CHAPTER 36

11.6K 121 10
                                        

Chapter 36: Meeting him again

ELJEHANNI’s POV

HINDI pa ako nakarating sa Manila ay tumawag na agad sa akin si mama. Nawawala na naman daw sa villa si Wez. Mariin na napapikit na lamang ako sa inis. Kailan nga ba mahihinto sa kakulitan ang anak kong iyon? Mukhang hindi na rin.

Ang batang iyon talaga ay sakit ng ulo. Ngayon ay alam ko na kung paano ma-stress ang parents ko sa ’kin noong bata pa lamang ako. Nandoon iyong inis na parang gusto mong paluin sa puwit ang anak mo at naroon din naman ang pag-aalala.

“'Ma, babalik naman po siguro sa villa si Wez. Hintayin ninyo na lamang po siya,” ani ko at inayos ko ang earphone. Ayokong maaksidente habang nagmamaneho ako. May baby na naghihintay pa rin sa pagbalik ko kahit suwail na bata pa iyon.

Darling, mas malala pa yata ang anak mo kaysa ikaw dati. Early in the morning ay wala na sa villa. Ang hirap pa namang hanapin ang apo ko. Eh, ikaw alam mo na agad kung saan siya hahanapin. Kung sabagay ay manang-mana sa ’yo si Wez.” I let out a short laugh. Madalas itong sabihin sa akin ni mama at si papa naman ay natatawa na lamang siya.

“Like what I said po ay mga bata ang kasama niya, Mama. Hindi po ako nag-aalala sa kaniya masyado dahil kilala siya ng mga batang iyon at wala naman pong ginagawang masama ang mga iyon. Bata pa po si Wez, gusto niya lang mag-explore at gusto ko rin po na ma-enjoy niya ang childhood niya. Kapag naging strict po ako sa kaniya ay mas lalo siyang magrerebelde. Iyon naman po ang ginawa ninyo ni papa dati, ’di ba? Hinahayaan ninyo po ako sa mga gusto ko at isa po sa dahilan para malapit ako sa mga taong nagmamahal sa inyo ni papa. Na huwag po akong maging mataas at gawin silang kaibigan dahil dapat ganoon tayo sa mga tauhan natin. Na hindi lang po sila basta-bastang tauhan lang kundi isa rin silang pamilya,” mahabang sambit ko at may ngiti pa sa labi.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. “Napalaki ka nga namin ng papa mo nang maayos, magalang, may busilak ang puso at matulungin sa ibang tao. Pinagmamalaki kita, anak. Sa kabila nang pinagdaanan mong hirap ay nagawa mo pa ring maging matatag. Napapatanong ako sa sarili ko kung anak ka ba namin ng papa mo?” natatawang tanong niya.

“'Ma, anak ninyo po ako, ano?” sabi ko naman sabay tawa. Narinig ko na rin ang pagtawa niya.

“Sige na, darling. Take care ka na lang and I’ll wait for Wez na.”

“If kaya ko pong umuwi mamayang hapon ay uuwi po agad ako, ’Ma. Don’t worry po.”

“Okay, darling. I love you.”

“I love you too, ’Ma,” I uttered.

Isa’t kalahating oras ang biniyahe namin ay nakarating na agad kami sa Manila. Diretso agad kami sa kompanya at ’satong meeting nga agad. Akala ko magtatagal pa kami kasi sa dami ring investor ni Mr. Edgar pero mabilis lang naman pala.

“Zilla, bago tayo umuwi ay kumain muna tayo rito. Treat ko na. Bibili rin ako ng pasalubong for Wez,” sabi ko sa secretary ko.

“Sige po, ma’am,” tumatangong saad niya.

Dinala ko siya sa fancy restaurant. Bihira lang naman kasi kung kumain sa labas kaya pinili ko na sa mamahalin na kainan.

Pagkapasok namin ay may lumapit agad na waiter para kunin ang order namin. Sa kalagitnaan nga nang pagkain namin ni Zilla ay bigla na lang sumulpot si Sydney.

Tinakpan pa niya ang dalawang mata ko at nagsabi pa ng “guest who?” Akala niya ay hindi ko siya makikilala.

“Sino pa? Iyong Sydney na babaero,” biro ko na may halong katotohanan na babaero naman siya.

His Ideal Girl (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon