Chapter 9: Paninibugho
MALAPAD ang ngiti ko habang nakatapat ako sa malaking salamin na nandito sa loob ng walk-in closet ko. Inayos ko pa ang pink collaret blouse ko na may mahabang manggas. Naka-tuck in ito sa itim kong palda na umabot hanggang tuhod ko ang haba nito. Kalahati ng buhok ko lang ang pinusod ko at wala akong inilagay na kahit na ano’ng make up sa face ko.
Tingnan na lamang natin kung hindi magugulat si Azul kapag nakita niya ang bagong ayos ko. Hehehe.
Nang makita ng parents ko ang outfit ko ay nagulat sila. Si Papa ay ilang beses napakurap. Samantala, si Mama naman ay nakaawang ang mga labi niya.
I stepped towards them and umikot sa harapan nila. Kasalukuyang nasa sala kasi sila. Ang alam ko ay aalis na rin si Papa para sa trabaho niya. Nagbibigay lang siya ng sapat na oras upang makipag-chitchat siya sa maganda niyang wife, which is my mom.
“Bagay po ba sa akin, ’Ma, ’Pa?” nakangiting tanong ko.
“Maganda ka naman, anak. Walang damit na hindi nababagay sa ’yo. Ngunit...bakit nagsusuot ka ng ganyang klaseng damit?” nagtatakang tanong ng aking ama.
“Kasi po, ganito ang mga damit na gusto ni Azul na isinusuot ng mga babae,” I answered politely.
“Darling, don’t tell me ay gusto mong maging love triangle kayo? Eljeh baby, parang imposible na makuha mo pa si Azul,” malungkot na saad ng maganda kong Mommy. I shrugged.
“Crush ko po si Azul. Aakitin ko po siya para ako na ang ligawan niya.”
“Anak, naman... Hindi ka ba masasaktan sa gagawin mong iyan?”
“Hindi po, ’Pa. Hayaan niyo na po ako at kailangan ko na siyang puntahan ngayon.” Hinalikan ko pa sila sa pisngi saka ako nagmamadaling umalis.
Dala-dala ko pa rin si Vip at nakatagilid ang pag-upo ko dahil sa mahaba kong palda. Nakarating ako sa palengke at bumukas ang saya ng mukha ko nang makita ko si Azul. Dahil sa excitement ay napatalon pa ako ngunit nang makaapak ang mga paa ko sa lupa ay napangiwi ako. Kumirot ang ankle ko kasi malakas ang pagbagsak ko pero keri ko pa naman.
Kinuha ko na ang dala kong supot. Puting sandal lang ang isinuot ko para maging komportable ako sa paglalakad. Maingay pa rin sa palengke at kanya-kanya sila sa diskarte na magtawag ng mga customer nila. Napapatingin pa rin sa akin ang mga ito, kasi until now ay hindi pa rin nila ako kilala. Ang alam lang nila ay nilalandi ko si Azul.
“Ano’ng masamang hangin ang nagdala sa ’yo rito?” agaran na tanong ko kay Isabella. Nakatutuwa na halos pareho na ang aming kasuotan.
“Ha? Bakit naman ganyan ang iyong tanong?” Hindi ko siya sinagot at binalingan ko si Azul na nasa akin na ang atensyon niya. Hindi nakatakas sa aking mata na pinasadahan niya rin nang tingin ang ayos ko.
“Hi, babe!” Tumalim ang tingin niya sa akin. “Este, Azul! Ang ganda ng panahon ngayon, ano?” ngiti-ngiting saad ko at nilapitan ko siya na busy na naman siya sa paghihiwa niya ng mga isda. Sinulyapan ko rin ang kapatid niya at si Lola Molai. “Magandang araw po, Lola!”
“Aba, kakaiba ang iyong kasuotan ngayon, hija. Ang ganda mo pala kapag simple lang ang pananakit mo.” Napa-fliphair ako kasi pinuri ako ng lola ng crush ko.
“Salamat po, Lola.”
“Malapit ba ang loob mo kay Azul, Eljeh?” tanong sa akin ni Isabella at napataas ang aking kilay.
“Close ba tayo para tawagin mo akong Eljeh?” mataray na tanong ko.
“A-Ano?” Nabigla siya sa pagtataray ko.
“Eljehanni,” may babalang sambit ni Azul sa pangalan ko.
“Yes, Azulenzure?” tugon ko. Pagdating sa karibal ko ay talagang masama ang kanyang tingin sa akin.
“Ano na naman ang ginagawa mo rito?” tanong niya na may bahid na pagkairita.
