CHAPTER 42

2.3K 44 3
                                    

Chapter 42: Suspecion

BASANG-BASA na kami pareho ni Azul ng ulan. Dahil si Wez lang ang sinigurado niya na hindi ito mauulanan, na kahit isang patak lang ng tubig ay wala. Malamig nga dahil sa aircon ng mansyon nila pero dahil nakayakap siya sa akin ay napapalitan iyon nang init.

Ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dibdib na nakadikit sa likuran ko. Ang mga braso niyang nasa baywang ko at ikinukulong ako ng mainit niyang katawan at ang pamilyar niyang amoy.

“A-Alam ko kung gaano kita nasaktan noon. . . Pero hindi ba ako puwedeng bumawi sa inyo ni Wez, Eljehanni? H-Hindi ko ba puwedeng akuin ang responsibilidad ko sa anak natin? W-Wala n-naman akong ibang gusto pang hilingin. . . Kayo lang naman ni Wez. K-Kayo lang ang gusto kong m-makasama, Eljehanni. . . M-Mahal kita. . . M-Mahal pa kita at mas lalo kitang m-minamahal dahil i-ikaw ang ina ng anak ko. . . Eljeh. . . T-Tanggapin mo na ulit ako. N-Nakikiusap ako sa iyo. . . T-Tanggapin mo na ulit ako sa buhay ninyo ni Wez. . .” mahabang pakikiusap niya. Ramdam ko talaga sakit at hinagpis sa timbre ng boses niya.

May kung ano pa akong naramdaman sa dibdib ko dahil lang sa pagmamakaawa niya na tanggapin ko ulit siya. Hindi nga lang sa buhay ko, pati na kay Wez. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang mag-risk ngayon dahil may takot pa akong nararamdaman.

Iyong ginawa niya ay naka-t-trauma iyon. Wala siyang tiwala noon sa akin kaya umabot kami sa punto na kailangan din naming maghiwalay.

“I-I can’t. . . N-Natatakot pa ako. N-Natatakot ako,” humihikbing sambit ko.

Mayroon pa akong takot na nararamdaman at hindi ko pa talaga kayang sumugal kung alam kong masasaktan din ako sa huli.

Hindi naman kasi ako naniniwala na magtitino ang isang tao, nagkamali siya. Oo alam kong wala namang perpekto sa mundo at lahat tayo ay nagkakamali pero puwede namang iwasan iyon ni Azul. Pero ano ba ang ginawa niya? Sinaktan niya ako at doon nawala ang tiwala ko sa kaniya.

“Maghihintay ako. Hihintayin ko kung kailan mo ulit ako matatanggap, Eljehanni. . . Hayaan mo akong. . . Ligawan ka ulit sa tamang paraan.” Wala akong naisagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Pareho kaming umiiyak ngunit mayamaya lang ay kumalas siya mula sa pagkakayakap niya. Marahan pa niya akong pinihit paharap. Hindi na ako nakatingin pa sa mga mata niya dahil nakayuko na lamang ako. He hugged me again at ilang beses na hinalikan ang ibabaw ng ulo ko.

Hinang-hina ako sa mga oras na iyon at wala nang lakas pa para magprotesta.

Siguro sa pagod na rin mula sa mahaba naming biyahe ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako na nakahiga na sa kama at tulog pa rin sa tabi ko si Wez. Nakayakap na siya sa ’kin. Tapos iba na ang suot ko. Puting bestida na tinatali pa ang strap nito.

Sino naman kaya ang nagbihis sa akin? Imposible naman kung ang lalaking iyon, ’di ba? Maingat kong inilipat sa unan ang ulo ng baby ko. Hinalikan ko pa nang tatlong beses ang pisngi niya saka ako dahan-dahan na umalis sa kama.

Hindi ko pa napasadahan nang tingin ang kuwarto pero basta malaki siya tapos pamilyar ang amoy. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang banyo. Nagulat pa ako dahil alam ko na kung kanino ang silid na ito. Base pa lang sa mga gamit nito sa loob. I sighed. Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na rin ako pero ’sakto naman nang pagbukas sa isa pang pintuan.

Si Azul ang pumasok at nagtagpo agad ang paningin namin kaya iniwas ko ang tingin ko. Nagulat naman ako nang makita kong gising na rin ang aking anak.

Nakaupo na nga siya sa gilid ng malaking bed at nakatutok sa isang direksyon ang tingin niya.

Humakbang ako palapit sa kaniya at tinawag siya. Seryoso ang mukha niya nang ibaling ang tingin sa side ko. Magulo ang mahaba niyang buhok at humihikab pa siya.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon