MYXSICA’S POV
Habang nakatingin sa labas nitong palasyo ay biglang may kamay ang humaplos sa mukha ko at mula sa harapan ko ay nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Hellgurd. Wala akong ibang naging expresyon at tinignan ko lang ang mga mata niya.
“Sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko at makukuha kita,” halos pabulong na saad nito at halos dumikit na ang labi nito sa akin dahil sa sobrang lapit niya.
“Siguraduhin mong mapapabagsak mo ako…” saad ko at saka tinitigan ang mga mata niya. “Dahil sa oras na matalo ko kayo ay sisiguraduhin kong walang maiiwang bakas ‘ni isa sa in’yo,” banta ko.
Ang ngisi niya ay hindi nawala pero alam kong pantay lang kami ng kapangyarihan. Nawala siya sa harapan ko dahil sa pagbukas ng pinto at mula doon ay nakita ko si Abriya at mula sa likuran nito ay nakasunod sa kaniya si Xyphus. Alam ko na kung bakit sila nandito at agad naman akong tumingala at doon ko nakita ang sandamakmak na mga kalaban.
Bumuntong hininga ako at saka ako lumapit kay Abriya. Alam kong marami siyang tanong pero mas pinili na lang niyang manahimik. Tumingin ako kay Xyphus at seryoso ang mukha nito at sa totoo lang ngayon ko lang nakita ulit ang seryoso niyang mukha. Lumabas kaming tatlo at nakasalubong namin sina Hyx, Hexon at Fracia.
“Wala ka bang ibang sasabihin?” makahulugang tanong ni Abriya sa akin.
Hindi ako umimik at naunang umalis at pagkarating sa labas ng palasyo ay naroon na ang lahat ng mga handang mamatay at ialay ang kanilang mga sarili para sa Arendelle. Sa totoo lang ay natutuwa ako sa tapang nilang lahat at handa nilang ialay ang kanilang mga sarili para sa mundong ito.
Nag-umpisa na ang laban at sa totoo lang kahit na alam kong mangyayari ito ay hinayaan ko lang na mangyari. Kailangan kong makita ang kalakasan ng bawat isa at sa kung ano ang mga kahinaan nila. Gano’n pa man ay muli kong hinarap ang Lola ko pati na rin si Davina. Ang kanilang presensya ang nagbibigay sa akin ng rason para manatili sa Arendelle.
“Hindi ka ba natutuwa na muli kaming makita?” tanong ni Davina.
Sa totoo lang mas matutuwa ako kung pinaghandaan talaga nila ang laban. Sa oras na ‘to ay saglit lang silang nawala at alam kong ang mga sandali na ‘yon ay wala silang sasayanging pagkakataon. Kung hindi rin naman dahil kay Hellgurd ay wala sila dito ngayon.
“Kinaggaalak ko,” maiksing sagot ko.
Nagtinginan ang dalawa at saka sila nagtanguan. Alam ko naman kung ano ang balak nila kaya naman inilabas ko ang espadang si Seraphina. Nang ihanda ko ang sarili ko’y nakita ko ang nangambang mukha ni Lola. Hindi ako nagbigay ng kahit na ano mang ekspresyon sa mukha ko dahil alam kong mapipikon lang ang mga tangang ito.
Sumugod una si Davina at saka sumunod si Lola. Sinanga ko ang espada niya at saka ko tinapat ang kamay ko sa tyan niya at lumabas ang kapangyarihan ko saka siya tumalsik. Sa pagkakataon na ‘yon ay nagpangbuno kami ni Lola at halos pantay ang lakas namin kung hindi kami gagamit ng kahit na ano mang kapangyarihan.
“Pasalamat ka at iniligtas ka ng iyong ina noong sanggol ka pa lamang. Kung sakali ay wala sana akong balakid ngayon,” ani niya at tinignan ko lang ang mga mata niya. “Pero ayos na rin na nakaharap kita ngayon, apo ko. Masasabi kong kadugo kita dahil magkasing lakas lang tayong dalawa.”
Sinipa ko siya at napadistansiya siya sa akin. Nakita kong nilalabanan ni Xyphus si Hellgurd at si Hyx naman ay kay Helicus. Susugurin sana ako ni Davina nang sumingit si Fracia at Abriya.
“Oh, hinay ka. Kami muna harapin mo at h’wag ka munang mangialam sa away ng mag-lola,” nang-aasar na sabi ni Fracia.
Nakita ko ang ngisi sa labi ni Davina at batid kong alam niya kung ano’ng klasing nilalang si Fracia. Hindi ko alam kung paano kong ilalayo si Fracia dito pero ayaw ko naman na kamuhian niya ang sarili niya sa oras na mangyari ang kinatatakutan ko. Nagpangbuno silang dalawa at kami naman ni Mathilia at hindi ko siya ituturing na kamag-anak ko sa ngayon dahil sa laban na ‘to.
“Totoo nga ang sabi nila ano? Kung sino pa ang kadugo siya pa ang magiging kalaban mo,” sabi nito.
Kailangan ba nilang magsalita habang nakikipaglaban? Hindi naman siguro kailangan lagyan ng comment ang bawat isa.
Hindi ko na lang pinansin ang kung ano man ang sinabi niya at wala naman akong paki sa mga pinagsasabi niya. Sa totoo lang ay kung ako ang masusunod ay kaya ko naman pabayaan ang mga taga Ethrejal pero hindi lang kinakaya ng konsensya ko ang nangyayari. Gano’n pa man ay muli kaming nagpambunong dalawa hanggang sa kung saan-saan na kami napapadpad.
Wala ‘ni isa sa amin ang nagpapatalo at nananalaytay ‘yon sa dugo namin. Sa huling sugod naming dalawa ay parehong nakatutok ang espada sa aming dalawa. Nagtama ang mga mata namin at sa totoo lang ay nakikita ko ang galit sa mga mata ni Lola.
“Sa totoo lang ay hindi mo naman dapat kainggitan ang lakas na mayroon ang ina ko at balakid sa kakayahang mayroon ako,” saad ko at nakikita ko ang seryosong aura nito.
“Mapayapa naman dapat ang lahat, e. Kung hindi lang naman dahil sa iyong ina,” sagt niya at pinagduldulan ang espada sa akin na hindi ko naman kinatakutan.
Natawa ako sa sinabi niya at saka ako naglabas ng isa pang espada dahilan para tumalsik ang espadang hawak niya. Sa pagkakataon na ‘yon ay pinag-cross ko ang espada ko at saka ko ito tinapat sa leeg niya na para bang gunting.
“Hindi ka lang ganid ano? Bobo at tanga ka pa.” Kikilos sana siya nang mas lalo kong inilapit ang talim ng parehong espada. “Isang maling kilos mo hati ‘yang ulo mo,” banta ko.
“Kahit sa huling hininga ko… Lalaban ako!” galit na sabi niya.
“Ayy sige! Walang pipigil sa ‘yo, Tanga. Gusto mo pang lumaban kahit alam mong talo ka na?” napipikong sabi ko.
Nakita kong naglalabas siya ng kapangyarihan at bago pa man ako makapag-react ay bigla na lang akong tumalsik. Sa bilis ng kilos ni Lola ay hindi ko kaagad nasalagan ang maliit na punyal na hawak niya. Napainda ako sa ginawa niya at saka ko nakita ang ngisi sa labi niya. Napatingin ako sa nakabaon na punyal sa kaliwang dibdib ko at naramdaman ko ang paglabas ng dugo mula sa bibig ko.
“Ngayon mo sabihin kung sino ang bobo at tanga sa ating dalawa mahal kong apo,” nakangiting sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/365025837-288-k608827.jpg)
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...