Ipinakita ko sa kanya ang supot na dala ko. “May dala akong kakainin. Mainit-init pa!” Nang akma niyang aagawin ko iyon sa akin ay iniwas ko sa kanya. “Kahit crush kita ay hindi ko ’to ibibigay sa ’yo! Kina Lola Molai ito at sa kapatid mo na kasing sungit mo,” saad ko. Dahilan umawang ang labi niya sa gulat ngunit bumalik din sa matigas na ekspresyon niya ang kanyang mukha.
Napangisi ako. Nagiging transparent na ako sa feelings ko at talagang malakas ang aking loob na sabihin iyon sa kanya.
“Ay salamat dito, hija. Nag-abala ka pa,” nakangiting sambit ni Lola. Matulis ang labi naman ni Asthasia.
Tumingin ako sa babaeng mahinhin na malayong-malayo ang ugali nito sa akin. Kung sa pagiging maganda ay ’di hamak mas maganda ako ng maraming paligo. Chos.
Pero true naman na mas maganda nga ako kaysa sa babaeng ito na parang hindi makabasag pinggan. Behave rin siya masyado. Nakaupo lamang siya sa tabi ni Asthasia may maliit na ngiti sa mga labi niya.
“Isabella, may dala ka rin bang kakanin?” tanong ko sa kanya.
“Si Azul mismo ang nagluluto ng kakanin para sa akin,” pagbibida niya na ikinanguso ko. Tumingin ako kay Azul na abala na ulit sa pagtitinda ng mga isda niya. Nang mapansin niya siguro ang titig ko ay tinapunan niya ako nang tingin.
Nakasuot siya ng maroon na t-shirt na may itim na vest, tapos naka-display na naman ang malaking muscles niya at ang maugat niyang mga braso. Ang haba ng mga daliri niya at tila isang kandila lang. Gapos na gapos ang itim niyang pantalon sa mahahaba niyang binti. Bakit na ang cool niya palagi?
“Azul, wala rin ba akong kakainin?” nakangusong tanong ko at kumibot-kibot na naman ang labi niya na parang may gusto na naman siyang sasabihin.
“Bakit ano ba ang dala mo ngayon?” pilosopong sagot niya. Nilapitan ko siya at pasimpleng kumunot ang noo niya. “Distansya,” paalala niya at bahagya pa niya akong itinulak. “Isabella, tara ihahatid na kita sa inyo.”
“Ha? Masyado pa kayang maaga pa umuwi siya,” komento ko at inismiran pa niya ako.
“Tara. Mauuna na kami, Eljeh. Sa katunayan ay inaaya ako ni Azul na mag-picnic. Nagluto siya para mamaya at doon sa palayan kami mag-d-date,” nakangiting wika ng babae at nakaramdam ako ng paninibugho sa aking dibdib.
Ang suwerte naman ni ate girl, samantalang ako ay sinusungitan ng isang ito. Sa kanya ay ipinakikita ang pagiging sweet nito. Eh, ako? Hay naku, parang mainit ang ulo nito palagi at wala talagang pakialam.
“'La, aalis na po kami.”
“Okay sige.” Sinundan mo nang tingin ang bawat kilos ni Azul hanggang sa may kinuha siya na isang basket. Curious ako sa mga luto niya at inaya pa niya ng date ang babaeng nililigawan niya.
Tumulis ulit ang mga labi ko dahil sa marahan niyang paghawak sa siko nito at ingat na ingat siya.
Nagpasalamat naman sa kanya ito nang alalayan niyang makatayo ngunit hindi na binitawan ang braso niya at kumapit na lamang ang babae.
“Azul! Sama ako!” sigaw ko at napatingin na naman sa amin ang mga tao. Si Lola Molai ay tahimik lang siyang nagmamasid sa amin.
Hindi ako pinansin ni Azul at sunod-sunod ang paghakbang nila. Maski si Isabella ay nag-aalangan siyang umalis at nasa akin ang kanyang atensyon. Parang nakikita ko na awa na naglalaro sa mga mata niya. Mahigpit na kumuyom ang kamao ko. Hala, Eljehanni Elites. Nagseselos ka na pala! Ay masuwerte naman kasi si Isabella!
“Azul, isama na lamang natin si Eljeh,” ani nito at kinulbit pa niya ang lalaki.
“Hindi puwede.”
“Sige na. Isama na natin siya. Gusto kong maging kaibigan si Eljeh. Mukhang magkakasundo kaming dalawa,” giit pa rin nito para lang pumayag siya na isama ako kahit magiging third wheel lang ako sa date nila. Pero gusto ko talagang sumama sa kanila at hindi ako makakapayag na magsolo silang dalawa!
Sa huli ay hindi na nakatanggi pa si Azul at isinama na niya ako. Ang lapad-lapad ng ngiti ko. Paninindigan ko ang sumama sa kanila kahit na... nagseseselos ako!
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...