EPILOGUE (1)

2.5K 30 0
                                    

EPILOGUE

AZUL’S POV

PANAY ang buntong-hininga ko habang nasa biyahe na ako at magtutungo ako sa Sta Rosa. Sa kagustuhan ng aking lolo ay pansamantala ako titira sa bahay ni Lola Molai.

Tatlong buwan na rin ang nakararaan nang magpasya ang lola ko na iwan si lolo dahil hindi niya nagustuhan ang inuutos nito sa akin. Wala naman akong magagawa pa kundi ang sumunod na lamang. Ang alam ko kasi ay nakabubuti rin at wala naman iyon.

Mayaman si lolo at halos hawak na niya ang titulo ng lupain sa Sta Maria. Kung bakit ba kasi naligaw rin ang lolo ko sa lugar na iyon. Interesado lang kasi siya sa pamamalakad nito.

Ilang oras ang biniyahe namin saka lang ako nakarating at namangha nga ako dahil sobrang payapa ng mga taong naninirahan dito.

Pagkababa ko pa lamang at nasa tapat ko na ang bahay ni Lola Molai ay nasa labas na rin siya nakaabang. Alam kong hindi nagustuhan ni lola ang pagpunta ko.

“Apo.” Nilapitan ko siya at nagmano. “May saltik na talaga sa utak ’yang lolo mo at talagang pinapunta ka pa niya rito,” saad niya.

“Hayaan ninyo na po, ’La. Gusto ko rin pong lumayo muna mula kay lolo at sa tingin ko puwede po akong mamuhay ng simple. Na wala munang papeles na aasikasuhin,” paliwanag ko para hindi na magdibdib pa nang husto ang abuela ko.

Ngumiti lamang siya at inaya na niya akong makapasok sa loob ng munti niyang tahanan. Hindi naman kailangan ni lola na magtrabaho nang husto dahil pinapadalhan siya ng pera ni lolo pero mas gusto pa rin niya talaga ang sariling pagsisikap.

Namuhay nga ako ng simple at parang isang mamamayan lang ng Sta Rosa. Sinimulan ko na rin ang plano ko. Una akong namasukan sa Villa Ciesta dahil iyon talaga ang target namin. Ang anak ng may-ari pero ’saktong kaaalis lang pala nito at nagpunta sa ibang bansa.

Dismayado si Lolo Jo, dahil wala rito ang tagapagmana ng mag-asawang Ciesta kaya nag-change plan siya.

Hindi ko naman agad sinunod ang plano, kailangang magtagal muna ako rito para hindi ako paghinalaan. Sinabi ko naman iyon at hindi na rin siya umalma. Nagkataon lang din na tatlo pa kami ang ’saktong nanliligaw kay Isabella. Gayunpaman, hindi ako dapat mabigo. Pero ang plano kong panliligaw ay masisira pa yata ng isang babae.

Naglibot-libot lamang ako noon nang makita ko siya sa gilid ng kalsada at ang akala ko ay hahayaan niya lamang ako dumaan pero parang kinukuha niya rin ang atensyon ko kaya inihinto ko ang pagpatakbo ko sa alaga kong kabayo.

Maikli ang kasuotan niya, iyon lang ang masasabi ko at hantad na hantad ang mapuputi niyang hita. Sa dami ng mga taong nakatira dito ay nasanay agad ako sa paraan ng pananamit nila at maski na kay Isabella ay ibang-iba pero ngayon sa babaeng ito pa.

Dahil sakay nga ako ng kabayo at nasa baba siya ay malaya kong napagmamasdan ang maamo niyang mukha. Walang halong pagbibiro ’yon. Maganda talaga ang babae at mapapaisip ka kung tao pa ba siya o isang diyosa. Hindi morena ang kutis niya.

“Here. Can I ride in your horse? I just want to be there, oh. I’m so tired,” sabi niya at sinundan ko nang tingin ang itinuturo niya. Ang Villa Ciesta mismo.

Ang alam ko ay wala namang darating na bisita ang pamilyang Ciesta at malabo rin silang magkaroon ng dayo. Maliban na lang kung may okasyon kaya napakaimposible nang hinihiling niya.

“Hindi puwede,” mabilis kong sagot.

“Ha, why not?” nagtatakang tanong niya. Pinasadahan ko ulit siya nang tingin. Napaigting na lamang ang panga ko. Hindi ba siya aware sa suot niya na puwede siyang mabastos sa kasuotan niya? Pero parang balewala rin iyon sa babae. “Please, my legs are shaking and I can’t even stand straight. Sa dulo lang iyon ako pupunta,” pagmamakaawa niya at halata rin naman ang pagod sa boses niya. Napataas lang ang kilay ko dahil sinusubukan pa rin niyang ituro iyon.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon