Chapter 11: Negotiation
INAYA na lamang ni Isabella ang mga kababata ko para sabayan kaming kumain. Inutusan pa niya ang servant niya na kumuha ng extra pinggan para sa mga ito.
Nakaupo siya sa gitna nina Hunter at Kallix, kaharap ko rin siya. Hindi na nga bumalik pa si Azul sa puwesto niya kanina at mas pinili ang umupo sa tabi ko. Goods na ’yon.
Sa kalagitnaan nang pagkain namin ay kaming tatlo ang pinakamaingay. Nagtatanong kasi sila tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa akin, sa mga nakalipas na taon na hindi ko na sila kasama pa. Sinagot ko naman sila ng makatotohanan.
“Isabella. Sino ba ang lalaking napupusuan mo?” tanong ko sa babae. Paano kasi out of place na siya, eh. Hindi na siya makasabay pa sa topic namin. Tanging pagngiti at pakikisabay na pagtawa lang ang nagagawa niya.
At ang isa riyan ay likas na tahimik siya at walang pakialam kahit na OP na rin siya.
Mukhang nabigla ko pa siya dahil sa tanong ko ngunit nag-angat siya nang tingin at umayos mula sa pagkakaupo nila sina Kallix at Hunter. Na parang interested din sila na malaman ang kasagutan nito. Tinamaan nga ng lintik ang mga hudas na ito.
“Oo, mayroon na. Sa katunayan ay bukas ko siya sasagutin para maging opisyal na rin ang aming relasyon,” sabi niya at diretso ang tingin sa katabi kong lalaki.
Mukhang kilala ko na kung sino ang magiging nobyo niya. Ang crush kong si Azul! Huhu! I kennat!
Noong umuwi na nga kami ay hindi na ako nagdaldal pa kasi sumisikip ang dibdib ko. Parang hindi ko kaya na magkakaroon ng girlfriend si Azul. Ewan ko kung bakit ganito kalakas ng impact sa akin ng poging suplado na iyon.
Hinatid naman niya ako hanggang sa villa namin at naramdaman ko pa ang matagal niyang pagtitig pero hindi ko na siya pinansin pa. Diretso lang ang paglalakad ko papasok. Kahit noong tinawag niya ako ay hindi ko siya pinansin pa. Siya na rin naman kasi ang kumuha kay Vip para dalhin ito sa kuwarto niya—este kuwadra pala!
But akala naman siya susuko ako? May balak pa sana akong puntahan siya roon sa palengke at nagtatrabaho pa naman siya rito sa amin.
Ang kaso lamang ay biglang nagkalagnat ang papa ko. Kinatok ako ni Nanay Lore sa room ko para lang sabihin ang tungkol sa aking ama. Hindi pa ako nakapaghilamos ay lumabas na ako at nagtungo sa master’s bedroom ng parents ko. I was worried. Parang kahapon ay okay pa siya. Naabutan ko si Mama na inaasikaso ang hubby niya, my father. Ayie, ang sweet.
“Oh, darling.” Hinalikan ako ni Mama sa pisngi nang makalapit ako sa kanya.
“Amoy layaw pa ho ako, ’Ma,” ani ko na tinawanan niya lamang. Hinaplos pa niya ang pisngi ko.
“It’s okay, darling. Noong bata ka pa at nagbababad ka sa araw ay inaamoy ko pa ang kili-kili mo.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Mama, kadirdir naman po! Pinaalala niyo pa sa akin!” hysterical na sigaw ko.
Humalik lang ulit siya sa aking pisngi. “Good morning, darling. May lagnat ang Papa mo.” Tinitigan ko si Papa na nakapikit. Hindi ko tiyak kung natutulog pa ba siya.
Sa bedside table ay mayroong maliit na basin at face towel doon. Nandoon din ang pinaglalagyan ng gamot.
Nang sandali kong hinawakan ang malaking palad ng aking Papa ay napadilat siya.
“Eljeh, anak...” sa nanghihinang boses na sambit niya. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko ang noo ng aking Papa.
“Kumusta po ang pakiramdam mo, ’Pa?” tanong ko at umupo ako sa gilid ng kama. Katabi ko rin si Mama. Hinahaplos niya ang ulo nito.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...