CHAPTER 43

2.5K 35 0
                                    

Chapter 43: Sermon

SERYOSONG tinitigan ko ang mukha ng anak ko. Nagulat ako dahil parang isa siyang imbestigador na ang husay mangilatis. Alam niya raw na nagsisinungaling ako at talagang napansin pa niya ang color eyes ko.

Ang bata-bata pa niya para mapansin niya ang mga bagay na iyon. Makulit lang talaga siya at palatanong.

“You are my father, Azul?” muling tanong ni Wez at sa timbre pa lang ng boses niya ay halatang nakikiusap na talaga siya. Nakaramdam naman ako nang awa sa kaniya kaya hindi na ako nagsalita pa.

Naramdaman ko ang pagsulyap ni Azul sa ’kin pero hindi ako nag-abalang tumingin din sa gawi niya. Hinayaan ko na lamang siya at bahala siya kung ano ang isasagot niya sa aking anak.

Lumuhod na siya sa tapat ni Wez at hinawakan niya ang maliit nitong mga kamay. Nagulat pa nga ang bata.

“Y-Yes, ako nga. . . A-Ako nga ang totoo mong daddy, Wez, and your mom. She. . .was my girlfriend,” pag-amin niya sa katotohanan na iyon.

“W-Was? What does it mean, Azul? Did you break up with my mom before?” Wez asked him and he nodded.

“Yes, I did. . .” Azul answered.

“But why?”

“Wez. . .” I looked at my son nang bigla na siyang umiyak nang malakas.

“Wez, hon.” Nang hahawakan ko na sana niya ay iniwas niya ang kamay niya. Nasaktan ako sa ginawa ng anak ko na pag-iwas. Nagalit ba siya? Nagalit siya sa katotohanan na si Azul ang totoo niyang daddy? At inilihim ko lang iyon sa kaniya?

“Wez, anak.”

“Don’t touch me!” sigaw ulit niya at maski sa daddy niya ay ayaw niyang magpahawak.

Napatayo na ako at ganoon din ang ginawa niya. Umatras sa kama si Wez at padapa siyang humiga sa kama. Isinubsob pa niya ang mukha niya. Umaalog ang balikat niya dahil sa pag-iyak.

“Kasalanan mo talaga ito,” mariin na saad ko kay Azul at nagawa ko pa siyang sikuhin. Sumampa ako sa kama at sa paghawak ko lang sa balikat ni Wez ay nagpupumiglas na siya. “Ampûta! Ano’ng drama naman iyan, Wezeinlure?!” sigaw ko kasi hindi ko naiintindihan ang reaksyon niya ngayon.

Galit ba siya sa amin o nagdadrama lang siya?

Lumapit na rin si Azul at sinubukan niya rin itong kunin pero umiiwas lang ito. Sa takot namin dahil sa marahas na paggalaw nito ay baka mahulog siya sa kama.

Hinayaan na namin siya at hinintay lang namin ang pagtigil niya sa pag-iyak. Sinasamaan ko pa rin nang tingin ang lalaking ito. Binigla niya ang anak ko!

Nakatulugan na nga niya ang pag-iyak niya. Doon lang namin siya nalapitan nang hindi na siya nagpoprotesta pa. Maingat na inayos ni Azul ang pagkakahiga nito sa bed. Hinawi pa niya ang mahaba nitong buhok na nakatabon na nga sa mukha nito.

Sumikip ang dibdib ko dahil sa nakita ko na mugtong-mugto ang mga mata ni Wez at basa iyong pilik-mata niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at masuyo kong hinalikan ang noo niya.

Tumabi ako nang higa sa baby ko at niyakap ko siya. “Eljehanni. . .” Hindi ko pinansin si Azul. Narinig ko lang ang pagbuntong-hininga niya.

Pati ako ay nakatulog na rin. Nagising ako nang wala na sa tabi ko si Wez. 8:12 na nang umaga at hindi na nga ako nakakain pa ng dinner kagabi.

Bumangon ako at nagtungo na muna sa banyo para manghilamos. Napataas pa ang kilay ko dahil nakita kong tatlo na ang toothbrush at ang isa ay para sa bata, maliit kasi iyon, eh. Wala kaming ibang dala kundi ang extra na damit lang para kay Wez.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon