CHAPTER 1

1.1K 35 2
                                    

Nalia

NAPABANGON ako bigla at hinabol ang hininga. Pakiramdam ko hindi ako huminga ng isang araw. What the hell is happening to me? Natigilan ako ng maalala ko ang nangyare sakin. Nahulog nga pala ako sa mataas na bangin dahil sa mga walang hiyang bloodlust.

Am I dead? Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ganon na lang ang mangha ko dahil nasa ibang lugar ako. Ito na ba ang langit? Pero sa dami ng kasalanan na ginawa ko dito ako mapupunta? Para itong isang lumulutang na lupa.

May nakatayong malaking puno na kulay ginto ang dahon. May kama rin dito na ngayon ay inuupuan ko. Walang bubong kaya kitang kita ko ang ulap. Nababalutan ng ulap ang paligid. Para akong nasa isang paraiso.

Umalis ako sa kama at nilibot ang buong lugar hindi naman masiyadong malaki ang lupang kinatatayuan ko pero nakakapagtaka lang dahil may isang lupa pang nakalutang malapit sakin hindi ko alam kong anong meron don kase wala naman akong nakikitang hagdan man lang.

Napaatras ako ng may bigla na lang tumalon galing roon. She's beautiful! Para siyang isang diwata sa itsura niya. Amoy baby din ang amoy. Nakangiting itong nakatingin sakin kaya nakadagdag sa gandang taglay nito. Sino ba siya? Ang kinis din ng mukha magara din ang damit pang dyosa nga talaga.

"Hello! Nalia, nice to see you and meet you." Nakangiting sabi niya, pati boses maganda at ang hinhin rin kung magsalita. Asan ba talaga ako? Patay na nga ba talaga ako?

"Who are you? Where I am? Is this heaven?" I ask to her.

Lumapit naman siya ng tuluyan at hinawakan ang dalawang palad ko. Naglakad siya papunta sa isang lamesa na nasa lilim ng punong ginto. Napatangay ako dahil hawak hawak niya parin ang palad ko. Ang lambot ng palad niya ah.

"Kumalma ka muna, Nalia. Samahan mo muna akong mag chaa at mag kwentohan muna tayo." Nakangiting paring sabi niya at pinaupo ako bago naupo sa harapan ko. Nagsalin siya ng kulay asul na likido. Is this poison? Bakit asul?

"Ito uminom ka." Aniya at nilagay sa tapat ko ang isang baso na may laman kulay asul na likido. Alinlangan ko naman itong tinitigan dahil kahinahinala ang kulay nito.

"Wag kang mag alala. Ligtas ang likido na yan. Pasensya kana sa kulay hahaha." Sabi niya ulit at mahinang tumawa. Ang hinhin niya tumawa daig pa si maria clara.

"Where I am?" Muling tanong ko.

"Asan ka? Natatandaan mo ba ang nangyare sayo?" Imbis na sagutin ako ay tinanong naman ako.

"Oo, nahulog lang naman ako sa bwesit na bangin na yan." Inis na sagot ko. "Hahaha kaya ngayon ay patay kana." Walang alin-langan niyang sabi. Kung patay na ako bakit ako andito?

"Ikaw ba si San Pedro?" Tanong ko at tinuro pa siya. Muli na naman siyang tumawa. Luhh happy kana niyan sakin. "I'm not, I'm goddess Tori. Goddess of the moon." Goddess? Wala naman talagang dyosa, pinagluluko ba ako ng babaeng to?

"Nagkakamali ka, Nalia, dahil sa mundong ito lahat ng impossible sa mundo niyo ay possible sa mundong ito." Makahulugang sabi niya. Seryoso ba siya? Oh ginogood time lang ako.

"Seryoso kaba? Can you please explain, miss goddess." Sarcastic na sabi ko tumawa naman siya sakin. Tawa ng tawa wala naman nakakatawa, tskk.

"Ok, ipapaliwanag ko lahat lahat sayo basta wag na wag kang magtatanong habang nagsasalita ako, I hate it kase. Ok? Please listen carefully. Wag kang mag sasalita hanggat hindi ko sinasabi" ngayon naman seryoso siya, ang pebolar ng babaeng to.

"Your dead... Alam ko hindi mo kailangan ipamukha ng ipamukha, tskk." Putol ko sa sasabihin niya. Kailangan niya pa talagang ipamukha sakin na patay nako. "Kakasabi ko lang, Nalia." Pagmamaktol niya inirapan ko naman siya.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon