Nalia/Shivani
Pagkaupo namin ay sakto naman na dumating na yung babaeng elf na mukha atang siya ang guro rito. Maganda naman siya pero wala akong pake alam. Tumahimik na rin ang lahat nong pumasok siya.
"Good morning everyone." Bati niya habang nakangiti maganda naman siya. Bumati rin sila pabalik hindi nako bumati dahil ayoko. Tinatamad akong magsalita ngayon. "Ow, your finally back. Miss Luther. Kinagagalak kitang makita muli sa klase ko. I heard na wala ka raw maalala. Let me introduce my self to you. I'm Venus your senior." Nakangiting sabi nong elf. Mukha namang plastic.
"Yeah." Bagot na sabi ko mukha namang nainis siya sa sagot ko pero hindi niya lang pinahalata. "Plastic talaga." Rinig kong bulong ni Dorothea sa tabi ko. Alam niya rin pala iyon. "Ok, let's start our class." Nakangiting sabi ni Venus.
Nagturo lang siya sa harapan samantalang ako ay nakahalumbaba lang sa mesa habang nakatingin sa labas. Gaya ng tinuturo sa dati kong mundo ganon rin ang tinuturo rito. Kaya alam ko na lahat tapos nako nag aral remember! tskk.
Dalawang oras bago natapos ang classe ni Venus. Papunta kami ngayon sa cafeteria para mag meryenda. "Ang boring talagang magturo ng plastic Venus na yon." Inis na sabi ni Dorothea. "Sinabi mo pa, walang kabuhay buhay kung magturo." Inis rin na sabi ni Tierra.
"Magkakaroon lang naman yun ng buhay kabang kaharap niya si Senior Cris." Natatawang sabi ni Dorothea. "Sinabi mo pa, sa tuwing kaharap nga niya si Senior Cris para siyang uud na sinabuyan ng asin na tudo pa cute. Di naman cute nagmumukha nga siyang aso eh." Tuluyan na nga silang nagtawanan sa isa't isa samantalang ako ay bagot na bagot na.
"Hoy, Shi. Tumawa ka naman! Sa tuwing sinasabi natin si Plastic Venus ng masasama ikaw ang unang natatawa." Aniya naman ni Tierra. "Tsk, apaka walang kwenta kase ng pinaguusapan niyong dalawa, she didn't deserve my attention." Bagot na sabi ko. Napanguso naman silang dalawa.
"Your right naman pero nakakatawa kaseng pagusapan ng ganon ang Plastic Venus na yon." Aniya naman ni Dorothea. "Yeah yeah, whatever. Pumunta na lang tayo sa cafeteria. I'm fucking hungry." Inis na sabi ko at naunang naglakad. Hinabol naman nila ang lakad ko.
Pagkarating namin sa cafeteria ay pinagtitinginan na naman ako ng mga studyante na sinawalang bahala ko na lang. Bahala silang ubusin ang mga walang kwenta nilang oras sa paguusap sakin. Bakit hindi na lang sila kumain ng kumain ng sa ganon ay mabusog pa sila?
Agad kaming kumuha ng pagkain at naghanap ng mauupoan. May nakita naman kaming bakante sa tabi ng glasswall. Glasswall kase ang buong cafeteria kaya makikita mo ang mga studyante na palakad lakad sa labas. Agad kaming naupo.
"Grabe! Sayo lang ba lahat yan, Shi." Nakangiwing tanong ni Dorothea habang nakatingin sa dalawang tray na nakalapag sa harap ko. Tumango naman ako sa kaniya at agad na nilantakan ang burger. Malaki ito kumpara sa burger na normal ang size.
"Kailan kapa naging matagaw? Diba ayaw na ayaw mong kumakain ng marami dahil ang sabi mo baka tumaba ka at impossible ka ng mahalin ni, Kairos." Inis ko naman na binalingan ng tingin si Tierra. Bwesit naman! Pati ba naman sa pagkain Kairos Kairos parin. Eh kung upakan ko kaya mukha non.
"Noon yon!" Inis na singhal ko. Mukha naman silang hindi naniniwala kaya inirapan ko silang dalawa. "Sure? Baliw na baliw ka kaya sa elfair na yon!" Singhal rin ni Dorothea, wala kaming paki alam kong naririnig ng ibang studyante ang pinaguusapan namin.
"Oo, wala na akong pake alam sa lalaking yon! Kahit nga magpakapatay yon sa harap ko tutulungan ko pa siya! Apaka walang kwentang nilalang!" Inis na sabi ko at sumubo ng burger. Rinig ko naman ang pagsinghap ng mga nakarinig sa sinabi ko. Pansin ko rin na natigilan sila Dorothea habang nakaawang ang mga labing nakatingin sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...