Chapter 48: Face off
WALA na akong choice pa kundi ang sumama uli sa loob kasama ang family ni Azul. Feeling ko ay sumama ulit ang pakiramdam ko dahil sa sobrang lakas nang pintig ng puso ko.
Never naman akong kinabahan nang ganito. Makapal nga ang mukha ko at hindi ako nahihiya sa kung sino-sino. Ngunit pamilya nga ni Azul ang nasa harapan namin ngayon. Mga lolo’t lola ni Wez at tingnan mo nga naman ang batang ’yan. Kahit hindi pa niya kilala ay ang gaan na agad ng loob niya.
Kami ni Azul ang magkatabing nakaupo sa couch. Iyong kapatid niyang si Muzy ay nasa single-sofa at kanina pa siya nakatitig sa pamangkin niya.
Tahimik na nanalangin ako na sana ay huwag na huwag magmumura ang anak ko sa harapan ng mga ito dahil tiyak akong magugulat sila. Iisipin nila na hindi maganda ang pag-aalaga at pagpapalaki ko kay Wez. Na hindi ko ito naturuan ng good manners.
Napahawak ako sa tuhod ng katabi ko dahil sa binti kong nangangatal na. Hindi yata magandang idea na ma-meet ko ang pamilya niya nang hindi pa ako handa.
Napalingon sa akin si Azul at hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay.
“Ayos ka lang?” mahinang tanong niya. Umiling ako. Hinipo pa niya ang noo ko at nagsalubong ang kilay niya. “Bumalik ang lagnat mo,” sabi niya. Dahil nga iyon sa kaba. “'Lo, Mom, Dad. Maiwan po namin kayo. Ihahatid ko lang si Eljehanni sa kuwarto. Masama po ang pakiramdam niya,” paalam niya at inalalayan niya akong tumayo.
Hawak niya ang kaliwang kamay ko at ang isa niyang braso ay nasa baywang ko na.
“Natakot ka ba sa amin, hija?” nakangiting tanong ng mommy ni Azul. Si Wez ay nakakandong sa daddy ng papa niya.
Nang itanong nga iyon ng ginang ay nag-init ang pisngi ko. Inaamin kong natakot nga ako at kinabahan. Pero halata ba talaga iyon?
“Ilang araw po siyang nagkasakit, Mom. Ngayon nga lang po bumuti ang pakiramdam niya. Siguro po ay nabigla lamang siya,” paliwanag ni Azul at hinaplos pa niya ang baywang ko. Gusto ko siyang suwayin pero hindi ko na talaga magawa pa.
“Okay. Go on. Rest first, hija,” sabi ng daddy niya at tumango naman ang lolo niya sa amin.
Hinatid na nga ako ni Azul pabalik sa kuwarto niya. Inalalayan pa niya akong makahiga sa kama at kinumutan.
“Gusto mo bang palitan kita ng damit para komportable ka?” tanong niya sa ’kin. Sleeveless dress na color peach ang suot ko. Manipis naman ang fabric nito.
“Huwag na. Bababa naman ako mamaya. Gusto ko lang muna magpahinga,” aniko. Nakapagtataka lang dahil hindi mukhang galit ang boses ko. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama at lumapit sa mesa na nasa paanan nito ng kamang hinihigaan ko.
Pinapanood ko lang ang bawat galaw niya. Nagsalin siya ng tubig sa baso at nilapitan uli ako sabay na umupo sa gilid ng bed niya. Pinainom niya ako ng tubig and after that ay hinubad niya ang coat niya saka siya umupo sa tabi ko. Kumunot ang noo ko.
“Bakit?” tanong niya.
“What are you doing?” I asked him back.
“Babantayan kita,” sagot niya. Kinuha ko ang maliit na unan na gamit ni Wez at hinampas iyon sa dibdib niya. Hinawakan niya iyon.
“Lumabas ka na at bantayan mo roon ang anak mo. Baka kung ano ang gawin doon sa pamilya mo,” kunot-noong saad ko.
“Wala namang gagawin doon si Wez. Mabait na bata ang anak natin.” Higit na lumalim ang gatla sa aking noo.
“Magmumura iyon sa harapan ng mga magulang mo,” giit ko.
Napakamot siya sa kilay niya. “Hindi naman siguro,” umiiling na sabi niya. Mariin ko siyang tinitigan.
BINABASA MO ANG
His Ideal Girl (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance (taguan ng anak) Si Eljehanni Elites Ciesta, isang heredera ng Villa Ciesta dahil nag-iisang anak lamang siya ng mga magulang niya. Nang makilala niya ang guwapong hardinero nila ay nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. Ayon sa...
