nodded kahit hindi naman niya ako nakikita.
“Sure, babe!”
“Mahal kita. Ingatan mo ang sarili mo dahil pakakasalan pa kita,” hirit niya at effective iyon para kiligin ako lalo.
“Opo,” maikling sambit ko lamang saka ako pumara ng taxi at nagpahatid sa condominium.
***
Ngunit nagulat ako nang makita kong nasa condo ko si Sydney at ang mas masaklap pa ay may ginagawa silang milagro sa living room ko!
“Sydney!” Umalingawngaw sa apat na sulok ng aking condo ang boses ko at napahinto sa kanilang ginagawa ang mga malalandi.
“Eljeh?!”
“God! Fix your fvcking self, Sydney!” sigaw ko dahil wala siyang suot na kahit na ano.
Pinalabas niya rin ang babae pagkatapos nitong nagbihis at masama pa ang loob. Inirapan niya ako kaya nakatikim siya ng maluto kong mura. Sa huli ay siya pa rin ang napikon. Foreigner kasi ang bobita na iyon.
Basta ko na lamang iniwan sa sala ang maleta ko at nagtungo ako sa banyo para kumuha ng puwedeng pang-spray-an sa sofa ko.
“Eljeh!” sigaw ni Sydney dahil pati siya ay in-spray-han ko.
“Gàgo ka! Halos nangalahati na ang taon ay wala ka pa ring pinagbago, Sydney! Magkakasakit ka na niyan ng aids, for God’s sake!” sermon ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa batok niya. “Ano pala ang ginagawa mo rito sa condo ko, Sydney?” I asked him.
“Matagal na akong nandito, Eljeh,” he answered.
“Wala ka bang balak na mag-stay na for good sa Philippines at dito ka nagpapakasarap sa sèx?” naiinis na tanong ko. Napasabunot siya sa buhok niya.
“Kadarating mo lang ba, Eljeh?” pag-iiba niya ng topic.
“Sagutin mo ang tanong ko,” mariin na saad ko.
“Mayroon pero gusto ko pang mag-stay rito nang mas matagal. Alam mo naman na ayokong pinapangunahan ako palagi ni dad,” pahayag pa niya.
“Whatever. Bumalik ka na sa condo mo,” pagtataboy ko sa kaniya saka ako nagtungo sa kuwarto ko. Napangiti ako dahil naka-lock ito. Salamat naman at hindi siya nagdala ng babae sa room ko.
Friends pa rin naman kami ni Sydney at parang bumalik kami sa dati pero nakaiinis lang ang mga babae niya.
Paminsan-minsan pa rin naman kung pumunta rito ang isang iyon para lang manood ng movie. Abala na rin ako sa pag-aasikaso ko ng papers ko at ang pagtuturo ko.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomansaGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...