CHAPTER 33

361 21 1
                                    

Nalia/Shivani

HINDI nako magtataka sa naging desisyon ng Alpha. Alam ko naman na ginawa niya itong paraan para mapadali ang pag paslang sakin. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang sinabi ng walang hiyang lalaking muntik na akong payatin.

Hindi rin ako makatingin sa mga mata ni Kairos nong magkita kami sa mansion ni tanda. Saka ko lang siya magawang tignan kapag hindi nakatingin sakin. Siguro ipagpapaliban ko muna ang mga nalaman ko. Sa ngayon ay kailangan kong mag ingat dahil ano mang oras ay nanganganib na ang buhay ko.

Sa bawat sandali ay may panganib na nakapaligid sakin. Ano ba naman kaseng kalukuhan tong ginawa nila Tori bakit sa sitwasyon na ganto pa ako nilagay. Nakakatikim talaga sakin ang babaeng yon wala akong pake kong diyosa pa siya.

"Leader, bilisan mo naman maglakad!" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Mico. Naglakad kami ngayon palabas ng university para magpunta sa alpha dahil sa special mission na sinasabi nila. Hindi ko parin alam kong ano yon. Magtatanong na lang ako mamaya.

"Ang bagal bagal mo, leader. Nagmumukha ka lang cute na pagong." Kung nasa malapit lang sakin si Perseus malamang tumilapon na ang siraulong to. Isa pa talagang banat sakin ipagsisigawan ko na gusto niya si Darcy. Hindi sa wala akong pake sa paligid ko. Kahit na parang wala akong kwenta sa mga taong nakapalibot sakin pero alam na alam ko ang bawat galaw nila.

Sa mga tingin niya palang kay Darcy makikita mo ng mahal niya. I wish, I never be in love. NEVER. Baliw lang ang magmamahal isa na don si Perseus. Binilisan ko na lang ang paglalakad para hindi na sila sumigaw. Pinagtitinginan pa naman kami ng mga studyante.

Rinig ko pa ang bulungan nila na kisyo bakit daw may special mission kami at marami pang iba. Wala naman akong pake kaya bahala sila. Sa ngayon kailangan kong pagtuunan ng pansin ang buhay ko na nanganganib.

"Karolina, andami mo naman atang dalang gamit? Mukhang kinuha mo na lahat." Tumatawang sabi ni Vince. Oo nga halos apat na bag ang dala dala niya at malalaki pa. Hindi niya na rin mabuhat ng maayos dahil sa dami.

"Manahimik ka, ngayon ulit tayo makakalabas ng university kaya hindi ko to palalampasin. Mamamasiyal ako kung saan saan, kaya kaysa ang asarin mo ako tulungan mo na lang akong magbuhat ng bag ko para naman may ambag ka sa buhay ko." Aniya ni Karolina.

"Para sabihin ko sayo, hindi bakasyon ang pinunta natin sa labas special mission yon. Wag ka ngang assumera diyan. Bakit obligasyon ko bang magkaroon ng ambag sa buhay mo?" Ganto ni Vince. Ang oa naman kaseng magdala ng bruhang to ako nga isang bag lang ang dala ko. Kung magkulang ay bibili na lang ako roon.

"Ang ingay ng bag mo, Mico." Nabaling naman kila Lacey at Mico ang attention ko. Kinakalampag ni Lacey ang bag ni Mico habang si Mico naman ay iniiwas yon. Tunog plastic ang nanggagaling sa bag ni Mico. Hula ko ay puro pagkain na naman yon.

"Ano bang pake mo! Lumayo ka nga sakin. Baka humingi ka lang ng pagkain ko." Rinig kong sabi ni Mico. Kailan ba sila mananahimik?

"Hindi ako hihingi no, alam ko naman kaseng madamot ka. Pagkain lang ba ang dala mo?" Sabi ni Lacey.

"We hindi ako naniniwala sa pagmumukha na yan. Hindi a may dala akong isang damit, isang pans at dalawang underwear." Nakatanggap ng batok si Mico kay Arwin.

"Tatlong linggo tayo don tapos yan lang ang mga dala mo? Mas inaalala mo pa ang pagkain kaisa sa mga kailangan mo? Pwede ka naman bumili don." Iritang sabi ni Arwin.

"Wala kana don, ayoko nga. Gastos lang yon no mas ok ng magdala ako kaysa gumastos ng malaki. Ito libre pa." Proud na sabi ni Mico.

"Hoy! tarandato kang bata ka! Wag mong sabihin na nagnakaw ka na naman ng mga pagkain sa dorm namin!" Galit na sigaw ni Darcy. Lagi na silang nagaaway. Walang katapusan.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon