Special chapter 2: The happy ending
SA KASAL namin ay dumating ang mag-asawang sina Mr. Dwight at Nica kasama ang dalawa nilang anak. Lalaki at babae. Halos kaedad lang ni Wez ang panganay nilang si Prince Dweller, na malaki rin ang similarity nito sa daddy niya. Ang guwapo niya rin. Deserve nila ang maging masaya. Nasaktan man sila sa una nilang pag-ibig ay ang mahalaga nahanap naman nila ang true love nila sa isa’t isa.
Parang kami lang ng hubby ko ngayon. Yup, we’re officially married at kanina lang din kami nagpirmahan ng marriage contract namin. Si Wez ay isa na ring Belgica. Mas nauna lang inasikaso iyong kay Wez.
Dumating din naman si Snow at magkasama sila ni Sydney pero sa tingin ko ay hindi naman interesado ang tukmol sa babae dahil dumikit agad siya kay Zilla. Ito pa nga ang nakasalo ng bouquet ko at na kay Sydney ang garter ni Azul. Kaya tuwang-tuwa ang hudas.
Makalipas ang ilang linggo ay napapansin ko na maselan ang pagbubuntis ko kaya palaging nasa tabi ko ang asawa ko. Okay pa noong nasa honeymoon stage pa lamang kami pero pagkauwi namin ay parang mahina na agad ang katawan ko.
Ang baby boy ko ay gusto ko na palagi kong nakikita at nakasasama. Iyon bang gusto ko na nasa tabi ko lamang siya. Kapag umaalis talaga ang papa niya ay siya ang kasama ko.
Alam ko na gustong-gusto na rin niya talaga ang lumabas para maglaro pero dahil hinabilin ng papa niya na dapat binabantayan niya ako, he chose to stay with me at hindi siya nagiging suwail. Lahat ng mga inuutos ko ay mabilis niyang susundin.
Tatlong buwan pa lamang ang nakalipas at nasa Sta Maria na kami. Sa bahay mismo ni Azul, na bahay na raw namin ni Wez. Ang pamilya niya ay nasa ibang mansyon at malapit din naman dito. Palagi silang bumibisita at madalas ay pinagluluto ako ng mother-in-law ko. Masarap ang mga luto niya pero wala pa rin akong ganang kumain.
Sa pagmumuni-muni ko ay naramdaman ko naman ang pagyakap ng pamilyar na init ng katawan ng asawa ko. Napangiti ako nang makita ko siya at may dala na naman siyang red tulips. Tinanggap ko iyon at inamoy-amoy ko pa.
“Ayos ka lang? Hindi ka ba masyadong pinapahirapan ng anak natin?” tanong niya sa mahinahon na boses.
“Hindi ako okay, babe,” sabi ko at sinilip niya ang natutulog na si Wez. Nakaunan ito sa hita ko. Kanina ay nanonood kami ng movie at sinubukan talaga ni Wez na samahan ako para hindi ako ma-bored kung sa bahay lang kami.
Since preggy na nga ako ay hindi na muna nila ako pinagtrabaho. Inayos niya ang pagkakahiga ng aming anak at napadaing pa ito na tila naistorbo ang tulog niya. Pero nang makita niya ang papa niya lang pala ay napangiti pa siya kahit inaantok pa.
“Papa. . . Welcome home po,” inaantok na sabi nito at humalik sa likod ng palad ng kaniyang ama. Hinagkan naman siya nito sa ibabaw ng ulo niya.
“Inalagaan mo ba nang maayos at hindi mo iniwan ang mommy mo, anak?” tanong ni Azul.
“Yup po. Nanood po kami ng movie ni mommy ko, Papa,” sagot nito at tuluyan na siyang bumangon. Namumungay ang mga mata niya. Hinaplos ko ang buhok niya.
“May gusto ka bang kainin, babe? Nagugutom ka ba?” tanong niya na ikinailing ko.
“Kaunti lang po ang kinain ni mommy kanina, Papa. Mabuti pa po ako ay ilang beses akong nagpasandok ng kanin,” pahayag pa ni Wez at matiim akong tinitigan ni Azul.
“Ayaw mo ba sa mga luto nila? Gusto mong ako na lang ang magluluto para sa ’yo? Oh, gusto mo iyong ginisang kalabasa?”
“Iyon pa ang ulam namin kanina, Papa. Kaunti lang din po ang kinain niya at puro tubig lang po si mommy.” Si Wez talaga ang sumasagot kasi parang alam niya rin na tinatamad akong magsalita.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...
